Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Mga patutsada ni VP Sara Duterte, isa-isang sinagot ng Malacañang | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagot ng Malacanang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte laban sa administration ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07Gate ng Palacio, ang kampo ng BC ang nagpapakalat ng narratibong magulong bansa at nagsusulong pa ng destabilisasyon.
00:14May report si Kenneth Paciente.
00:19Sinabi ng Malacanang na taliwas sa mga naunang pahayag ni Vice President Sara Duterte
00:24ang pag-amin nitong wala siyang personal na alitan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:28Mismong si Duterte Narawang nagpatunay na hindi siya nakaranas ng masamang pagtrato mula sa Pangulo
00:34bilang isang tao at bilang Vice Presidente.
00:37Sinabi rin ng Malacanang na sa kabila ng madalas na pagbiyahe ni Duterte sa ibang bansa
00:42at ng mga batikos nito sa administrasyon, hindi umano siya personal na inatake ng Presidente.
00:47Pero bakit personal ng Vice Presidente yung galit niya?
00:50Kailangan ko mausap pa siya ng taong willing na gumawa ng kanyang utos na ipapatay.
00:57Ang Pangulong Marcos Jr., si First Lady at ang dating House Speaker Romualdez.
01:03Ayon pa sa Malacanang, ang kampo ni Duterte ang nagpapakalat ng naratibong magulo ang bansa
01:10habang sila rin umano ang nagsusulong ng destabilizasyon upang maagawang posisyon ng Pangulo.
01:15Binigyang diin pa nito na may karapatan ang bawat Pilipino na magpahayag ng opinion
01:20ngunit hindi ito dapat gamitin sa pagpapakalat ng maling impormasyon at pagbabaluktot ng mga katotohanan.
01:26Pinabulaanan din ito ang pahayag ni Duterte na walang nagagawa ang administrasyon
01:30at sinabing taliwas ito sa mga nakikita ng iba.
01:34Maraming proyekto ang Pangulo.
01:37Nandiyan ang pabahay, pati yung pag-aayos sa matagal ng problema tungkol sa bahay.
01:42Tandaan natin, kahit na sa Davao, Davao City na mismo, sana ibukas niya yung mata niya
01:48dahil yung pabahay na nandiyan dyan sa Davao City, naramdaman ng mga Davaoenios.
01:55Pati na po yung pag-asasayos ngayon dahil sa patuloy na pagbaha dyan sa Davao City.
02:01Inaayos po yan ang gobyerno sa utos po ni Pangulo Matos Jr. Sana huwag magbulag-bulagan.
02:07Dinepensahan naman ang Malacanang ang naging desisyon ng Pangulo na pahintulutan
02:10ang paglalabas ng tax records ng BICE at iginiit na isinagawa ito alinsunod sa batas at tamang proseso.
02:17Pagsunod lamang umano ito sa sabpina na inilabas ng Senate Impeachment Court.
02:21Tugon nito ng Malacanang kasunod ng paghiling ng asawa ng BICE na si Atty. Manasis Carpio
02:25ng judicial review sa pagpapalabas ng kanilang tax records.
02:29Ayon kay Carpio, dapat umanong suriin kung naaayon sa konstitusyon at umiiral na mga batas
02:35ang naging otorisesyon ng Pangulo.
02:37Karapatan daw ito ni Carpio at ang sino mang may pagtutol pero hintayin na lamang daw
02:42ang magiging desisyon ng Korte.
02:44Pero tandaan natin, kung wala ka naman nililihim at wala namang makikitang anomalya
02:49sa mga records na pinabubuksan, di kailangan matakot.
02:53Dapat maging proud pa kayo na itong kita ninyo ay galing sa malinis.
02:58Noong Huwebes, iniulat na naipadala na ng BIR sa Senate Impeachment Court
03:02ang tax records ni Duterte matapos ang pag-aproba ng Pangulo.
03:05Nauna nang pinagbigyan ng Senate Impeachment Court ang hiling ng prosecution
03:09na magpalabas ng Sabina para sa tax records, bank records at iba pang financial documents
03:14ni Vice President Sara Duterte.
03:17Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments

Recommended