00:00Mga kapuso, inaasahang tataas ang presyo ng liquefied petroleum gas o yung LPG.
00:05Sa gitna ng tensyon sa Middle East,
00:07apektado rin ang posibleng rollback sa produktong petrolyo,
00:10kaya baka maunsyami ito.
00:12Ayon po yan sa Department of Energy.
00:14Nakatutok si Maris, umali!
00:19Ito na marahil ang the great equalizer sa kusina.
00:23Mapabahay man, karindirya,
00:26o kahit mga restaurant gumagamit ng LPG.
00:29Kaya nababahala ang restobar owner na si Jess
00:32sa anunsyong price hike ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association o LPGMA.
00:37Wala pang pinal na kwenta ang Department of Energy,
00:40pero sa tansya ng LPGMA,
00:42aabot ang dagdag presyo sa 2 pesos and 50 centavos kada kilogram
00:46o 27 pesos and 50 centavos kada 11 kilogram na tanke.
00:50Kailangan ko pong masustain yung business ko, ma'am, na ipapasa sa consumer.
00:54Ayos sa LPGMA, nagmahal ang presyo sa pandahidigang merkado
00:58dahil sa tensyon sa Middle East.
01:00Nakalipas na mga araw, biglang nagkaroon ulit ng conflict ang Middle East
01:06between the United States, Saudi Arabia, at saka against yan.
01:10So yan ang nag-trigger ng price increase ng LPG.
01:13Mahirap na raw asahan ang pagbaba ng presyo ng LPG sa mga susunod na buwan.
01:18Dahil bukod sa geopolitical tension, papasok na rin ang panahon ng winter stockpiling
01:24kung saan nag-iimbak na ng petroleum products ang mga bansang may taglamig
01:29para matugunan ang mas mataas na pangailangan sa enerhiya.
01:33Payo ng LPGMA sa publiko.
01:35Pag magluluto, pagsabay-sabay na nila yung mga ingredients na kahanda na dapat,
01:41pagkaginawa nila yan, they will be saving mga atang 20% of their consumption.
01:46Kung tutusin ay may saglit na paghupa ng tensyon kamakailan,
01:49pero pumutok na naman ang tensyon.
01:51Ayon sa Iran, inatake nito ang isang US-based sa Kuwait
01:55bilang ganti sa pag-atake ng Amerika sa Iran kahapon.
01:58Kaya ang posibleng 80 centavo rollback sa presyo ng diesel at gasolina
02:02na batay pa lang sa 4-day trading ayon sa Department of Energy o DOE,
02:06posibleng pang maunsyamik.
02:08Medyo alanganin talaga dahil baka ang impact nung nangyari kahapon ay ngayong araw.
02:13So ganun talaga ka-volatile, marami hong aspeto ng speculation
02:18rather than sa supply-demand balance.
02:20Bukas, magkakaroon ng final computation.
02:23Paniniguro lang ng DOE, sa ngayon, wala tayong problema sa supply.
02:27Marise Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments