00:00Sampung pisong taas pasahin sa jeepney ang inihihirit ng grupong piso.
00:06Bitinan nila ang mga price rollback,
00:09kabilang ang halos 25 pisong bawas presyo sa kada litro ng diesel.
00:15Mukas, nakatutok si Maki Pulido.
00:21Labis ba ang kita ng mga oil company nang sumirit ang presyo ng petrolyo
00:26dahil sa gera sa Middle East?
00:28Pwede, ayon sa Department of Energy.
00:31Kaya susuriin nila ito.
00:33There could be, but that's under the assessment ng PCC ngayon
00:41kung ano yung mga possible na discrepancy.
00:44Para matiyak na hindi ito mangyari,
00:47kinokontrol na ng gobyerno ang presyohan ng petrolyo.
00:50Gamit ang police power ng gobyerno batay sa Executive Order 110
00:54na nagdeklara ng National Energy Emergency,
00:56pinasusunod ang mga oil company sa itatakdang presyo ng rollback
01:01o kaya price increase adjustment kada linggo.
01:04Halimbawa, sa Mega Oil Price Rollback bukas,
01:07hindi pwedeng mas mababa ang tapya sa itinakdang 24.94 pesos per liter sa diesel,
01:133.41 peso sa gas at 2 peso sa kerosene.
01:16At kung sakaling magkaroon ng price increase sa mga susunod na linggo,
01:20hindi pwedeng humigit sa kwenta ng DOE.
01:23Ang mga oil company na hindi susunod,
01:26maaaring isyuhan ng show cost order para pagpaliwanagin
01:29kung bakit hindi dapat suspindihin ang kanilang permits
01:33o kaya humarap sa kasong kriminal.
01:35This is not an arbitrary calculation.
01:38We still follow the calculations that we have been using.
01:43We consider the five days.
01:45We consider the exchange rate of the peso, the dollar.
01:50We consider the premium that is paid,
01:53the insurance, kung magkanyang insurance, magkanyang transportation.
01:57If you don't comply, the penalty of that would be
02:01three months to one year imprisonment
02:03and a fine ranging from 50,000 pesos to 300,000 pesos.
02:09It's more of a criminal penalty.
02:12Dahil sa mega rollback,
02:13ang kada litro ng diesel bababa sa 111 pesos bukas.
02:18Pero sabi ng mga jeepney driver,
02:20malayo pa ito sa dating presyo na 50 pesos per liter.
02:23Ang pamasahin natin ngayon,
02:26nasa dapat ang tamang price ng diesel dito,
02:30nasa 55 to 60.
02:31Naawa na lang ako sa mga kapwa ko,
02:34maliban sa sarili.
02:35Para mabawi man lang ang gasto sa pinakakargang diesel,
02:39naghahain ng petisyong taas pasahe
02:41ang grupong piston sa LTFRB.
02:43Dagdag na 10 pesos permanent fare hike
02:46ang hinihingi nila.
02:47Kaya kung sakali,
02:48mula 13 pesos base fare,
02:50tataas ito sa 23 pesos.
02:52Hinihingi pa namin ang pahayag ng LTFRB.
02:56Ang layunin ay hindi pa para doon sa usapin
02:59na umangat ang buhay ng mga driver,
03:02kundi para maibsan yung mas malaking halagang nawala
03:05ng kita ng ating mga driver.
03:08Naiintindihan na mga nakausap namin commuter
03:10ang hiling na taas pasahe.
03:12Pero mabigat, lalo na sa hirap ng buhay ngayon.
03:15Sa akin naman po, kahit pa pano,
03:18nagdadagdag din naman kami ng pamasahe sa,
03:21kung baka hindi na kami na hilingi ng sukle,
03:23kung baka 13 yung singil,
03:26ang binibigay na lang namin 15,
03:27pero minsan talaga,
03:29kulang-kulang din talaga kami,
03:30gipit din talaga.
03:31May kabigatan,
03:32pero natural lang talaga.
03:36Natural lang na magta sila.
03:38Nakakaawa din yung mga driver,
03:40nabuha biyahe.
03:42At least may masasakyan.
03:45Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments