00:01Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:05Pansamantalang nakalaya si dating Sen. Bong Rebilla matapos siyang payagan ng Sandigan Bayan Fair Division
00:12na makapagpiansa para sa kasong malversation of public funds.
00:16Isang milyong piso ang bail na iniutos ng Korte, bagay na agad inasikasong mabayaran ang kanyang staff.
00:22Ayon sa Sandigan Bayan, pinayagang magpiansa si Rebilla dahil bigo pa sa ngayong maipakitang malakas ang ebidensya para patunayang guilty
00:31siya.
00:32At nakatutok live si Mark Salazar.
00:36Mark!
00:38Mel, Vicky at Emil, bandang 4.30 ng hapon, dumating dito ang convoy ni former Sen. Bong Rebilla dito sa
00:48Sandigan Bayan mula sa Quezon City Jail sa Payatas.
00:52Kasama niya ang kanyang may bahay na si Rep. Lani Mercado.
00:56Diretso sila agad sa Korte, late in the afternoon kasi.
01:00Lumabas ang desisyon ng 3rd Division ng Sandigan Bayan sa pagpayag nito sa petisyon ni Rebilla na makapagpiansa para sa
01:07kasong malversation of public funds through falsification of public documents.
01:12Kaugnay ito ng umano'y ghost flood control projects sa Pandi Bulacan.
01:18Isang milyong piso ang bail na inutos ng Korte, bagay na agad inasikasong bayaran ng kanyang staff.
01:25Non-bailable dapat ang kasong malversation of public funds.
01:28Pero humiling si Rebilla sa Sandigan Bayan na payagan siya magpiansa.
01:32Ayon sa Sandigan Bayan 3rd Division, pinayagan si Rebilla na makapagpiansa dahil biguuman o ang prosekusyon na maipakitang malakas ang
01:40ebidensya para patunayang guilty si Rebilla.
01:43Sa kaso, matatandaan ang kasong inihain ng Ombudsman noong Enero, sinabi nitong nagsabuatan si Rebilla at anim na kapwa-akusado
01:52para ilabas ang 76 million pesos para sa flood control project sa barangay Bonsuran, Pandi Bulacan.
01:59Na non-existent pala ng inspeksyonin ang proyekto.
02:03Ang ibinibintang na 76 million kay Rebilla at iba pa ay malaking bahagi ng sinasabing 92.8 million pesos na
02:11ghost project sa Pandi Bulacan pa lang.
02:14Humiling din makapagpiansa ang kanyang mga kapwa-akusado, kabilang ang mga dating DPWH Bulacan 1st District Engineers na sina Bryce
02:22Hernandez at JPE Mendoza.
02:24Pero hindi ito pinagbigyan ng korte. Nauna nang pinayagang magpiansa si Rebilla sa kasong draft, kaya wala nang hadlang para
02:31siya ipalayain ang korte matapos makapagpiansa.
02:34Matapos pirmahan ng Justice ng Sandigan Bayan 3rd Division ang kanyang release order, agad rin siyang isinakay ng BJMP service
02:43para naman sa kanyang medical clearance pabalik sa city jail.
02:47Sinubukan ng media na makuha na ng pahayag si Rebilla pero kumaway lamang ito. Narito ang ilan sa ating playback.
03:22Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
03:27Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
Comments