Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag-unlad at mahigit sa 130,000 high-quality jobs daw ang posibleng maibigay ng planong proyekto na Pax Silica
00:07kapag napaitay po ito sa bansa ayon sa Pangulo.
00:11Ngayon man, ang ilang grupo hindi hukumpinsido eh at mariin po nilang tinututulan yan.
00:18At kaugnay po yan ay makakapanay po natin ang tagapagsalita ng Agham, Advocates of Science and Technology for the People.
00:25Okay, so bakit nakakanoon kayo ng pag-aalinlangan sa proyekto pong Pax Silica?
00:31Actually, tinututulan natin ito kasi doon sa press releases nila at sinasabi nila,
00:36tingin natin hindi ito talaga yung magdadala sa atin sa pag-unlad.
00:40Wala ang nakasulat dito na technology transfer, wala ang nakasulat dito na magiging sa atin yung mga technologies na nandyan.
00:50Tayo ay magpaparenta lang ng lupa, tayo ay pupuntahan nila para iprocess dito yung mga minerals dito,
00:58pero iiwan din naman sa atin yung mga waste.
01:00Kagamit ito ng maraming tubig, gagamit itong maraming kuryente.
01:04Ito ba talaga ang klaseng pag-unlad na gusto natin?
01:07But what about the 130 jobs po na magigenerate from this?
01:10Isn't that something na...
01:11Itong 130,000 jobs na sinasabi nila ay totoo't kasi magtatayo ka ng isang enclave ay meron talaga doon sa
01:21pagagawa nila at pagtatayo nila sa construction phase.
01:25Pero kung AI data centers talaga ang gusto nilang itayo doon, hindi naman marami ang kailangan para magpatakbo ng isang
01:32buong building.
01:34Yun ba ang sinasabi nila na jobs na ika-create nito?
01:39So, kung meron man talaga ang klaseng jobs na gusto natin,
01:43ang gusto natin yung mga jobs na gumagawa ng mga bagay para sa mamamayang Pilipino.
01:48Pero ano ba yung gagawin dito sa Paxilica?
01:51Ito ay gagawa ng mineral processing.
01:54Ilalabas din natin yung final process.
01:56Hindi tayo gagamit at gagawa dito ng chips.
01:58Hindi tayo, yung AI data centers na yan, ay mga processing para sa labas.
02:03So, yung mula sa processing, mula doon sa mineral processing, mula doon sa AI,
02:08hanggang doon sa chips ay hindi naman Pilipino yung at the end na magagamit na ito.
02:13Pero gagawa ho ng chips. Yan ho ang unang naibigay sa ating information.
02:18So, ito ho ba ay may environmental concerns din na dapat isaalang-alang?
02:23Kasi, ang sinasabi nga ho, gagamit ito ng napakaraming tubig at kinakailangan din ng 600,000 megawatts na kuryente.
02:32Actually, 3 gigawatts ang sinasabi ng BCDA na gagamitin ito.
02:38Sa tubig pa lang, actually, yung 60 to 90 million liters per day na sinasabi nila,
02:44kukunin daw nila ito sa ulan at hindi sa groundwater.
02:50Pero kung titignan natin, kung bibilangin natin yung ulan na pupunta doon,
02:59hindi pantay-pantay bawat buwan yung kanilang ulan na pupunta dito,
03:03tapos hindi rin natin maisip kung magtatayo ba sila ng malaking storage ng tubig
03:10para ma-ensure na may tubig tuloy-tuloy sa isang taon dito sa operasyon ng kanilang data centers.
03:17Iba pang usapin kung magma-mineral processing ka dito kasi yung mineral processing mismo ay gagamit ng tubig.
03:24Pero hindi pa rin nila pinag-uusapan yung magiging effluence or yung magiging waste nitong processing nito
03:32kasi hindi yan simple na tubig lang na gagamitin mo sa paglilinis ng bato,
03:37kundi bawat phase na hinahanap mo yung mga rare earths at critical minerals dito
03:42ay gumagamit ng maraming tubig at magkakreate ng waste water na hindi rin naman nila sinasabi kung saan nila itatapon.
03:49So itong mga ito ay may malaking epekto hindi lang doon sa lugar,
03:54kundi doon sa mga adjoining areas kasi pag walang tubig,
03:57sino ba ang una nilang kukuha na hindi kundi yung katabing mga lugar kagaya ng Tarlac.
04:02Okay, so ibig sabihin kung sakasakali hong mailalatag,
04:05sa ngayon hong kasi usapan pa lamang ito,
04:07pero kung may malalatag po sila ng lahat na magiging plano,
04:12even yung pag-dispose po sa waste and everything,
04:15kayo ho ay willing naman makinig at hindi naman talagang sarado po ang inyong isip
04:19because maaaring ito ho ay mag-open din ang opportunities daw sa Pilipinas,
04:23parang sa iba pang mga kumpanya.
04:26Pero nangyari na yung ganito ang promise sa atin noon sa pagpasok natin sa electronics.
04:3340 years ago, pumunta dito ang Intel, Texas Instruments,
04:38nagtayo sila ng mga electronic firms dito.
04:40Ang promise noon ay magiging electronics giant tayo.
04:44Pero pag alis nila, walang naiwan sa atin.
04:46Hindi naiwan sa atin yung kakayahan gumawa nitong mga electronic chips.
04:50Ngayon, ito ang gusto nating sumama dito sa AI,
04:53trust ng US,
04:55ang problema dito,
04:56ang binibigay sa atin na bahagi ay yung bahagi na madumi,
05:02bahagi na hindi naman high-tech,
05:04hindi naman nila binibigay sa atin yung mga extreme UV lithography na technology
05:09na yun yung gumagawa ng chips.
05:11Hindi naman nila ibibigay sa atin yung mga models nila
05:14na ginagamit sa AI ngayon.
05:16Hindi naman nila ibibigay sa atin yung computational power.
05:19Ang binibigay nila sa atin ay yung mga hindi to
05:23at tinututulan mismo ng mga Amerikanal na itayo doon sa kanilang bansa.
05:30But can that be a bargaining chip po on our part
05:33na ibigay sa atin yung technology o ipasa sa atin?
05:37Maganda bang yung panimula yan?
05:38So, nakakapagtaka actually na nire-race natin ito ngayon
05:44pero hindi nire-race ng ating presidente nung sinabi niya sa Sona
05:48hindi nire-race ng BCDA ito at mukhang gusto na nilang matuloy ito
05:54na tayo pa mismo ang magsasabi na
05:57bakit nyo agad-agad na inooohan itong mga ito?
06:01Pakikita natin na bawat bago nilang press release
06:05ay may bini-walk back sila ng mga promises
06:09na sinasabi nila ito ay magdadala ng ganito.
06:11Kasi tingin natin minamadali nila
06:13kasi pumirma lang tayo dito ng December 2025.
06:17Nung April dumalaw dito yung undersecretary ng US
06:21at ngayon parang okay na at sinabi na nga sa Sona ni Presidente
06:26ano pa ba yung puwang na ibinibigay nila
06:29at nagnenegosasyo na sila ngayon dito
06:32at as if bago lang at ngayon lang natin
06:36nasasabi na yung tubig, yung electricity
06:40yung lahat ng mga nire-race natin na concerns
06:42as if ngayon lang nila naririnig.
06:44Dapat sila yung nagsasabi sa atin kung ano to
06:47pero mukhang minamadali lang talaga nila dito.
06:50Okay. Ano ba yung kaibahan ng Pilipinas
06:52kumpara po sa ibang bansa na nakapagtayunan ng
06:54nakikinabang daw sa mga naitayong Paxilica projects?
06:58Actually, wala pang natatayo na Paxilica projects
07:01kasi ito ay isang plano pa lang ng US
07:03at binubun niya ito.
07:04Pero meron mga ilang kagaya ng Indonesia
07:07ay nagkaroon sila ng mineral processing sa kanilang sarili
07:10pero sila sinabi nila na dapat Indonesia nang may-ari
07:13dito yung processing.
07:15Of course, Indonesia also did it with the help of China.
07:18I don't think yun yung gusto dyan natin.
07:21Pero ang kailangan panindigan doon ay
07:25ano ba yung benefit talaga ng Pilipinas
07:28doon sa pag-process, hindi lang ng minerals natin
07:31kundi yung pagtatayo ng sarili nating industrial plant.
07:35Mukhang industrial policy natin ay hinahabol lang nila
07:39doon sa kagustuhan ng US na magkaroon ng supply chain control.
07:44At dahil US na nagdi-dictate, sumusunod lang tayo.
07:48Ang tanong na ay, yun ba talaga yung magdadala sa atin
07:51o uulitin lang ba natin itong nangyari sa atin
07:55sa gaya sa electronics, one of our top experts ngayon
07:58ay electronics pero hindi mura ang electronics dito sa Pilipinas.
08:02So, hindi ko natin kakayanin kung sakasakali on our own
08:05na magkaroon ng manufacturing?
08:07Kaya natin. Kailangan planuhin.
08:09At hindi dapat tayo sunod-sunuran kung ano lang yung gusto
08:12ngayon ng US, paano kung ayaw na niya.
08:14At iwan na rin tayo, kagaya ng ginawa ng Intel,
08:17umalis sila dito.
08:19Kailangan talaga meron tayong sariling independent industrial policy
08:23na tingin ko ay wala ngayon sa kanilang mga plano.
08:26But sinasabi rin nila ito ay magiging paraan din
08:29para hindi tayo maging reliant sa China.
08:32Kasi doon po talaga lahat halos ng bansa ngayon.
08:35Kumuku ka?
08:37Totoo yun.
08:38Pero hindi rin naman kasi tayo yung nagpa-process,
08:40gumagawa ng electronic chips.
08:42Concern siya mainly ng US.
08:44Okay.
08:45Tapos saan, doon tayo bumibili.
08:47At dahil ito yung concern ng US,
08:50dapat sunod-sunod tayo sa gusto niya.
08:53Ngayon, kailangan din talaga natin planuhin
08:55kung saan tayo mag-source ng mga computer chips at iba pa.
08:59Pero nag-agawan base pa ang US at ang China dito.
09:03At ang problema, tayo, agad-agaran tayo na bastang magbigay ng lupa natin,
09:09magbigay ng ating mga kuryente ng tubig at iba pa,
09:13na ang hindi tinitingnan kung may iiwan ba talaga sa atin yung kakayahan na ito.
09:19Doon lang ba tayo sa processing may iwan?
09:21At ano pa ba ang makukuha natin dito sa mga ganitong klaseng deals?
09:26Kung hindi, baka ang may iwan sa atin ay yung mine tailings,
09:30yung processing waste, yung kawala ng tubig at yung kawala ng kuryente.
09:34May legal na hakbang ho ba kayong gagawin tungkol po dito sa Paxilica?
09:38Sa ngayon, ang problema, wala silang nilalabas na detalye.
09:42At ano ang kukwestiyonin mo, kundi yung mga press release nila.
09:46Walang transparency, nagkakagulatan lang tayo sa mga detalye,
09:50binabago nila yung numero every time na magsasalita sila.
09:53So, iyan yung atin, pero ating concern.
09:56At ang ginagawa lang natin ngayon ay yung mga iba't ibang mga grupo
10:01na nagkakaisalaban doon sa Paxilica
10:04at ang pagtingin ay dapat magkaroon tayo ng tunay na sarili nating industrial policy at pag-utla.
10:09Iyan yung pinagsasama-sama natin na kausap ngayon.
10:12Marami pong salamat sa inyo pong oras na ibinahagi sa amin sa Balitanghali.
10:16Marami pong salamat at magandang maga.
10:18Iyan po naman si Agham, spokesperson Dr. Giovanni Tapang.
10:21Susubukan po namin hingan ng pahayag
10:23ang Malacanang at Basis Conversion and Development Agency o BCDA
10:28kaugnay po sa mga sinabi ni Ginuong Tapang.
10:31Outro

Recommended