00:03Isang patay sa salpukan ang dalawang truck sa barangay Taysan sa Sipocot, Camarinas Sur.
00:09Ayon sa mga otoridad, patungong Maynila ang dump truck at Panagas City naman ang delivery van
00:15ng magbanggaan sa Andaya Highway nitong Biyernes.
00:19Patay ang pahinante ng delivery van.
00:22Nagpapagaling pa po sa ospital ang mga sugatang driver ng dalawang sasakyan.
00:26Walang pahayag ang magkabilang panig na nakatakdang magharap sa tanggapan ng pulisya ngayong araw.
00:34Kritikal ang isang elektrisyan matapos makuryente sa barangay Talogtog sa Mangaldan, Pangasinan.
00:41Ayon sa mga nakakita, aksidente ang nasagi ng 43 na lalaki ang live wire habang nag-aayos ng poste ng
00:50ilaw roon.
00:51Bumagsak ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan.
00:55Handa naman daw ang Baragay Council na magbigay ng tulong sa pagpapagamot sa elektrisyan.
01:01Sinusubukan pang makuhana ng pahayag ang biktima at kanyang mga kaanak.
Comments