00:00Kinawag ng grupong C-Lite na Foreign Influence Operation ang Jinan University
00:06kung saan nagsasana yung mga Chinese language teacher na nagtuturo sa Chinese-Filipino schools sa Pilipinas.
00:13Binuraw kasi ito kasama ang United Front Work Department na kilalang sangay ng Chinese Communist Party o CCP.
00:21May unang balita si JP Soriano.
00:27Kamakailan lang lumabas ang ulat ng Maritime Transparency Initiative Group na C-Lite
00:31ang pag-iit ng ilang Chinese scholar mula sa Jinan University sa China
00:35na bahagi raw ng China ang Batanes, ang pinakahilagang probinsya ng Pilipinas.
00:42Inalmahan ito ng Department of Foreign Affairs, Department of National Defense
00:46at ng National Historical Commission of the Philippines
00:49at sinabing wala itong basihan ngayon sa panibagong ula di C-Lite Director Ray Powell.
00:55Sinasabing ang Jinan University ang pinakamalaking training destination ng mga Chinese language teachers
01:01na nagtuturo sa Chinese-Filipino schools sa Pilipinas
01:04sa pamamagitan daw ng mga teacher training at exchange programs.
01:09Kung titignan daw ang about page ng Jinan University,
01:13nakasaad na binoo ito kasama ang United Front Work Department.
01:17Isa raw kilalang sangay ng Chinese Communist Party o CCP
01:21na umi-influence siya sa mga political environments upang pumabor sa interes ng CCP.
01:27Kaya ang Jinan University,
01:29tinawag niya ng foreign influence operation na nakabase na akademya.
01:34Ilang taon na raw itong kumikilos para sa isang influence campaign sa loob ng Pilipinas.
01:40Tinukoy din sa artikulo ang ilang eskwelahan sa Pilipinas
01:43na na-penetrate na umano ng United Front Work Department ng CCP.
01:48Wala pang tugon ang Chinese Embassy sa Pilipinas kaugnay sa mga bagong revelasyon ng C-Lite.
01:53Pero nagbabala si Defense Secretary Gibot Yudoro sa posibleng panganib ng cultural exchange programs
02:00na konektado sa nasabing universidad.
02:03Malaki ang panganib.
02:04Ang tungay na bakay nito ay talagang cultural exchange or what not.
02:10Pero itong pinakamalaking ebidensya na mga exchange na ito
02:14ay bunga din ng siyang institusyon naglalabas ng fake news.
02:20At ito ay state-owned and controlled academic institution, yung university na yan.
02:26Noong Marso, ibinunyag din ang C-Lite na ginagamit ng China
02:30ang ilang Chinese educational institutions at Chinese media dito sa Pilipinas
02:34para umano sa pagpapakala ng propaganda.
02:37Ito, malaking ebidensya na itong mga eskwalahan ay ginagamit sa mali.
02:44Hindi naman lahat, pero meron dyan mali.
02:47Kaya dapat maging masusi tayo, hindi lamang sa university.
02:52Kung hindi sa mga mababang paaralan kung saan may cultural and language and other exchanges ang China.
03:00Bagamat di sila tinukoy sa artikulo ng C-Lite,
03:03ang Philippine China Study Center sa Quezon City,
03:05kasama sa mga academic institutions sa Pilipinas na lumahok sa Educational Exchange Program ng China.
03:12Ayon sa direktor nito na si Prof. Romel Mannawi,
03:15bagamat hindi mali na iugnay ang ilang Chinese universities sa United Front Work Department ng China,
03:21hindi dapat agad ipagpalagay na may masamang layunin ang lahat ng academic partnerships.
03:27Mahalaga raw suriin ang bawat ugnayan batay sa ebidensya at tamang konteksto
03:32sa halip na magbigay ng pangkalahatang konklusyon.
03:36Dahil maaari umanong masira ang mga oportunidad para sa lehitimong academic exchanges
03:41at mas malalim na pag-unawa sa China.
03:44Nilinaw naman ni Teodoro na hindi lahat ng paaralan ay gumagawa ng mali,
03:49pero dapat aniang bantayang mabuti kung ginagamit ang ilang programa para sa maling layunin.
03:54Hindi ko sinasabing huwag tayong makitungo.
03:58Sinasabi ko lang pag nakitungo tayo, dapat alam natin na baka may masamang pakay.
04:03Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.
Comments