00:00Problema pa rin ang pagbaras sa mga daluyan ng tubig sa Malabon na nagiging dahilan ng pagbaha.
00:06Kaya bilang paghahanda sa bagyo, patuloy ang paglilinis sa mga creek ng tinatawag na Estero Rangers.
00:13Ngayon ang balita live si Gabriel Gonzalez. Gabriel, good morning!
00:21Maris, maaga pa lamang ay abala na ang mga tauhan ng Malabon City Environment and Natural Resources Office o Senro
00:28sa paglilinis ng mga creek sa lungsod. Ito'y para hindi mabilis na umapaw ang mga daluyan ng tubig sakaling
00:35manalasa ang bagyo.
00:39Araw-araw nililinis sa mga tinatawag na Estero Rangers ang Letre Creek sa Barangay Tonsuya sa lungsod ng Malabon.
00:48May haba itong nasa isang kilometro at isa sa mga pangunahing daluyan ng tubig na nagmumula sa matataas na lugar.
00:54Ayon sa Malabon-Senro, bagamat kumonti na raw ang mga basura sa mga creek sa lungsod,
01:00nananatiling problema ang pagbara ng mga ito sa mga daluyan na nagiging sanhi ng pagbaha.
01:05Madalas pa rin daw bumahan sa lungsod, pero hindi kagaya dati, mabilis na raw itong humuhupa dahil na rin sa
01:11mga water pump.
01:13Pinagtutulungan ng nasa 18 to 20 teams ang paglilinis sa mga creek sa lungsod.
01:18Pag-aanda ito sa mga paparating na bagyo gaya ng Bagyong Inday na nasa loob na ng Philippine Area of
01:24Responsibility at nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.
01:28Nakakahakot ang mga Estero Ranger ng nasa 50 hanggang 100 sako ng basura kada araw.
01:38Maris, bukod sa Letre Creek, nililinis na rin daw ng mga tauhan ng Senro ang Sukul Creek sa boundary ng
01:45Barangay Katmon at Tonsuya
01:47habang nakatakdang linisin din ang Dampalit at Lapu-Lapu Creek at iba pang mga Estero ngayong araw.
01:55Maaliwalas ang lagay ng panahon sa aking kinalalagyan.
01:58Ayon sa mga taga-senro ay umulan man o umaraw, tuloy pa rin ang kanilang paglilinis sa mga Estero.
02:04At yan ang unang balita mula rito sa lungsod ng Malabon.
02:08Gabriel Gonzalez, GMA News.