Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinalakay sa pagdinig ng House Committee on Transportation ng Kaligtasan ng mga Motorcycle Taxi Rider,
00:06kasunod ng mga insidente ng pang-hold up na nauwi sa pagpatay sa ilan sa kanila.
00:10Kamilang sa mga mungkahi, pagsuotin sila ng body camera habang buwibiyahe.
00:16Approved namang kaya yan sa mga Motorcycle Taxi Rider.
00:19May una balita live si Gabriel Gonzalez.
00:23Gabriel, anong sabi ng mga rider na nakausap mo?
00:26Ivan, pabor pero hindi rao dapat sila ang sumagot sa pambili ng mga body camera.
00:36Ayon yan sa ilang Motorcycle Taxi Rider, nating nakapanayam dito sa lungsod ng Kaloocan.
00:46Dalawa ang anak ng Motorcycle Taxi Rider na si Gerald Morada.
00:50Isang taon na siyang nagahanap buhay bilang Motorcycle Taxi Rider.
00:54Nang mabalitaan ang nangyari sa mga kapwa rider na pinatay ng kanilang mga pasahero,
00:59palagi daw siyang may halong kaba kapag namamasada.
01:02Kaya pabor siya sa mga plano para mas matiyak ang kanilang kaligtasan,
01:07gaya ng pagpapasuot sa kanila ng body camera.
01:09Okay po sa akin na magkaroon ng body camera for safety po namin,
01:14lalo po pag sa mga pasahero namin, lalo po magkaroon po ng insidente,
01:20may record po.
01:21Lalo po pagpanggapi po ako, mahirap na po magtiwala.
01:26Sa pagdinig ng House Transportation Committee kahapon,
01:29napag-usapan ng ilang hakbang para mas matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at riders,
01:33kabilang ang police visibility, pagsusuot ng body cameras, user verification at insurance.
01:40Binigyang diinang Highway Patrol Group o HPG ang kahalagahan ng intelligence operations at police visibility.
01:48Ayon kay One Rider Partless Representative Roj Gutierrez,
01:51may mga tukoy ng mga lugar na mapanganib, kaya dapat mas proaktib ang aksyon ng pamahalaan.
01:57Mungkahi ng HPG magsuot ng body camera ang mga rider at ang operator o ride hailing company ang mag-provide
02:04nito.
02:05Kung kaya pong iprovide ng kanilang operator na may body cam din,
02:12para malaking bagay po yun sir na deterrent sa ano na,
02:15alam natin na lahat ng riders meron siyang monitoring ng camera.
02:21Ayon naman sa LTFRP, binabalangkas na ngayon ng isang circular para sa know your customer verification
02:27para sa four-wheel at two-wheel vehicles,
02:30kung saan kailangan mag-rehistro ang pasahero gamit ang government ID
02:34at may real-time facial verification para makagawa ng account.
02:38Kung hindi verified ang nagbook,
02:40pwedeng kanselahin o hindi tanggapin ng rider ang pasahero.
02:44Favor naman ang iba pang rider sa mga panukala kasama na ang pagsusuot ng body camera,
02:48pero sana raw hindi sila ang sasagot sa gastos nito.
03:21Iba na nanawagan naman ang mga riders sa mga ride-hailing app o company
03:26na repasuhin ang kanilang polisiya na maaaring masuspend o ma-restrict ang kanilang mga account
03:31kung nagkakansila ng booking ito ay habang wala pang malinaw at maayos na guidelines
03:36para matiyak ang kaligtasan ng mga rider at ng mga pasahero.
03:40At yan ang unang balita mula rito sa Kaloocan, Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments

Recommended