00:03Sumuong sa makapal na usok ang mga taong nasa mall na ito sa Kumamoto, Japan.
00:08Napinsala ito ng 7.1 magnitude na lindol kahapon at napuruhan ng pagsabog makalipas ang isang oras.
00:15Sa pagpasok ng quill siya, tumambad ang kabikabilang pinsala sa mall.
00:19Ayon sa public broadcaster na NHK, nasa 20-30 mall worker ang nawawala.
00:258 ang nakuha mula sa guho. Sabi ng pamunuan ng mall, 3 empelyado nila ang nasawi at 3 ang nawawala.
00:33Iniimbestigahan kung dahil sa sumingaw na gas ang pagsabog, lalot may naamoy na gas ang ilang rescuer.
00:39Guit naman ng pamunuan ng mall, nagsagawa sila ng safety check noong nakaraang buwan kung kailan ni-reopen ang mall
00:45sabay sa paggunita sa pagbangon ng Kumamoto mula sa 7.3 magnitude na lindol noong April 2016.
00:52Ipinagmalaki pa ng pamunuan ng mall na pinatibay kontra lindol ang gusali.
00:56Bukod sa mall, inaalam din ang lawak ng pinsala sa pabrika ng papel kung saan may bumagsak na chimney.
01:02Apat ang sugatan at pito ang nawawala.
01:05Gumuho rin ang main worship hall ng Yatsushiro Shrine na 1883 pa itinayo.
01:11Ilan pang templo sa Kumamoto ang gumuho.
01:13Sa huling tala, labing tatlo ang kinitil ng lindol.
01:16Hindi bababa sa walo ang nasaktan.
01:18Wala pang kuryente sa mahigit 36,000 bahay.
01:22Tag-init pa man din doon kaya pinag-iingat ang mga residente sa heat stroke.
01:26Ayon sa ating konsulado sa Osaka, wala pang Pilipinong na iulat na nasaktan sa lindol.
01:32Pinag-iingat sa aftershocks ang mahigit 4,000 Pinoy na nakatira sa Kumamoto Prefecture.
01:37Darlene Kai, GMA News.
01:54Darlene Kai, GMA News.
01:56Darlene Kai, GMA News.
02:02Darlene Kai, GMA News.
02:02Darlene Kai, GMA News.