00:00Mga kapuso, nasunugan ang halos 30 pamilya sa residential area sa Pandacan, Maynila.
00:05Ang pagresponde, ginamitan pa ng thermal drone.
00:09Nakatutok si Bam Alegre.
00:14Sa cellphone video na ito ni Franz Joseph,
00:17malapitan ang tanaw habang nasusunog ang isang residential unit
00:20sa barangay 830 Pandacan, Maynila, pasado alas 3 ng madaling araw kanina.
00:26Umabot hanggang ikatlong alarma ang sunog na ito.
00:28Ang pagresponde sa sunog ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department,
00:33ginamitan ng makabagong teknolohiya.
00:36Thermal drone upang matuntun na mga bumbero ang mga lugar sa residential building na pinagmumula ng apoy.
00:43Sa video naman na ito, mula sa mga rescuer ng lungsod ng Maynila,
00:47ipinakita ang pagsagip sa isang person with disability sa nasusunog na gusali.
00:51Nang magliwana, ganito yung lawak ng pinsala.
00:54Yung mga units sa mga matataas na palapag ang napuruhan.
00:57Hanggang ngayon, problema pa rin ang supply ng tubig.
01:00Pahirapan ng pag-apula sa apoy sa magdamag.
01:03Nakikiusap na ang mga bumbero sa mga residente para magsagawa ng bucket relay
01:07para magkaroon ng supply ang mga firetruck.
01:10Sa kasagsagan ng pag-apula sa apoy, isang bumbero pa ang nasugatan
01:14at kailangan bigyan ng pangunang lunas.
01:16Sumatotal, ayon sa Bureau of Fire Protection,
01:18dalawampuntwalong pamilya ang naapektuhan ng sunog
01:21o humingit kumulang 150 na individual.
01:24Walang ulat na may nasawi o nasugatan sa mga residente.
01:27Kami o yung bahay ko, nasusunog na.
01:32Dati doon lang yung isa-isa eh, kumalat na.
01:37Wala kami nadalao sa sarili lang namin.
01:40Bilis kuya, parang segundo lang.
01:42Wala kang mag-ano na eh.
01:44Nagising na lang kami eh.
01:45May apoy na doon mismo sa pinakapintuan ng bahay na nasusunog.
01:49Mostly, yung fourth floor ang totally na damaged.
01:56Then, nag-start yung apoy sa room 423.
02:01Nagkataon yung room 423 ay wala yung may-ari, walang naninirahan.
02:07Nagpapatuloy ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection
02:09sa pinagmula ng apoy, pati ang halagan ng pinsala
02:12kaya hindi pa nagpaunlak ng panayam.
02:14Fire under control ang sunog ng alas 8 na umaga
02:17at tuluyang naapula, pasado alas 9 ng umaga.
02:20Bam Alegre, nakatutok, 24 oras.