• 5 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 3, 2026


- Francisco P. Felix Memorial National High School, sinuyod ng pulisya; walang nakitang bomba o anumang panganib | Cainta Police: Nagpakalat ng pekeng banta sa Francisco P. Felix Memorial National High School, inaalam na; hinihinalang estudyante rin ng paaralan | Pamunuan ng Francisco P. Felix Memorial National High School, magpapatupad ng dagdag na security measures

- Kasong graft vs. Zaldy Co, ni-archive ng Sandiganbayan dahil hindi pa rin siya natutunton

- Testimonya ng 8 sa 18 nagpakilalang dating tauhan ni Zaldy Co, planong gamitin ng Ombudsman sa kaso vs. Co at Rep. Martin Romualdez | Ombudsman: Naaantala ang pagbuo ng kaso vs. Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez dahil hindi pa mapirmahan ang affidavits ng mga testigo | Dating DPWH Sec. Bonoan, planong gawing state witness ng Ombudsman kaugnay sa flood control scandal

- UB Explainer: Schedule ng impeachment trial ni VP Sara Duterte

- Iba't ibang kasunduan kaugnay sa defense security, enerhiya, at iba pa, nilagdaan ng Pilipinas at Canada | Canadian PM Mark Carney, kinilala ang ambag ng mga Pilipino sa paglago ng kanilang bansa

- Presyo ng ilang gulay sa Trabajo Market, tumaas dahil sa kakulangan sa supply | Presyo ng ampalaya, bell pepper, sayote, at repolyo sa Trabajo Market, bumaba; iba pang gulay, walang paggalaw sa presyo

- Pinay tennis star Alex Eala, panalo laban kay Maya Joint sa 2nd round ng 2026 Wimbledon



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:11Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:02Magandang umaga, Igan, inireport sa otoridad ng Francisco P. Felix Memorial National High School
01:09ang natanggap nilang banta sa social media patungkol sa planong pagpapasabog at pamamaril-umano sa kanilang paaralan.
01:22Pasado alas 12 ng tanghali kahapon nang may mag-message sa account ng Francisco P. Felix Memorial National High School
01:30sa Facebook.
01:31Laman ang kanyang mensahe ang pagbabanta ng pagpapasabog at pamamaril sa grade 8 at grade 10 teachers ng paaralan na
01:39umano'y namamahiya sa klase.
01:41Nagpost din sa Facebook ang nasabing account ng parehong pagbabanta sa nasabing paaralan pero agad rin itong dineactivate.
01:49Lumutang naman ang dalawa pang account na nag-post at nag-comment din ng pagbabanta sa nasabing paaralan.
01:56Dahil dito, agad dumulog sa pulisya ang pamunuan ng Francisco P. Felix Memorial National High School.
02:04Sinuyod ng mga tauhan ng kainta polis at Rizal Provincial Explosives and K-9 Unit ang loob at labas ng
02:11paaralan.
02:11Wala silang nakitang bomba o anumang panganib.
02:15Ayon sa pulisya, inaalam na nila kung sino ang nasa likod ng accounts.
02:19Ito pong certain account na amin pong nabangkit na shiphead, bahala, hindi ako yun, haha, at saka po yung Sasha
02:29Byrne, ay binabacktrack na po at tinitrace na po ng anti-cybercrime.
02:35Maari po ito yung isang tao lang na gumagawa ng bogus account.
02:40Particular na iniiba-iba nyo yung pangalan pero isa pa rin ang pinatutungkulan yung pananakot.
02:45Hinala ng pulisya, estudyante rin ang nasabing paaralan ang nasa likod ng pagbabanta.
02:52Ang pamunuan ng Francisco P. Felix Memorial National High School, iimbestigahan na rin daw ang insidente, kapilang ang sinabi sa
03:00post na umano'y pamamahiya.
03:02Pati po ang pamunuan po ng F. Felix Memorial National High School ay magkakondukti po ng sariling investigasyon patungkol sa
03:11pinatatamaan nitong di umano'ng estudyante kung sino ma yung teacher na sinasabi nyo po doon sa post niya.
03:18Ayon sa paaralan, magpapatupad sila ng karampatang security measures para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, staff at
03:27mga bisita.
03:27Hiniling din nila na maging kalmado ang lahat at iwas ang magpakalat ng hindi-berifikadong impormasyon.
03:34Igan dahil peke ang nasabing banta, nagpasya ang paaralan na ituloy ang klase ngayong araw.
03:41Pero mas mahigpit na seguridad ang sumalubong sa mga estudyante.
03:45Kanina, tigdalawang polis kagaya ng nasa aking likuran ang nakaposte sa pasukan at labasan ng eskwelahan.
03:53Tutulong sila sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan sa lugar.
03:58Pero mga guro at guards pa rin ang paaralan ang mag-iinspeksyon sa mga bag ng mga estudyante.
04:05Kukumpiskahin na rin daw ang mga matutulis na bagay gaya ng gunting at cutter na maaaring ipanakit sa kapwa.
04:12May nakaantabi na rin na iba pang mga polis dito malapit sa paaralan.
04:17At yan ang unang balita mula rito sa Caimta Rizal.
04:20Gabriel Gonzalez, GMA News.
04:24In-archive na sa Glyon Bayan 7th Division ang kasong graft laban kay dating Congressman Zaldico.
04:30Ayon sa korte, anim na buwan na kasi, nakalipas mula nang ilabas ang arrest warrant pero hindi pa rin nahuhuli
04:36si Co.
04:37Sabi rin daw ng prosekusyon, wala na itong maibibigay na ibang address ni Co maliban sa kung ano ang nasa
04:43record.
04:44Naharang si Co sa Czech Republic nitong Abril dahil sa isang immigration violation pero wala na sa kustudiya ng Czech
04:51authorities.
04:52Ang kaso laban kay Co ay kaugnay sa substandard umanong flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
04:58Dati na iginiit ni Co na wala raw perang napunta sa kanya mula sa flood control projects.
05:03Ayon sa anti-graft court, itutuloy ang kaso laban kay Co kapag nasa kustudiya na nila ang dating kongresista.
05:13Gagamitin ang Office of the Ombudsman ang testimonya ng 8 sa 18 nagpakilalang dating tauhan
05:18laban sa dati umanon nilang boss na si Zaldico at kay dating House Speaker Martin Romualdez.
05:24Pero naantala raw ang pagbuo ng kaso.
05:26Kung bakit alamin sa unang balita ni Joseph Moro.
05:33Bilang bahagi ng investigasyon, kinadating House Speaker Martin Romualdez at dating Congressman Zaldico
05:39ipinatawag ng Ombudsman ang 8 sa 18 dating bodyguard umanon ni Co nitong Hunyo.
05:45Ang plano ngayon ng Ombudsman gagamitin ang testimonya ng 8 laban kina Romualdez at Co.
05:51Ayon sa kanila mga investigador, consistent o hindi nagbabago at kategorikal o sigurado
05:56ang mga testimonya ng 8 sa kung anong alam nila sa bigaya ng kickback sa mga flood control project.
06:03Ang 8 lamang umano ang may personal na alam kaugnay sa pagdedeliver ng pera.
06:07The others don't have a first-hand account of the actual delivery.
06:12Pinasplit namin yung joint affidavit to individual affidavits
06:16so we can really assess per person kung ano talaga nakita nila.
06:20And actually that makes the statements more credible if I may.
06:25Kailangan na lamang pumirman ng 8 sa tigitigisan nilang affidavit
06:29pero hindi pa ito nang niyayari
06:30dahil kailangan pa umanong reviewin ang kanilang abogadong si Atty. Levy Baligod.
06:35He seems to be delaying the signatures of the 18 Marines
06:41and that's one of the things that is delaying the case also as against former Speaker.
06:49Naantala raw ang pagbubuo nila ng kaso dahil dito.
06:52Sa amin lang, sana mapirmahan na, sana magamit na namin para sa kaso,
06:58para sumulong or isulong na namin yung kaso.
07:01Hinihingan pa namin ang pahayag si Atty. Baligod.
07:04Hindi naman nagbigay ng pahayagang abogado ni Ko na si Atty. Ruy Rondain.
07:08Kung mapipirmahan na ng 8 mga dating bodyguard ang kanilang mga individual na mga sinumpaang salaysay,
07:14ebidensya ang mga ito laban kay dating House Speaker Martin Ramualdez at dating Congressman Sal Dico
07:20na isasama sa magiging mga testimonya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
07:26Si Bonoan ay i-re-rekomenda ng Ombudsman sa Sandigan Bayan na maging state witness
07:31sa mga kaso ng flood control projects.
07:33That's still not the whole. Meron pa, meron pa.
07:36But I cannot divulge everything to the public right now kasi we're up against the biggest lawyers.
07:43Ang kampo naman ni Ramualdez, iginiit na ginagawang political scapegoat ang kongresista
07:48kahit walang ebidensya na guugnay sa kanya sa anomalya.
07:51Hindi raw kayang utusan ni Ramualdez ang kalihim ng DPWH, diktahan ng DBM o ang Senado.
07:57Dagdag ng tagapagsalita ni Ramualdez ni hindi siya nabanggit ni Bonoan sa kanyang statement
08:02sa Independent Commission Infrastructure o ICI.
08:05Pero ngayon ay bigla na lamang daw siyang nabanggit.
08:08Ito ang unang balita, Joseph Morong, GMA News.
08:20Tatlong tulog na lang po magsisimula na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
08:26Sa lunes po yan, July 6.
08:28Batay sa inilabas na pre-trial order na impeachment court,
08:31lunes, martes at miyerkoles ang paglilitis tuwing alas 2 ng hapon.
08:37Mag-iiba naman po ang schedule nito sa huling linggo ng Hulyo.
08:41July 27, wala pong impeachment trial dahil sa State of the Nation address ni Pangulong Bombong Marcos.
08:48Simula July 28, tuwing martes, miyerkoles at Huwebes na po ang paglilitis.
08:54Alas 3 na po ng hapon nito sisimulan.
08:56Hindi pa tukoy kung hanggang kailan magtatagal ang impeachment trial.
09:00Pero may nakalaang 62 araw para sa House Prosecution Panel para sa presentasyon nila ng Articles of Impeachment.
09:07Labing isang araw naman po ang inilaan para sa Article 4 na tungkol sa pagbabanta o mano ng BICE
09:13na ipapapatay si na Pangulong Bombong Marcos, Liza Araneta Marcos at Nooy House Speaker kung ipapatay raw siya.
09:20Ito po ang unang tatalakayin ng prosekusyon.
09:23Sunod naman ang may kinalaman sa maliumanong paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of
09:31Education nung siya pa ang kalihim nito.
09:3331 trial date ang inilaan para dito.
09:37Walong araw naman para sa article ukol sa panunuhol umano ng BICE sa ilang deped officials para udyukan silang lumabag
09:46sa procurement laws.
09:47Habang labing dalawang araw para sa hindi umano maipaliwanag na yama ng BICE.
09:52Hindi niya pagdideklara umano nito sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth at hindi niya pagdivest ng interest
09:59sa kanyang mga negosyo ng maupo siyang opisyal.
10:0230 trial date naman ang inilaan para sa defense team ng BICE.
10:09Nagpakita na suporta ang Canada sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
10:13Sinabi yan ni Canadian Prime Minister Mark Carney sa kanilang joint press conference ni Pangulong Bombong Marcos.
10:18Matapos ang paglagda sa iba't ibang kasunduan ng dalawang bansa.
10:22At live mula sa Vancouver, Canada, may unang balita ang kasama natin si Ivan Mayrina.
10:27Ivan?
10:28Yes, isang maulang hapon maris mula dito sa Vancouver, Canada.
10:32Oras natin ngayon, 4.23 in the afternoon of Thursday, July 2.
10:37Ang isa sa mga pinakamalaking update natin na mula dito sa ongoing official visit ni Pangulong Bombong Marcos dito sa
10:44Canada
10:44ay ang pag-angat o pag-elevate ng Philippine-Canada relations mula sa diplomatic relations patungo sa strategic partnership.
10:53Ano bang ibig sabihin yan?
10:55Ang ibig sabihin yan, Maris, mula sa karaniwang goodwill lang na ugnayan,
11:00ngayon mas konkreto at mas focused at mas long term ang magiging kooperasyon ng dalawang bansa.
11:06Halimbawa sa siguridad, tulad na nabanggit mo, nireaffirm o pinagtibay ng Canada
11:11ang suporta sa posisyon ng Pilipinas sa isyo ng West Philippine Sea sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 Arbitral
11:18Award.
11:19Ang Canada, ayon kay PM Carney, ay isang signatory sa UNCLOS at patuloy itong pinaninindigan.
11:26May mga defense agreements na rin sa pagitan ng Canada at Pilipinas mula noong 2024 at 2025
11:31at kabila nga dyan yung State of the Visiting Forces Agreement at ang aktwal na partisipasyon
11:36for the first time ng Canadian Armed Forces sa balikatan simula ngayong taong 2026.
11:42May binanggit din ang Pangulo na posibleng pagpapatuloy ng dark vessel detection system mula sa Canada
11:47na isang paraan para ma-detect ang mga illegal vessels o illegal activity sa mga katubigang sakop ng Pilipinas
11:54o teritoryo ng Pilipinas para mas ma-monitor ang mga nangyayari sa ating mga katubigan.
12:00Samantala, sa kalakala naman, target may isa pinal bago matapos ang taon
12:04ang free trade agreement sa pagitan ng Canada at Pilipinas
12:08at gayon din sa pagitan ng Canada at ng ASEAN bilang isang regional economic block.
12:14Ilan pa, Marie, sa mga napagkasunduan?
12:16Ang Joint Declaration of Intent on Energy and Natural Resources
12:21Ang Memorandum of Agreement on Cultural Cooperation
12:24Ang Memorandum of Understanding on Tourism Cooperation
12:28At ang Joint Declaration of Intent on Labor and Migration Cooperation
12:33Pareho din ang direksyon ng Pilipinas at Canada pagdating sa pagbuo ng mga alyansa sa iba't ibang mga bansa
12:38lalo na sa kasalukuyang sitwasyon na ang mga dati at tradisyonal na alyansa ay nasusubok
12:43tulad halimbawa ng alyansa ng Amerika at Canada
12:46na sa ilalim ng Administrasyong Trump ay pinatawan ng napakataas na taripa ang Canada
12:53Ang Pilipinas naman patuloy na nasusubok sa patuloy na agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea
13:00Sa kita naman ng lahat ng iyan, kinilala ng Canadian Prime Minister at kayo din ng Pangulo
13:04na ang pundasyon at tulay na ugnayan ng dalawang bansa
13:07ay ang isang milyong Pilipinong naging malaki ang ambag sa paglago ng Canada
13:12Narito ang magkasunod na pahayag ni Pangulong Bombong Marcos at ni Canadian Prime Minister Mark Carney
13:19Let me underscore something the President said a moment ago
13:23referencing the importance of the United Nations Convention on the Law of the Sea
13:27something to which we are a signatory and we absolutely uphold
13:31and we uphold the decisions and squarely back the decisions of 2016
13:37that are directly relevant to the territorial waters and activities of the Philippines
13:42I am glad to see and hear from our Canadian friends
13:45that the one million strong Filipinos in Canada
13:49are valued and respected for their contributions to the Canadian society
13:53the economy and government
13:55They serve as a heart and soul of the strategic partnership between the Philippines
14:01and of Canada
14:02At yan Maris ang latest mula dito sa Vancouver, Canada
14:08Balik sa iyo
14:08Yes, Ivan, kanina binanggit na nagpakita nga ng suporta ang Canada
14:12sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea
14:15May bago bang pangako o kumbaga konkretong suporta
14:19ang Canada sa Pilipinas para sa pagpapatupad ng rules-based order
14:22sa West Philippine Sea
14:24para masabing talagang suportado nila ito
14:28at para maiwasan na rin yung mga tensyon sa West Philippine Sea
14:36Yes Maris, ang pinakakokreto siguro ang pagpapakita ng suporta ng Canada sa Pilipinas
14:41pagdating sa issue yan
14:42ay ang capability enhancement, ika nga
14:47o yung pagbibigay ng mga kagamitan, equipment, teknolohiya sa Pilipinas
14:51para mas mabantayan ang teritoryo nito
14:54dahil ang bottom line
14:55ay nasa interest din ng Canada na manatili ang freedom of navigation sa South China Sea
15:02bilang isang mahalagang ruta ng kalakalan na makakaapekto din siyempre sa Canada
15:08Alright, Ivan, ang tanong din ng ordinaryong mga mamamayan
15:12ano ba ang mapapala ng mga Pilipinos sa mga kasunduang yan ng Canada at Pilipinas
15:16especially pagdating sa magkakaroon ba ng posibleng trabaho for Filipinos
15:21dyan sa Canada?
15:22Magandang tanong Maris, ang tanong nga ng karamihan sa mga kababayan natin
15:25nakakain ba yan?
15:27yung mga kasunduan na yan
15:28yung mga bilateral meetings kasi, mga agreements Maris
15:32karaniwan nagsisimula yan sa at the highest level
15:36between heads of state, magkakasundo
15:39pero siyempre yung fine print, ika nga o yung detalya niyan
15:42paplansyahin ng mga kanilang mga cabinet secretaries
15:46yung mga people under them
15:47syempre halimbawa sa free trade agreement
15:50meron dyang mga gainers and losers
15:54halimbawa for certain products
15:56pag nagkaroon ng reduction
15:57or talagang total elimination of tariffs
16:00e mas magiging pabor para sa mga nage-export
16:04dahil mas tatas ang demand para sa kanilang mga produkto
16:06pero baka naman magkaroon ng masamang epekto sa mga local farmers
16:10dahil mas magiging madali ang pagpasok ng mga inaangkat na produkto
16:14na maaaring mas mura
16:16so yan ang pinaplansyah ngayon
16:18sa nagkakaroon ng mga negotiation
16:20pagdating sa free trade agreement
16:22para maging beneficial to both parties
16:25ang nilulutong free trade agreement na yan
16:27pero ultimately, ang magiging impact niyan
16:30ang desired impact syempre
16:31ay maging mas mura at mas accessible
16:33ang samot sa aring produkto
16:35sa magkabilang panik
16:37Isa nga sa mga nabanggit ni Prime Minister Carney
16:40at ni Pangulong Marcos
16:41ay ang kahalagahan ng ambag
16:44ng isang milyong Pilipino dito sa Canada
16:46at para pag-usapan natin
16:48ang ano nga ba ang profile ng mga Pilipino rito
16:51ano ang kanilang contribution sa Canadian society
16:54at ano nga ba ang experience
16:56ng isang Filipino migrant here in Canada
16:59e sino pa bang lalapitan natin
17:01kung hindi ang kasama natin
17:03si Rea Santos
17:05Hello po mga kapuso
17:08ang aking unang Hirit family
17:10Rea
17:11Hello
17:11Please tell
17:15sorry walang override si Rea
17:16pero I will relay your questions
17:18Balikan lang natin yung
17:20seryoso muna tayo
17:22Okay, sige-sige
17:23Kaya sinabi ng dalawang leaders
17:24na nag-usap kanina
17:25ang napakahalaga ng ambag
17:27ng isang milyong Pilipino
17:28Prime Minister Carney
17:29really emphasized
17:32the importance of the Filipino community
17:35sa Canada
17:35Ano sa tingin mo
17:36from your point of view
17:37ano nga ba ang ambag ng Pilipino
17:38sa Canada?
17:39Nako, kilalang kilala tayo dito
17:41sa napakaraming sektor
17:42unang-una na dyan
17:43healthcare
17:45caregiving
17:45alam mo naman kung gano
17:47kaalaga ang mga Pinoy
17:49our work ethic is world class
17:51ikaw nga
17:52something that we should be proud of
17:54we're taking space
17:56and of course
17:56the service industry
17:57hospitality industry
17:59arts
17:59and eventually
18:00alam mo
18:01meron na rin tayong mga
18:02kababayan dito
18:03or mga Canadian born
18:05but with
18:06Filipino heritage
18:07na nasa politika
18:09so
18:10unti-unti
18:11Kanina I think
18:12nandun yung first
18:13Filipino
18:14member of parliament
18:15Pinay
18:16Yes
18:17Oo, first
18:18Filipina
18:18nagkaroon na tayo
18:19before ng
18:20isang
18:21yung lalaki
18:22na member of parliament
18:22so siya si
18:23Minister Reggie Valdez
18:24ang Minister for
18:26Women and Gender Equality
18:27siya ang
18:27unang Pilipina
18:29na miyembro
18:30ng
18:30parliament
18:31so yun
18:31we're taking up space
18:32in politics
18:33in media
18:34paunti-unti
18:38paunti-unti po
18:39ay napapasok na po natin
18:41yung iba't-ibang espasyo
18:42dito sa Canada
18:43and well loved talaga
18:44mga Pinoy dito sa Canada
18:45Well loved ka mo
18:46ikaw
18:47how was your experience
18:48as a Filipino
18:49migrant
18:50in Canada?
18:52Kailan taon ko na rin?
18:53Magpipitong taon na
18:542019
18:55nang umalis
18:562019
18:57nang umalis ako
18:58sa unang hirit
18:59hindi ko naman sasabihin
19:01na napakadali
19:01ang pagiging
19:03migrant
19:04at pagiging
19:04immigrant
19:05laging
19:05mahirap yan
19:07may lungkot
19:08may iyak
19:09may luha
19:11pero may saya din
19:12I think once na
19:13if you find your place
19:15here in Canada
19:15at makuha mo
19:16yung mga oportunidad
19:17na talagang
19:18gusto mo
19:19it's all worth it
19:27Dahil sa kakulangan
19:28sa supply
19:29tumaas ang presyo
19:30ng ilang klase
19:30ng gulay
19:31sa trabaho market
19:32sa Maynila
19:32kung tight
19:34ang budget
19:34may opsyon naman
19:35na mas murang
19:37gulay
19:37Kung ano-ano yan
19:39alamin sa unang balita
19:40live ni
19:40Jomer Apuesto
19:43Igan good morning
19:44abot sa hanggang
19:4440 pesos
19:45ang itinaas
19:46ng ilang gulay
19:46gaya ng bagyo beans
19:47dito sa trabaho market
19:48sa Sampalok, Maynila
19:49Madilim pa lang
19:51nagsasalansanan
19:52ng kanya mga panindang gulay
19:53si Aling Florentina
19:54sa trabaho market
19:55sa Sampalok, Maynila
19:56Hinanguraw nila yan
19:57sa divisorya kanina
19:59Mula noong nakaraang biyernes
20:00kapansing-pansinan niya
20:02ang pagtas ng presyo
20:02ng ilang gulay
20:03tulad ng sitaw
20:04na dumobli raw
20:05ang presyo
20:06ng kada bundle
20:07nasa 200 pesos
20:08kasi ito ngayon
20:09mula sa 100 pesos
20:10per bundle lang
20:11noong nakaraang linggo
20:1240 pesos naman
20:13ang itinaas
20:14ng bagyo beans
20:14mula sa dating
20:15100 pesos ang kilo
20:16ang kamatis
20:18mabibili ngayon
20:18ng 80 pesos ang kilo
20:20mula sa dating
20:2050 pesos
20:2120 pesos
20:22ang itinaas
20:23ng patatas
20:23na nasa 100 pesos
20:24ngayon ang kilo
20:25maging ang kalabasa
20:26tumaas din
20:27ng 10 pesos
20:28at mabibili ngayon
20:29ng 60 pesos
20:30ang kada kilo
20:30ang kialing Florentina
20:32hindi kasi ganun
20:33karami ang supply
20:34ng mga nabanggit na gulay
20:35kaya malaki ang
20:36itinaas ng presyo
20:37ng mga ito
20:37kaya ang karamihan
20:38sa mga mamimili
20:39tingin na lang daw
20:40kung bumili sa kanya
20:41talagang nagtitipid na rin
20:43yung mga tao
20:44noon ma
20:45talagang as in
20:46kuha lang nang kuha
20:48pero ngayon talagang
20:49binabudget
20:50nagbabudget na talaga sila
20:51okay lang
20:52nakakaraos
20:53ang mamimiling si Emily
20:54basta na lang daw
20:55kumukuha ng kailangan
20:57niyang gulay
20:57hindi ko na inaintindi
20:58kuha na lang ako
20:59ng kuha
21:00hindi ko naman
21:01hindi naman bumababa
21:02kala mo lang bumababa
21:04mataas pa rin
21:05kung may mga tumaas
21:07may mga gulay din
21:08na bumaba ang presyo
21:09tulad ng Ampalaya
21:10na 50 pesos
21:11ang ibinaban ng presyo
21:12at mabibili lang ngayon
21:13ng 70 pesos ang kilo
21:1440 pesos naman
21:15ang ibinaban ng Bell Pepper
21:16na nasa 160 pesos
21:18ang kilo
21:18bumaba ng 30 pesos
21:20ang Sayote
21:20na nasa 50 pesos
21:22ngayon ang kilo
21:22habang ang Repolyo
21:24nasa 100 pesos ang kilo
21:25mula sa dating 120 pesos
21:27wala namang pagalaw
21:28sa kada kilo
21:29ng iba pang gulay
21:30tulad ng carrots
21:31na nasa 80 pesos
21:32at talong
21:33na nasa 60 pesos ang kilo
21:34hindi naman
21:35nakakalayo ang presyo
21:36ng mga gulay
21:36sa trabaho market
21:37kung ikukumpara
21:39sa price monitoring
21:39ng Department of Agriculture
21:41maliban na lang
21:42sa presyo
21:42ng Bagu Beans
21:43at Sitaw
21:47Igan sabi ng mga tendera
21:49hindi patiyak sa ngayon
21:50kung kailan bababa
21:51ang presyo
21:51ng mga gulay
21:52na tumaas ngayong linggo
21:53pero maging sila raw
21:54ay umaasan na agad
21:55itong bababa
21:56upang mas marami
21:57makabili
21:58at hindi ito
21:59masayang o masira
22:00Yan ang unang balita
22:01mula rin sa Maynila
22:02ako po si Jomer Apresto
22:03para sa GMA News
22:13Muli mag-advance
22:14si Pinay tennis star
22:15Alex Ayala
22:16sa 2026 Wimbledon
22:17Sa round 2
22:18nagtapat sila
22:19ni Maya Joint
22:20ng Australia
22:21nakuha ni Joint
22:22ang first set
22:23sa score na 6-3
22:25hanggang makabawi
22:26si Ayala
22:27sa second set
22:28sa score na 6-2
22:29Sa huling set
22:30hindi na nakapunto
22:31si Joint
22:31at nagwagi
22:33sa Ayala
22:33Full support naman
22:35ang mga Pinoy
22:36na nanood doon
22:37Sunod na mga kalaban
22:38ni Ayala
22:39ang number 3 seed
22:40at 6-time Grand Slam
22:41champion
22:42na si Iga Sviatek
22:44ng Poland
22:45sa round of 32

Recommended