00:00Nasa 50 billion piso ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno kapag itinaas ang income tax exemption na itinanawagan ni
00:08Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang sona kahapon.
00:11Pero ang ilang grupo nakukulangan at gustong itaas ang tax exemption sa 500,000 hanggang 600,000 pesos.
00:19Saksi si Jonathan Landal.
00:24Sa ikalimang State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon,
00:29isa sa mga hiniling niya sa Kongreso ang pagpasa ng batas na magpapalawak sa exemption sa income tax.
00:35Isasama na natin ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa 350,000 pesos kada taon.
00:42Mula yan sa kasalukuyang 250,000 pesos.
00:46Pero nakukulangan dito ang makabayan block.
00:48Sana raw ay tinaas na lang ito sa 500,000 pesos o yung mga nasa mahigit 41,000 pesos ang
00:54buwan ng sweldo.
00:55Kailangan-kailangan ito dahil nga itong hinain ng lower and middle income earners na kapag krisis may ayuda para sa
01:05mga mahirap.
01:07Pero yung mga mababa ang kita, lalong bumababa because of inflation pero wala namang relief na nakukuha mula sa gobyerno.
01:17Para naman kikabataan ang Portuguese representative Rene Coe, dapat ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon ang taasan ng buwis.
01:24Dapat din daw tanggalin ang excise tax at VAT sa mga pangunahing bilihin.
01:28Kasama dyan yung fuel, yung pagkain, yung ibang-ibang bahagi nito, etc.
01:32Iyon po ang nagpapahirap sa mga may Pilipino.
01:34Para naman sa Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, dapat exempted na sa tax sa mga kumikita ng
01:40hindi higit sa 50,000 piso kada buwan o 600,000 piso kada taon.
01:46Ibasura na rin ang 12% VAT sa kuryente at magpatapad ng 200 peso daily minimum wage increase.
01:53Pero ang pagbabawas ng buwis, may kakibat na nababawas sa revenue o kita ng gobyerno na ginagamit sa iba't ibang
02:01proyekto.
02:01Saan kukunin ang gobyerno? Ang pantapat. Merong income loss ka doon. Revenue loss.
02:10Pero saan mo kukunin? Mangungutang na naman ba tayo? Ang laki na ng utang natin.
02:15Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Miro Kimbo,
02:18nasa 50 bilyong piso ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno kapag itinaas ang tax exemption.
02:25Base yan sa taya ng Finance Department.
02:27Para mapunan yan, ipinapanukalang itaas ang buwis sa vape at sweetened beverages.
02:32Ang recovery natin dito ay manggagaling sa health measures actually.
02:36Ang una ay pagdating sa vape. It is currently at 6 pesos per ml na isa sa pinakamababa sa buong
02:43mundo.
02:44Plano rin magpataw ng buwis sa heated tobacco.
02:46Pati raw ang ilang single-use plastics, papatawa na rin ng buwis.
02:50Meron din tayo ang plastics. Ito ang isa sa mga pangunahing cost ng baha.
02:55Itong mga sachets, lahat. Dati ang panukala ay ang mga sandubag lamang na nasa palengke ang ating bubuwisan.
03:03Pero nakita po natin na hindi lang ito ang nagiging cost ng baha.
03:08Kailangan po din po natin ito mapatawan ng karampatang buwis.
03:13Target ng House Committee on Ways and Means na sa Agosto, maipasa na sa Kamara ang mga reforma sa buwis.
03:19Bukod sa 350,000 personal income tax exemption, kabilang din sa reforma ang pagtataas ng 13-month pay tax exemption.
03:27Mula sa 90,000 pesos ngayon, plano na rin itong gawing 120,000 pesos.
03:33Kung total bonuses, wala po kayong mapayaran buwis dyan.
03:37So kung ano man pong sobra dyan, ina-add together yan at inahanap po nasa ang bracket kayo.
03:42If all of that, hindi pa rin kayo lalagpas ng 350, you are going to be tax exempt entirely.
03:50Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.