00:00Kaugnay sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na amyandahan ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA para matanggalan niya
00:06ang system loss charges,
00:08makakaparem natin si Energy Regulatory Commission Chairperson Atty. Francis Attonino Juan.
00:13Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:16Magandang umaga, Rafi, at sa lahat ng mga nakikinig.
00:19Ano pong posisyon ng ERC sa panawagan ng Pangulo sa kanyang zona na alisin na yung system loss charges?
00:26Bukas ang komisyon at sumusuporta ito dito, ang kakailangan nila nga lang ay yung pag-amienda ng EPIRA,
00:33specifically yung Section 43F, dahil dito nakabata yung umiiral nating regulasyon patungkol sa pangungulekta ng system loss charges.
00:44Very briefly po, pakipaliwanag nga po, ano ba itong system loss charges at bakit ito sinisingil sa mga consumer?
00:50Sa kasalukuyan kasi, ito ay inaalaw ng batas.
00:55Ito ay gastusin doon sa kuryenting isinusupply sa atin.
00:59Halimbawa na lang, sa isang kaban ng palay,
01:04kung ikaw ay magsusupply ng isang kaban ng pakalay ng 50 kilos,
01:09at ito ay nabili mo ng sa halagang 50 kada isang kilo,
01:14ito ay 2,500.
01:16Pero kung itong palay na ito ay natuyo at ang naibenta mo lamang ay 40 kilos na lang,
01:23syempre kung ibebenta mo pa rin ito ng 50, sa halagang 50 kada kilo,
01:28bawas na ang iyong mare-recover.
01:30So kakailanganin talaga na may karagdagan,
01:33i-go-gross up mo siya,
01:34at nang sa ganun ay marecover mo pa rin yung halagang 2,500.
01:38So yan ang analogy natin pagdating sa system loss.
01:41Yung mga utilities kasi,
01:44yung dami o yung quantity ng kuryente na yan na dumating sa kanila,
01:50kapagka ito ay isusupply na sa kanyang mga customer,
01:53bawas na dahil nga may mga technical at non-technical na losses
01:57na siyang nagpapababa doon sa kantidad o yung quantity
02:00na naibibenta niya actually sa kanyang mga consumers.
02:03Tama po ba na ginawa ito para maingganyo
02:06yung mga negosyating mag-invest sa energy sector?
02:10Ito naman ay para lang mabawi.
02:13Mayroong mekanismo na kung saan nababawi
02:16itong costs associated with these system losses.
02:20Dahil nga ito ay pupwedeng may kapabayaan din ang mga utilities,
02:25kaya't mayroon siyang cap na pinatutupad namin.
02:29Pero mayroon talagang porsyento ng mga system losses
02:33na talagang kahit ano pa ang gawin ng mga utilities natin
02:37ay hindi talaga nila ito may iwasan.
02:39Dahil talagang nangangawala yung kuryente
02:41kapag ito'y dumaloy sa linya niya.
02:44At sakaling may sa batas po itong pag-amienda sa Epiralo,
02:48gaano po kaya ito kabilis matanggal itong sinisingil sa mga consumers?
02:53Immediate naman po pwede natin na talagang ipahinto na
02:56ang pangungulekta ng system loss charge.
02:59Of course, umaasa tayo na doon sa konsultasyon
03:02So, kapagka ito ay tatalakay na,
03:05ay mapag-usapan din kung ano ang gagawin dito sa gastos na ito,
03:09kung paano na ito mababawi ng kung sino man ang nag-inker nito.
03:13At sa ganon, ay hindi naman din malagay sa alangan
03:17yung ating mga utilities at yung kanilang viability long-term.
03:22Ayun nga po, ano po magiging implikasyon kaya nito
03:24dito sa atin ng mga operations and sustainability
03:27ng distribution facilities?
03:30Kung sila ang mag-aabsorb nung gastusin na ito,
03:35una, kakailanganin talaga na mapababaan nila
03:38ang kanilang aktual na system loss to the barest minimum.
03:42Nang sa ganon, ay hindi naman napakalaking gastusin nito
03:45na sila ang mag-aabsorb
03:47dahil hindi na nila maaaring ipasa ito sa kanilang consumers.
03:51Yung pagpapasa naman po ng Sariling Kuryente Act
03:53para mas maging abot kaya ang mga rooftop solar panels
03:56at battery storage na systems,
03:58gaano po ito ka-feasible at kabilis magagawa?
04:01Oo, ang komisyon naman ay nahanda na gawin
04:06kung ano ang tutukuyin na dapat niyang gawin
04:10pagdating sa pagpasa ng mga batas na ito.
04:13But I understand, ang mga batas na ito
04:16ay tumudukoy doon sa pagpapababa pa at pagpapabilis
04:20na ang pag-i-install ng mga sariling generation facilities
04:25tulad ng solar
04:26at kung mayroon mang magagawa pa ang komisyon
04:29sa lalong pagpapa-streamline
04:31ng proseso ng pagkuhan ng permit sa aming tanggapan
04:35ay gagawin namin.
04:36Pero yung mga solar rooftop naman talaga
04:39na purely for household,
04:41ito naman ay exempted na rin talaga
04:43sa pagkuhan ng Certificate of Compliance
04:46mula sa komisyon.
04:47So hindi na po kailangan ng mga permits
04:50kahit sino po pwede mag-install
04:51ng kanilang sariling rooftop panel?
04:54Oo, para sa amin,
04:56ang mga self-generation facilities na ito
04:59for household, for hospital, for clinics,
05:01nasa saklaw na siya nung exemption
05:04na nasa Ipira IRR
05:06na hindi na sila kailangan pang kumuha
05:09ng Certificate of Compliance sa amin.
05:11Pero of course,
05:12kung sila naman ay papasok
05:13sa mga arrangement tulad ng net metering,
05:17mayroon naman tayong mga streamlined procedures
05:20nang sa ganun ay mapabilis din
05:22ang pagkuhan nila ng lisensya mula sa amin.
05:25Nagbagit din po ng Pangulo
05:26yung paggamit ng nuclear power plant.
05:28Napapanahon ba ito?
05:29At gano'n po kahanda rito ang Pilipinas?
05:33Nagkaroon na naman tayo ng batas tungkol dito
05:35at ang komisyon ay nakikiparticipate
05:39doon sa mga pag-aaral na ginagawa
05:42kung ano ang magiging role
05:44ng aming tanggapan
05:45tungkol sa pagtatakda ng singil
05:47at sa pagpasok ng nuclear energy
05:51dito sa ating generation mix.
05:53Pakipaliwanag nga po,
05:54mas nagbago na yung teknolohiya
05:56pagating sa nuclear energy.
05:57Mas safe na ho ba ito ngayon?
05:58Paano natin ipapaliwanag sa taong bayan?
06:01Kung ipupurso nga natin
06:02yung paggamit ng nuclear energy?
06:06Pagdating naman sa safety and other concerns,
06:09ito naman ay nasasaklaw ng batas
06:12at mayroong mga pamantayan.
06:14Of course, ito ay nasa ibang ahensya
06:16ang pangalaga tungkol sa mga ganitong usapin.
06:20Ang sa amin ay pagdating sa usapin
06:22kung magkano ang dapat na ipasisingil sa kanila
06:26kung sila ay makapagtatayunan
06:29ng mga planta
06:29at makapagsususususuply
06:32sa ating grid.
06:33Okay. Maraming salamat po sa oras
06:35na ibinahagi niyo sa Balitanghali.
06:37Maraming salamat din, Rafi.
06:39Yan po si Energy Regulatory Commission
06:40Chairperson at Tornay Francis
06:42Satornino Juan.
Comments