00:00Samantana, nakadeploy na mga police na magbabantay sa zona ni Pangulong 49th R. Marcus Jr. sa paligid ng Batasang Pambansa.
00:06Si J.M. Thompson sa Detalye Live. J.M.
00:13Joshua, sa mga oras na ito, may mga PNP personnel na sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue
00:18at maging dito sa IVP Road ay may mga nakaantabay na rin.
00:22At kung saan, mahigit isang daan yung mga nakadeploy na police at BFP personnel para panatilihin yung siguridad ngayong
00:31ikalimang State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ngayong araw.
00:38Bago pa man mag-weekend, inihahanda na ng mga otoridad at iba pang ahensya ng pamahalaan ng ilang lugar sa
00:45Quezon City
00:45para matiyak na magkakaroon ng maayos at payapang zona si Pangulong Marcos ngayong araw.
00:51Dito sa kahabaan ng IVP Road sa Quezon City, maaga pa lang ay nakadeploy na ang mahigit isang daang nakapulisan
00:58kasamang ilang BFP personnel.
01:00Inaasahan na magiging payapa lamang at maayos ang sitwasyon dito sa IVP Road
01:05pero mahigpit pa rin ang kanilang pagbabantay sa mga posibleng mangyari sa paligid ng Batasan Pambansa
01:11kung saan nagaganapin ang zona ni Pangulong Marcos.
01:14Mahigit 20,000 naman nakapulisan na ang kabuan
01:18ang inaasahang magbabantay at magpapanatili ng kaayosan sa paligid ng Batasan Pambansa
01:24dahil sa inaasahang pagpunta ng mga taga-suporta at ilang grupo na hindi pabor sa administrasyon
01:30nakaantabay ang mga otoridad sa anumang pwedeng mangyari ngayong araw.
01:35Bagamat malayang makapagbibigay ng salo, binatopinyon ang ating mga kababayan
01:39hinihikayat din ng mga otoridad na panatilihin na ang maayos at payapang demonstrasyon
01:45habang isinasagawa ang zona ngayong araw.
01:48Samantala, may ilan ang nakasarang kalsada sa ilang bahagi ng Quezon City
01:52gaya ng parte ng Commonwealth Avenue para na rin sa paghahanda sa zona ni Pangulong Marcos Jr. ngayong araw.
01:59Pinaigting naman ng Land Transportation Office at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
02:06ang kanilang monitoring sa mga daanan sa Quezon City para mapanatili ang traffic management sa lungsod.
02:14Joshua, sa mga oras na ito, maayos pa naman yung sitwasyon dito sa may LITEX
02:18at wala pa namang nakikitang mga taga-suporta at grupo ng individual para sa zona ni Pangulong Marcos Jr.
02:26Samantala, Joshua, mapapansin din dito sa aking likuran na wala dito yung bus stop
02:31dahil pansamantala muna itong inilagay sa may Sullivan para magbigay daan rin sa zona ni Pangulong Marcos Jr.
02:38At muli namang nagpaalala yung MMDA sa number coding ngayong araw ng lunes.
02:43Wala pong suspension ng coding ngayong araw at bawal po yung mga plakang nagtatapos
02:48sa numerong 1 at 2 simula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at alas 5 ng hapon
02:54hanggang alas 8 ng gabi.
02:55Yan muna ang huling balita mula rito sa LITEX, Joshua.
02:59Maraming salamat, J.M. Thompson.