00:00Posibleng i-relocate ang mga pamilyang nakatira sa ibabaw ng Tungtong Creek
00:05sa boundary ng Las Piñas at Paranaque para sa proyektong kontrabaha.
00:10DPWH tiniyak na bibigyan sila ng tamang compensation at maayos na lilipatan.
00:16Si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:21Makikipagpulong si DPWH Secretary Vince Dizon
00:24kasamang mga opisyal ng Las Piñas City at Paranaque City LGU sa National Housing Authority
00:30para mapag-usapan ang relocation plan sa mga pamilyang nasa ibabaw ng Tungtong Creek
00:36sa boundary ng Las Piñas at Paranaque.
00:39Pinakamagaking problema dito.
00:43So madaming ISF nakapatong sa creek.
00:47Mahigit limang daang pamilya ang kasalukuyang nasa ibabaw ng creek
00:51kaya naman maliit lamang ang espasyo para sa tubig ulan
00:55dahilan ng mabilis na pagbaha sa lugar.
00:58Ayon sa kalihim, natapos na ang drainage improvement sa lugar
01:02pero hindi dito natatapos ang kanilang proyekto.
01:05Kahit na pinagakin natin yung drainage,
01:09ang labasan ng tubig dito.
01:12And obviously, mapupuno ka agad itong creek na ito
01:16dahil nakapatong na yung mga bahay sa creek mismo.
01:19Hindi anya magiging madali ang gagawin sa lugar
01:22at kung hindi ito agad masisimulan,
01:25mababaliwala ang ibang proyekto kontrabaha.
01:28Ako na mismo magsasabi sa mga kababayan natin
01:30na nakatira dito sa Tungtong Creek.
01:34Hindi po sila pa pwede dyan
01:35at kailangan po natin silang i-relocate.
01:38Pinapangunahan ko na po.
01:41Sa gagawang madaling panahon,
01:44kailangan natin i-relocate itong mga kababayan natin na nandito.
01:48Samantala, pinuntahan din ni Sekretary Dizon
01:51ang malapit ng matapos na flood mitigation project
01:54sa kahabaan ng Marcos Alvarez
01:56sa barangay Talon 5, Las Piñas City.
01:58Dahil sa maliliit na drainage pipe sa ilalim ng tulay,
02:02bumabara ang mga basura
02:03dahilan para mabilis na bumaha sa lugar tuwing umuulan.
02:07Dalawang taon na umano itong na-delay
02:09at ngayong buwan ang hunyo pa lamang inaasahang matatapos.
02:12Dahil sa pagpapalit ng district engineer,
02:15napalitan na rin ang dati maliit na daluyan ng tubig
02:18na ngayon ay may malawak ng butas sa ilalim ng tulay.
02:22Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng DPWH
02:26sa mga proyekto kontrabaha sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:30Tinitiyak ng ahensya na nasusunod ang timeline
02:33o target date ng mga proyekto
02:35para agad itong makatulong sa mga lugar,
02:38lalo na ngayong tag-ulan.
02:40J.M. Thompson, Para sa Bayan.
Comments