00:00Samantala nagdabas na rin ang MMDA ng alternatibo ruta para sa mga motorista maapektuhan ng matinding traffic sa Quezon City
00:07dahil sa zona ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09Ang detalye sa report ni J.M. Thompson.
00:15Nakahanda na ang mahigit isang libong personnel ng MMDA para panatilihin ang traffic management sa mga lugar na apektado ng
00:23ikalimang State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong July 27.
00:28Inilabas ng MMDA ang mga alternatibong ruta para sa mga motoristang maapektuhan ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan
00:37ng Commonwealth Avenue, IBP Road at iba pang kalsada sa Quezon City.
00:41Apektado ang mga ruta ng mga motoristang dadaan sa northbound ng Quezon Memorial Circle papuntang Fairview at southbound ng Fairview
00:50papuntang Quezon Memorial Circle.
00:52Pinapayuhan din ang mga light vehicles at trucks na dumaan sa mga alternatibong ruta.
00:57Mahigpit namang babantayan ang 15 CCTV camera sa pamamagitan ng MMDA Mobile Command Center kung saan nakahanda rin ang MMDA
01:07Emergency Preparedness and Response Team sa may batasan kompleks habang isinasagawa ang SONA 2026.
01:15Samantala, nag-abiso rin ang Quezon City Government para sa mga pansamantalang pagbabago sa mga bus stop at ruta ng
01:22Quezon City Hall Tolitex, IBP Road.
01:24Aalisin muna ang mga sumusunod na bus stop sa northbound sa St. Peter bus stop at northbound-southbound sa Maclang
01:31General Hospital.
01:32Habang bubuksan ang mga temporary bus stop sa northbound Kalayaan Corner Street at Commonwealth Avenue at southbound Riverside at Commonwealth
01:40Avenue.
01:41Pansamantala rin ililipat ang dispatching area sa bahagi ng Commonwealth Avenue paglagpas ng isang fast food chain sa Sullivan.
01:49Wala namang pagbabago sa schedule at mga bus stop sa ibang ruta sa araw ng SONA.
01:54Dahil din sa inaasahang mabigat na trapiko, wala munang pasok sa July 27 sa lahat ng antas na mga pampubliko
02:02at pribadong paaralan sa Quezon City.
02:04Ipatutupad din ang licorban sa buong lungsod simula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 6 ng gabi.
02:11Ito ay para matiyak ang kapayapaan at siguridad sa lungsod para sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:19J.M. Thompson, para sa bayan.