00:00Patuloy ang pakikipag-negosyasyon ng Pilipinas sa Amerika
00:03kasunod ng pagpapataw nito ng mas mataas na taripa sa mga produkto.
00:07Ayon sa isang eksperto, malaki ang epekto nito sa ating mga exporter.
00:13May unang balita si Dano Tingkungko.
00:19Epektibo mula 12.01pm ng July 24
00:22ang mga produktong export ng Pilipinas
00:24sa cloud ng panibagong 12.5% tariff ng Amerika
00:27o buwis sa mga inaangkat nilang produkto.
00:30Hindi kasama ang steel, aluminum, copper, wood products,
00:34mga sasakyan at semiconductors,
00:36pati mga produktong na ikarga na sa mga barko bago ang July 24
00:39o papasok na sa Amerika bago mag 12.01pm Philippine time ng July 28.
00:45Sabi ni Philippine Ambassador to the US, Jose Manuel Romualdez,
00:49ang 12.5% tariff ay mas mababa sa 19% na gusto talagang ipataw ng Amerika.
00:55The 19% was scrapped by the US Supreme Court.
01:00So now this 12.5% is because of the 301
01:04which basically means the forced child labor exports to the United States
01:12which would give them the authority to put tariffs on countries
01:17that have problems with child labor.
01:19Paliwanag ng Amerika, isa ang Pilipinas sa 60 bansang kulang sa mga hakbang
01:24para ipagbawal ang mga produktong nabuo sa pamamagitan ng forced labor.
01:29Basean nila ito sa mga imbisigasyon at rekomendasyon
01:32ng Office of the United States Trade Representative.
01:35Ang ating Department of Trade and Industry naunang iginiit
01:38na walang forced labor sa mga produkto nating for export sa Amerika.
01:42Sabi ng ating Department of Foreign Affairs,
01:44matagal nang naipakita ng Pilipinas na hindi umaasa sa forced labor
01:48ang mga produkto natin.
01:49Dahil may umiiral tayong batas contra forced labor
01:52at pinalalakas ang pagpapatupad nito.
01:55Makikipag-negosasyon ng Pilipinas sa Amerika ukol dito.
01:58Kailangan talaga ipaliwanag ng pamahalaan.
02:02Ano ba yung sinabi ng Amerika na meron tayong forced labor dito?
02:07Kasi hindi naman yan katanggap-tanggap.
02:09Sabay pa rito ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
02:13Ayon sa ekonomisang si Emanuel Leico,
02:15kahit ang kahulugan nito ay bahagyang mas mura
02:18ang ating mga produkto sa Amerika,
02:20mas mahal pa rin ang mga produkto natin
02:22kumpara sa ibang bansa.
02:24Mas mura pero nadagdaga naman ng taripa na 12.5%.
02:30So I think ang magiging net effect niyan,
02:34mas magiging mahal ang ating exports sa Amerika
02:40dahil din sa 12.5%.
02:42Dahil hindi naman na 12.5% ang pagwaba
02:45o ang depreciation ng piso.
02:48Para kay Leico at sa grupo ng mga exporter,
02:51malaking dagok sa ating mga exporter ang US tariff.
02:54Immediately, ang implication niyan,
02:56yung mga exporters natin, wait and see.
03:00Yung mga buyer na natin sa US, wait and see.
03:03But after it's called clarified,
03:06nakikita natin.
03:07You have to continue negotiating,
03:10work on the exemption.
03:10In the long run,
03:13maaari itong magkaroon talaga
03:14na mag-iwan ng negative impact
03:17sa ating export sa Amerika.
03:20Dahil hindi naman nila tatanggapin
03:22na merong forced labor.
03:24Kailangan maklarify.
03:25This is an ongoing,
03:27what you call this,
03:29negotiations ever since
03:30from the very beginning
03:32with the tariff of forced post.
03:33We're very confident that
03:35I think we'll probably go down to 10%.
03:37Ito ang unang balita,
03:39Dano Tingkungko,
03:40GMA News.
Comments