00:00Isang lalaki ang nasawi ng makulong sa inuupahang bahay sa gitna ng sunog sa Pasay.
00:057 bahay ang natupok at damay din ang kanilang barangay hall at daycare center.
00:10Nakatutok si EJ Gomez.
00:15Ginising ng naggangalit na apoy ang mga residente ng barangay 138 Pasay City
00:21pasado alas 3 ng madaling araw kanina.
00:24Itinaas sa unang alarma ang sunog na tumupok sa barangay hall at daycare center.
00:28Kanya-kanyang paglikas sa mga apektadong residente.
00:32Inilikas din ang mga alagang aso.
00:59Damay sa sunog ang isang motorsiklo.
01:02Nang maapula ang apoy kaninang 4.53am, pinagtulungang ilabas na mga tauhan ng SOCO, Bureau of Fire Protection at Philippine
01:10National Police
01:10ang bangkay ng isang 39-anyos na lalaking na trap sa bahay.
01:15May yung katawan ng biktima nakada pa dun sa baba.
01:20Bumagsak na lang po siguro yung katawan niya.
01:23Ayon sa barangay, posibleng nit siya ng apoy ang nagputukang electrical wiring.
01:28Ang area of origin of fire namin nasa mismong right side ng barangay hall, first floor.
01:36Itong structure, malumang bahay na kahoy sa taas, yung sa baba ay concrete.
01:42Kaya nung nasunog siya, mabilis siyang nag-spread.
01:46Dahil light materials kasi.
01:47Sa tala ng BFP, aabot sa 900,000 pesos ang halaga ng pinsala ng sunog.
01:54Pitong bahay ang natupok ng apoy, hindi bababa sa pitong pamilya o halos 30 individual ang apektado.
02:01EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Comments