Skip to playerSkip to main content
Nasa pedestrian lane na nga, nasagasaan pa ang isang estudyante sa Rizal! Pinagpapaliwanag na ng LTO ang nakabanggang driver at suspendido na ang kanyang lisensiya.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa pedestrian lane na nga, nasagasaan pa ang isang estudyante sa Rizal.
00:05Pinagpapaliwanag na ng LTO ang nakabanggang driver at suspendido na ang kanyang lisensya.
00:10Nakatutok si Von Aquino.
00:17Habang tumatawid sa pedestrian lane ang isang estudyante,
00:20huminto ang jeep kaya nakatawid ang bata.
00:23Pero dire-diretsyo naman ang isang van kaya nasagasaan ang batang nasa tama namang tawiran.
00:31Huminto ang van at pinuntahan ang driver ang biktima.
00:35Webes nangyari ang disgrasya sa General Luna Avenue, San Mateo Rizal.
00:39May ospital sa tapat ng tawiran kaya agad nasuri ang biktima.
00:43Nakita po namin na conscious pa yung bata kaya agad din po kaming nagpatawag ng volunteer doctor
00:50para tingnan yung bata, kung ano yung kanyang kalagayan.
00:55And agad din tayong nagpatawag ng ambulansya.
01:00Magtatunod kasi itong SUV at saka passenger gear.
01:03Noong puminto itong passenger gear, kasi may dadaan na mga pedestrian natin,
01:09nag-overtake itong SUV at hindi niya napansin na may papatawid na bata.
01:15Yun, nasagasaan niya itong bata.
01:17Ayon sa San Mateo Police, nagtamo ng galos ang bata.
01:21Sinagot ng driver ang gasto sa ospital.
01:24Mariing paalala ng LTO sa mga motorista,
01:27pagdating sa pedestrian lane, dapat bigyan ng daan ang mga tumatawid.
01:32Ngayon po narito tayo sa pedestrian lane kung saan naaksidente ang estudyante
01:36at susubukan po natin makatawid doon para makita kung ano yung behavior ng mga driver dito
01:41at kung may alam sila sa batas patungkol sa right of way sa mga pedestrian lane.
01:54Malayo pa, nakikita mo na may guwit-guwit eh,
01:56kailangan nagme-menor ka na, tapos hinto ka pag may dumadaan.
01:59Dapat lagi kang alerto para iwas yung makasagasa ka.
02:04Paalala lang po sa mga driver, hindi tayo ang priority sa pedestrian lane.
02:11Yung pedestrian o yung tumatawid ang priority dyan.
02:14So obligado silang huminto.
02:16Marami pong mga driver natin ang pasaway,
02:19hindi nila nirirespeto yung pedestrian lane, kaya yun po nangyayari.
02:24Sa Land Transportation and Traffic Code,
02:27nakasaad na ang mga driver ng anumang sasakyan na bumabaybay sa mga highways
02:31sa mga business or residential district ay dapat magbigay sa mga tumatawid sa mga crosswalk,
02:37maliban sa mga intersection kung saan ang trapiko ay minamanduhan ng peace officer o traffic signal.
02:43Kapag walang tawiran, ang mga motorista naman ang may right of way.
02:48Nagpadala na ang LTO ng show cost order sa driver ng van.
02:52Sinuspindi rin ang 90 days ang lisensya ng driver habang iniimbestigahan.
03:16Ayon sa LTO, depende sa resulta ng kanilang investigasyon
03:20kung papatawan ang driver ng mas mahabang suspension o revocation ng lisensya.
03:26Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended