00:00Inatulang guilty sa kasong graft at malversation of public funds.
00:04Ang negosyanting si Janet Limnapoles at kanyang dating tauhan,
00:07kaugnay ng ghost projects gamit ang pondo ng Department of Agrarian Reform o DAR.
00:13Sa malversation naman guilty, ang isa pang dating DAR official.
00:17Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Taong 2011, nang idaan ng Department of Agrarian Reform o DAR
00:26ang 50 million pesos na pondo nito sa mga non-government organization o NGO ni Janet Napoles.
00:32Pambili umano ito ng farm inputs para sa mga magsasaka ng sampung munisipalidad sa Pangasinan, Quezon at Batangas.
00:40Pero walang na-deliver ni isang farm input at sabi ng mga mayor, pineke ang kanilang mga lagda.
00:47Taong 2022 na, nang isang paang kaso sa Sandigan Bayan at kanina,
00:51hinatulan ng guilty si Napoles sa kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents.
00:58Sa pagbasa ng hatol, naka-video conference si Napoles na nakakulong sa Women's Correctional sa Mandaluyong City.
01:04Sa graft, 12 to 15 years para sa bawat isa sa 10 counts o aabot sa 120 to 150 years
01:12ng pagkakakulong.
01:13Sa malversation, 17 to 20 years for each 10 counts o aabot sa 170 to 200 years na pagkakakulong.
01:21May multaring 5 milyong piso.
01:23Si Jerry Pakturan na dating DAR Undersecretary, hinatulang not guilty sa kasong graft, pero guilty sa 10 counts ng malversation.
01:32Sinintensyahan siya ng 14 to 19 years para sa bawat isa ng 10 counts o 140 to 190 years na
01:40pagkakakulong.
01:41Pinagmumulta rin siya ng 5 milyong piso.
01:44Ang NGO employee naman ni Napoles na si Evelyn De Leon, hinatulang guilty sa 3 counts ng graft at 3
01:51counts ng malversation.
01:52At sinintensyahan ng 14 to 19 years na pagkakakulong kada count o 42 years hanggang 57 years na kulong.
02:00Tatlong kapwa kusado nila ang nananatiling at large o hindi pa nahuhuli.
02:05Kaya ipina-archive muna ang kaninang kaso hanggang sila ay maaresto.
02:10Bukod sa multa ay pinababalik din ang Korte kay Napoles ang 50 million pesos na nalustay niyang pondo ng gobyerno
02:17kasama ang 6% interest.
02:2015 million pesos naman na may 6% interest ang pinapabayad kay Pakturan.
02:25Dahil maaari pang i-apela sa Korte Suprema ang desisyon ng Sandigan Bayan 6 Division,
02:31pinayagan sila ng Korte na mag-post ng higit 4 million peso bond para sa kanilang provisional liberty.
02:38Gayunman, nakakulong na si Napoles para sa conviction sa iba pang kaso.
02:42Kabilang ang plunder kaugnay ng maling paggamit ng pork barrel ng iba't ibang mambabatas.
02:47Sumaki Pulido na Katuto, 24 oras.
Comments