Skip to playerSkip to main content
A.I. hub na itinatayo sa New Clark City, lilikha ng trabaho dahil sa data center at chip factories pero takaw-kuryente at tubig 


Dagdag-kita para sa bansa, trabaho sa mga Pilipino, at pagkakataong matuto sa research development ang pambenta ng Amerika sa itinatayo nitong artificial intelligence o A.I. hub sa New Clark City.


Pero dahil takaw-tubig at takaw-kuryente, pinangangambahan ng ilan ang epekto nito sa kalikasan at pagmahal ng singil sa kuryente.


Bukod pa iyan sa posibleng epekto sa mga magsasaka at katutubo sa Tarlac.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dagdagkita para sa bansa, trabaho sa mga Pilipino at pagkakatoong matuto sa research development,
00:07ang pambenta ng Amerika sa itinatayo nitong Artificial Intelligence o AI Hub sa New Clark City.
00:14Pero dahil takaw tubig at takaw kuryente, pinangangambahan ng ilan ang epekto nito sa kalikasan at pagmahal ng singil sa
00:22kuryente.
00:23Bukod pa yan, sa posibleng epekto sa mga magsasaka at katutubo sa tarlang.
00:28Nakatutok si Maris Omal.
00:35Sa isang bahagi ng New Clark City, sinisimulan nang i-develop ng Amerika ang isang Artificial Intelligence o AI Hub
00:43sa ilalim ng Pax Silica Initiative.
00:45We have some really big plans to bring American business, jobs, investment, assistance, and so much more to the Filipino
00:54people.
00:55Kabilang din ito sa mga pinag-usapan ni Pangulong Bombong Marcos at U.S. Security of State Marco Rubio kahapon.
01:01Ang ideya, maglalagay rito ng mga AI processing o data centers na may mga supercomputer na totoong nag-iisip at
01:08naghahanap ng mga sagot sa mga tanong nyo sa AI o gumagawa ng mga AI photos at video.
01:14Hindi pa kasi yan kaya ng mga chip o utak ng ating mga cellphone kaya doon ipinapadala.
01:19Pero kailangan din ang mga chip o utak ng mga supercomputer ng AI data centers kaya tumaas lalo ang demand
01:25at presyo nito worldwide.
01:27Sa planong Pax Silica, sa AI Hub na rin sa New Clark City gagawin ang mga chips na nangangailangan ng
01:32mga mineral.
01:33Nang ilan, pwedeng minahin na lang at iprosesa sa Pilipinas.
01:38Tatlong industriya agad ang lilikha ng trabaho dahil sa Pax Silica na magdaragdag ng kita sa ekonomiya at sa tax
01:44collection.
01:44Ang pinaka-importante dito, our critical minerals, tapos number two, our world-class workers, tapos number three, yung ating strategic
01:54location.
01:55Hindi na natin sila i-export ng unprocessed, mapaprocess natin sila rito. Yung value add ay nandito sa Pilipinas.
02:03Pagkakataon din ito para di mahuli ang Pilipinas sa mga bansang bahagi ng world ship market.
02:19Para magawa yan.
02:20Pinulong kapalit. Dahil supercomputers nga ang ginagamit ng AI, takaw kuryente ang mga ito.
02:26Ang tanong sa isang AI chat app, halimbawa, sampung beses na mas power hungry kasa sa tanong sa search engine.
02:33Mas matindi ang AI photos at videos.
02:36Pero giit ng Department of Trade and Industry o DTI, may hiwalay na pagkukuna ng kuryente ang AI Hub.
02:42These are additional pagdating sa mga power. Hindi ito yung mga kukuha dun sa ating existing power na mga power
02:50capacity.
02:51Gayon man pangamba ng mga kabayan block, maaaring itulak nito ang singil sa kuryente sa Pilipinas, sa pinakamahal sa buong
02:58Asia.
02:59Takaw tubig din ang AI Hub. Kung ang cellphone kasi nagiinit pag sobrang ginagamit, lalo ang AI centers.
03:06Kaya may cooling system ito na sa ilang malalaking center ay gumagamit ng hanggang limang milyong galon ng tubig kada
03:11araw.
03:12Kailangan kasing malinis lagi ang tubig nito para walang duming bumara.
03:16Kaya nangangambang ilang environmental group.
03:18Hindi natin kailangan ng verbal assurance. Ang kailangan natin, scientific data. Saan kukunin yung water supply?
03:27Ayon sa Basis Conversion and Development Authority o BCDA, na mga ngasiwa sa proyekto, hindi sila aagaw sa groundwater ng
03:34komunidad, kundi gagamit ng tubig ulan.
03:37Magkakaroon tayo ng impounding technology o impounding dam area. So upunoyin natin ang mga yan para yan ang magamit.
03:45Kung may surplus kami, pwede pa namin i-share ito sa mga community around.
03:50Pero paano kung tagtuyot? Sabi ng palasyo tiniyak ng National Water Resources Board na may sapat na water source sa
03:57lugar at prioridad ang mga residente.
04:00Sinagot din ang BCDA ang pangambang may mga maaagawan ng lupa.
04:03Around 20,000 ITAS ang madidisplace dito sa pagpasok ng PAC Silica. At syempre, hindi lang mga ITA, kundi mga
04:13magsasaka.
04:13Hindi po totoo ito. Ang proyekto pong ito, una-una ay nakatitulo na sa BCDA. So it's a public land.
04:22Wala pong ancestral domain title doon.
04:26Kaugnay naman ng mga agricultural land na maapektuhan, may mga nakahandang livelihood program at modern urban farming.
04:32Wala pa pong sampu dito ang maapektuhan ng farmers pero more than 200 naman po ang ma-degenerate na employment.
04:39Dagdag epekto sa kalikasan ng posibleng ingay ng mga cooling systems, generators at mga industrial fans.
04:46Makari talagang ma-epektohan halimbawa yung mga ibon. It's very disturbing. Meron pa siyang i-emit na noise pollution.
04:54Lahat po ng mga projects namin, kumukuha ng ECC. We will comply with the for sustainability in the compliant kami
05:01sa environmental regulations.
05:04Giit pa ng DTI, bagaman may mga data center, mga pabrika ng computer chips ang talagang fokus.
05:10Hindi ito tungkol sa pagtatayo ng data center dito sa Pilipinas. Ito ay pag-manufacture ng mga components.
05:19Ibang issue pa kung babaratin ba ang Pilipinas sa makukuhang mineral, gayon din sa bayad sa paggamit ng lupa.
05:25Halimbawa, dalawang taong rent-free ang AI Hub. Pero ayon sa DTI, karaniwan ito sa malalaking land project dahil wala
05:32pa namang kita sa unang mga taon ng pagpapatayo.
05:35At kung gusto raw malaman talaga kung logi ang Pilipinas sa kasunduan, nakapost sa website ng Board of Investments ang
05:42madokumentong kaugnay ng framework.
05:44Bagaman inaayos pa ng BCDA ang panghuling lease agreement.
05:48Mariz Omali, Nakatutok, 24 Horas.
05:55Mariz Omali.
Comments

Recommended