Skip to playerSkip to main content
Bago ang pagpapatuloy ng impeachment trial sa Lunes, tinanggap ng Senate impeachment court ang karamihan ng ebidensyang inihain ng Prosecution. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:06Pagpapatuloy ng impeachment trial sa lunes, tinanggap ng Senate Impeachment Court ang karamihan ng ebidensyang inihain ng prosekusyon.
00:14Kung ano-ano ang basihan ng mga ito, tinutukan ni Sandra Aguinaldo.
00:22Sa kabila ng pagtutol ng mga abugado ni Vice President Sara Duterte tinanggap ng Senate Impeachment Court,
00:28ang karamihan ng mga ebidensyang inihain ng prosekusyon.
00:32Hindi kinatigan ng korte ang posisyon ng defense panel na resulta ang mga ito ng tinawag nilang phishing expedition.
00:40Nakapalob ito sa order ng korte patungkol sa formal offer of evidence ng prosecution panel para sa Article 2 o
00:48hindi umano maipaliwanag na yaman ng vice.
00:51Kabilang sa mga ebidensyang admitted ay ang corporate records mula sa Securities and Exchange Commission.
00:57Mga titulo ng lupa at deeds mula sa Land Registration Authority, Bank Records, Insurance and Investment Records, Tax Records,
01:07bahagi ng Financial Forensic Report, at mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng vice,
01:13pati yung para sa mga taong hindi pa siya impeachable officer.
01:16Binigyang diin ni Presiding Officer Cheez Escudero na hindi pwedeng gamitin ebidensya ang mga record bago maluklok ang vice noong
01:25June 30, 2022.
01:27Pero maaaring gamitin ang mga naonang record bilang basehan ng financial baseline o yung yaman niya bago siya naging vice.
01:35Sabi ng presiding officer na baseline yun para maipakita kung merong karapat dapat na income yung ating vice presidente going
01:47forward nung naging impeachable officer siya.
01:50Paglililaw ng impeachment court, tinanggap nito ang mga ebidensya dahil relevant at competent ang mga ito.
01:56At hindi ibig sabihin na naniniwala ang korte na ito ay totoo at wasto.
02:00Ang pag-admit, ito lamang ay yung nakalagpas na ng pagsusuyod ng mga dokumento para maging ebidensya,
02:10which is yung identification at saka authentication.
02:13At kapag natapos yun, ito ay magiging ebidensya na.
02:17Pero yung bigat nun kung ano man yung connection nun doon sa pinupunto o mga facts in issue na tinatawag
02:25natin na sasagutin ng mga hukom,
02:28yung nasa kamay nila kung paano nila bibigyan ng bigat o walang visa yung isang dokumento na yun na naging
02:38ebidensya na.
02:39Hindi naman pinagbigyan ng impeachment court ang hiling ng prosekusyon na tanggapin ng korte ang records
02:46mula sa Commission on Audit, kaugnay ng Confidential Fund ng Office of the Vice President at Department of Education.
02:53Sabi ng korte, iniharap kasi ito ng prosekusyon para sa Article 1 tungkol sa mali umanong paggamit ng pondo.
03:00Pero punto ng korte, dropped o iniatras na ito ng prosekusyon.
03:05Excluded din yung mga record kaugnay sa JTC Group of Companies at Pikimong-Pikimong Philippines Corporation
03:12dahil bigo raw ang prosekusyon na ipakita ang kaugnayan dito ng visa.
03:17So yun lamang yung mga hindi na, mga ilans, mga hindi na admit na mga ebidensya ng House Prosekusyon Panel
03:27pero karamihan naman doon ay inadmit at pwedeng i-considera ng ating mga Sen. Judges.
03:33Hininga namin ang reaksyon ng Defense Panel tungkol sa ibinabang order pero wala pa siyang sagot sa ngayon.
03:40Sa isa bang order, binago ng korte ang nauna nitong desisyon
03:43at sinabi ngayong sakop pa rin ng sub-Judici rule ang tatlong Articles of Impeachment na binawi ng prosekusyon.
03:51Ang sabi kasi noon ni Escudero, dais nilang bigyan laya si Duterte na magsalita tungkol sa mga akusasyon
03:58gayong hindi ito nakapagpresenta sa korte at sa publiko ng kanyang panig.
04:03Pero sa isang manifestation noong November 4, sinabi ng kampo ng Bisen na nais nilang manatili
04:09ang sub-Judici rule o pagbabawal na magkomento sa merito ng mga binawing Articles.
04:15Bagay na pinagbigyan ngayon ng Impeachment Court.
04:18So hindi na rin pwedeng pag-usapan sa social media o sa media o any public sphere
04:25yung laman ng Article 1, Article 3 at saka Article 4 at mga ebidensya doon.
04:30We respect that, we recognize that, and we submit to the authority of the Honorable Impeachment Court.
04:37Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.

Recommended