Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umamin sa pagkakamali sa kalsada ang mayor ng Dumanhog, Cebu.
00:04Nag-counterflow siya sa kain ng motosiklo at bumanga sa isang van.
00:09Suswedido ang kanyang lisensya at impounded ang motosiklo na wala pang plaka.
00:13May report si Ian Cruz.
00:18Palikuna sa U-turn slot sa Ming, Lanilia, Cebu, ang van na ito nang salpukin,
00:23nang nag-counterflow ng motosiklo, natumba ang rider.
00:27Siya pala si Mayor Gungun Gika ng Dumanhog, Cebu.
00:52Naka-impound na ang motosiklo niyang walang plaka.
00:54Sabi ni Gika, tatlong buwan pa lang sa kanyang motor.
00:58May temporary plate naman pero maluwag daw ang pagkakabit kaya nilagay muna sa bag.
01:04Nangako siyang sasagutin ang pagpapaayos sa van.
01:07Sabi ng Ming, Lanilia, Polis.
01:09Nagkasundo ang magkabilang panig kaya hindi na magdedemandahan.
01:14Pero pinagpapaliwanag pa rin ng LTO Region 7 si Gika.
01:19Suspendido rin ng siya napong araw ang kanyang driver's license.
01:23Magkahihwalay na aksidente sa Mandawi City sa barangay Subangdako.
01:28Isang babaeng naglalakad at maraming bitbit ang nabanggan ng isang kumabig na SUV.
01:34Tumilapon ang babae.
01:36Huminto sa isang establishmento ang SUV at bumaba ang driver nito.
01:41Nagkaayos na ang mga sangkot ayon sa Mandawi Command Center.
01:45Sa intersection naman ng Plaridel at UN Avenue, nagpang-abot ang isang nagbibisikleta at isang rider.
01:54Nagkaayos din ang dalawa ayon sa mga otoridad.
01:57Sa Iloilo, naareso ng driver ng sports car na nakasagasa ng mag-asawa sa Pavia noong 2024.
02:06Nasawi ang mister at sugatan ng misis sa hit and run.
02:09Naka-hospital arrest muna ngayon ang suspect matapos sumama ang pakiramdam.
02:15Ian Cruz, GMA News.
02:19Sinisisi ng ambasador ng China sa nangyaring komprontasyon sa Yungin Shoal ang umunoy konstruksyon sa BRP Sierra Madre.
02:26Pagbali raw ito sa kasunduan ng status quo ng Pilipinas at China.
02:30Sabi naman ang Philippine Coast Guard, pasimuno na nga ng guloang China Coast Guard.
02:35Hinarang pa nila ang medical evacuation ng mga nasaktang sundalo.
02:38May report si JP Soriano.
02:43Humantong sa pagkapatawag sa mga ambasador ang hidwaan ng mga sundalong Pinoy at mga tauhan ng China Coast Guard sa
02:50Yungin Shoal.
02:51Ang ating ambasador sa Beijing, pinaharap sa Chinese Foreign Ministry.
02:55Pinatawag naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang Chinese ambasador.
02:59Ayon sa isang high-ranking official na kasama sa pulong,
03:02very strong words ang ginamit ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ambasador.
03:06Sa gitna naman ang 59th ASEAN Foreign Ministers Meeting.
03:10Ipinaabot ni Foreign Affairs Sekretary Maria Teresa Lazaro kay Chinese Foreign Minister Wang Yi
03:15ang pagkondena ng Pilipinas sa nangyari sa Ayungin.
03:18Ang pag-iit na manatiling mahinahon,
03:21iwasan ng mga mapanghamong hakbang at planchahin ang mga gusot alinsunod sa unklos at sa 2016 Arbitral Award.
03:29Ang paliwanag ng Chinese ambasador,
03:32lumapit ang China Coast Guard dahil nakita umano nilang may ginagawang konstraksyon sa BRP Sierra Madre.
03:38Labag daw ito sa kasunduan ng Pilipinas at China na walang anumang pagkukumpuni sa kinakalawang ng barko.
03:45Because that's against the spirit of our provisional agreement.
03:50That is no new construction, keep the status quo.
03:54Okay, we agree to the resupply agreement.
03:59But we found, oh, they're doing something new.
04:02Then they send boats and people to challenge us,
04:06you know, to provoke or something.
04:07Then something happened.
04:09So that's the whole story.
04:13Sinusubukan pang makuha ng GMA News ang panig ng Malacanang at DFA tungkol dito.
04:18Pero nanindigan ang AFP at PCG.
04:21Hindi mga sundalo natin ang nagsimula ng gulo.
04:25Kundi ang paglapit ng China Coast Guard sa BRP Sierra Madre,
04:29ang outpost ng Pilipinas sa Ayungin.
04:31I'm not really sure whether the Chinese ambassador is well aware of what's happening in the West Philippine Sea
04:38or he's just stuck with the idea that they own the entire South China Sea.
04:44I think we're in a position of telling them to get away from LS 57.
04:56Ang sinabi naman ng China Coast Guard na pinagbigyan nila ang medical evacuation sa ating mga nasaktang sundalo,
05:03pinasinungalingan ng National Task Force for the West Philippine Sea.
05:07Giit ng AFP, hindi nila kailangang humingi ng permiso ng China.
05:12Pahirapan pa nga ang Medevac ayon sa PCG.
05:15Dahil sa pangaharang at pagraradyo ng China sa BRP Melchora Aquino at BRP Malapaskwa.
05:21Attention all ships, attention all ships.
05:24Security, security, security.
05:27This is Philippine Coast Guard vessel BRP Melchora Aquino, MRRB 9701.
05:34Humanitarian Assistance and Disaster Response Operation.
05:40Specifically, a medical evacuation of an injured member of the Air Forces of the Philippines
05:47requiring urgent medical attention located at an injured member of the Air Forces.
05:52China has indisputable sovereignty over Nansha, Quindal, and its adjacent waters, including Ren Aijiao.
06:02Parang ang ambulansya, kailangan pa daw magpaalam sa kanila.
06:06We never ask permission from the Chinese government.
06:10Tagumpay ang medevac ng PCG at nai-turnover sa AFP kaninang umaga ang dalawang sukatang Navy personnel.
06:18JP Soriano, GMA News.
06:22Bago ngayong gabi, patay ang isang rider matapos mabangga ng truck sa Maynila.
06:27Ang mga sakay ng truck, tumaktakas pala dahil sa pagdanakaw ng mga kawad ng telco sa Makati City.
06:33May report si Vona Quino.
06:38Wasaka Motor Siklong ito na pumailalim sa bumanggang truck sa Quirino Avenue, Maynila.
06:43Patay ang rider habang nagpapagaling sa ospital ang nalaglag na angkas.
06:48Nahuli on the spot ang siyam na sakay ng truck.
06:51Lumalabas na mga tirador o mano sila ng kawad ng telco na papatakas noon galing Makati.
06:57Ayon sa Makati City Police, isang concerned citizen ang nagreport sa kanila na may mga lumalabas sa manhole na ito
07:03dito sa Chino Roses Avenue Extension at saka sumakay sa closed van.
07:08Ayon sa polis siya, inarkila lang ng mga suspect ang truck pero inagaw na raw nila para tumakas.
07:14Na wala na sa area pero naispatan nila so nagkaroon ng habulan.
07:19So abul yung ano natin, yung police, yung mobil car natin.
07:25So umabot sila ng Quirino, Pedro Hill.
07:28So na-stop, na-stop po kasi may nabangga silang rider that time.
07:32Pag-stop noon, ito nga, na-check natin, pag open na ba, nandun na itong mga suspect natin.
07:39So nandun yung mga ebidensya na nakuha namin sa kanila.
07:43Nakuha sa mga suspect ang mga pinagpuputol na kawad, bolt cutter at damit pang konstruksyon.
07:49Hinala ng polis siya, ibibenta ng mga suspect ang mga telco wire.
07:53Hindi na nakuna ng pahayag ang mga suspect na hawak na ng Makati City Police.
07:58Naharap sila sa patong-patong ng mga reklamo sa Makati at Maynila.
08:02Tumakas at tinahanap ang isa pang suspect na siyang nagmaneho ng truck.
08:06Von Aquino, GMA News.
08:09Kalaboso ang lalaking x-ray teknisya na namboso umano sa klinik sa Tondo, Maynila.
08:14Nakatagong cellphone ang gamit sa pagkuhan ng video sa isang babaeng naguhubad sa x-ray room para sa annual physical
08:22exam.
08:22Ayon sa biktima, inerbios siya.
08:25Pagkakita sa cellphone kaya kinumprunta ang suspect.
08:29Nangako raw ang lalaki na buburahin ang video.
08:31Pero agad nagsumbong sa pulis siya ang biktima, nahuli ang suspect at nahalungkat ang iba pang video ng mga nabiktima
08:39niya.
08:39Wala rin pala siyang lisensya at peke ang ID.
08:43Na-inquest na siya sa patong-patong na reklamo.
08:46Hindi niya siya nagbigay ng pahayag.
08:48Sinusubukan din makuha ang panig ng klinik na inaalam din kung may permit.
08:53Ang pattern of violence ni Vice President Sara Duterte na sinasabi ng prosekusyon
08:57ang sinubukang tibagin ng depensa sa pagpupatuloy ng kanilang cross-examination kay NBI Director Melvin Matibag.
09:04Isang video ang ipinalabas nila para bigyang konteksto
09:07ang sinabi ng bisya na gusto niyang tanggalin ang ulo ng Pangulo.
09:11Ito'y ang kwento ng bisya sa nangyari umano nang dumulo sila ni Pangulong Marcos
09:15ang graduation ng Philippine Military Academy o PMA.
09:18Kinulit ng bata, louder this time.
09:22Mr. President, can I have your watch as a graduation gift?
09:28Ang sagot niya.
09:32Why?
09:33Why will I give you my watch?
09:36I saw the humiliation sa face ng bata.
09:41I wanted to help him.
09:43So sa nangyari niya,
09:45itong relo ko na lang, I realized na baka mas lalong mapahiya yung bata.
09:50If I do that, so I just imagined myself cutting his head.
09:59Didn't you take VP Sarah's statement out of context?
10:04Mahira po para sa aming law enforcement na yung ganyang mga statement ay amin pong babaliwalayin.
10:10Sa amin po sa law enforcement, we have to give credence to that and iprocess po namin.
10:15Natanong ding si Matiba kung alam ba niyang nirekomenda noon ng Senado na kasuhan ng perjury
10:19o pagsisinungaling si Arturo Lascañas na nagpakilala ng Davao Death Squad hitman.
10:24Ayon kasi sa NBI, ginamit nilang open source intel ang sinabi ang mono ni Lascañas
10:29na may kinalaman ng bise sa ex-judicial killing ng alkalde siya ng Davao.
10:34Pero nilinaw ni Sen. Panfilo Lacso na hindi natuloy ang pagsampan ng kasang perjury kay Lascañas
10:39dahil umamin ito kalaunan sa gawain ng Davao Death Squad.
10:43Without verification, you decided to believe the contents of the document that you obtained?
10:50Isinama lamang namin po ito, isa doon sa mga factors na sinasabi po natin,
10:55yung mong pattern of violence na tinatawag.
10:58At doon po, na doon sa paragraph 270, sinasabi nga po na may kinalaman sa ex-judicial killing
11:05si dating Mayor Sara Duterte.
11:08Kaugnay nito, binalikin din ang pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte sa paglunsad ng Rage Coalition noong Abril.
11:14Isang ulo lang naman ang kailangan namin, ang ulo ni Bongbong Marcos!
11:19Tanong ng depensa, hindi ba saklaw ito ng freedom of expression?
11:23The freedom of expression has limitation also kung ito po ay nagba-violate na ng batas.
11:28Banta po sa kaligtasan ng Pangulo na naging banta na rin po sa pambansang siguridad po.
11:35Kwestiyon naman si Matibag kung bakit hindi inimbestigahan at kinasuhan din si Mayor Baste.
11:40Baka meron double standard, bakit kayo nag-focus kay Vice President, pero hindi nyo in-apply kay Mayor Baste.
11:47Sapagkat ang isa po din na-develop namin dito na jury po is yung sabwatan.
11:52And alam po natin, if we go to court using the jury of conspiracy, medyo mas mahirap po na ipasok
11:59na kaso.
11:59Kaya it's taking much time to develop the case po.
12:03Tinalakay rin ang depensa ang panig ng bisya sa insidente ng panuntok sa isang sheriff noong 2011
12:09kung kailan alkalde pa ng Davao CDC Vice President Duterte.
12:13Ayon sa depensa ng yari ito sa gitna ng planong demolisyon,
12:16ilang araw lamang kasunod ang isang flash flood kung saan may mga nasawi.
12:20Are you aware that 30 people died during that incident?
12:23I have no knowledge of that.
12:25So in other words, are you also aware that it was the sheriff's refusal to provide that two-hour extension?
12:35That's why VP Sara got unlaid?
12:36Well, that is the claim of the then mayor.
12:39Inusisa naman ang ibang senador ang mga posibleng may alam kung may konontrata nga si Duterte
12:44para pumatay kay Pangulong Marcos.
12:47Ani matibag na sa 20 tao na ang kanilang tinitingnan.
12:51Natanong din siya kung may bayad bang kapalit ang pagkontrata kung meron man.
12:54That is the part of the investigation po that we have to establish po.
12:58Sa gitna ng paglilitis, di napigilang mag-react ng mga nasa Senate Gallery
13:02matapos sabihin ni Senador Robin Padilla na sana'y hindi one-sided ang prosekusyon.
13:07Sana hindi one-sided ang ating prosekusyon.
13:11Kasi alam nyo, pag kayo ang pagpabor sa inyo, alam nyo bawal po ang ginagawa.
13:25Pinakalma na lamang ni Escudero ang dalawang panig.
13:28Kalaunan, nag-sorry si Atty. Dorn na Kapunan na tinukoy ni Padilla na nagre-react habang nagsasalita siya.
13:34Ani Kapunan, sa paglilitis daw kasi minsan nagre-react ang mga abogado.
13:38Pero kaugnay sa pagsabi ni Padilla na sana hindi one-sided ang prosekusyon.
13:43The prosecution really is for the prosecution.
13:47And the defense is for the defense.
13:50Idagda?
13:51Hindi ba? Ganun.
13:52As we say, it is the nature of the beast.
13:55Yung siguro sinasabing dapat neutral, that applies to senator judges.
14:01Ang quote dyan, talbog rin sa inyo.
14:04Simatibag na ang huling testigo ng prosekusyon para sa Article 4 o grave threats at inciting to sedition laban sa
14:10vice-presidente.
14:12Sinimulan na ng impeachment court ang pagpupadala ng sabina sa Bureau of Internal Revenue,
14:17Antimonial Laundering Council at ilang bangko.
14:19Para makuha ang ilang bank, tax at AMLC records si na vice-president Sara Duterte at mister na si Atty.
14:26Manz Carpio.
14:27Bagaman pinayagan ng impeachment court ang pagsabi na nagsumita ng written manifestation para tumutol dito ang limang senador.
14:34Joseph Morong, GME News.
14:36Lumutang ang isang liham umano ni vice-president Sara Duterte kay Senate President Sherwin Gatchalian tungkol sa pagkain ng kanyang
14:44defense team.
14:45Nakasaad ang hiling ng OVP na sagutin ng Senado ang gasto sa pagkain ng defense team, staff at testigo habang
14:52gumugulong ang paglilitis.
14:54Dahil sa umano'y security concerns, nakasaad na dapat magmula ang pagkain sa accredited caterer ng OVP.
15:01Natanong dito si defense team's spokesperson, Atty. Michael Poa.
15:06Anya, hindi niya makumpirma ito dahil hindi raw siya bahagi ng OVP.
15:10Pero sa pagkakaalam niya, hindi raw sagot ng Senado ang kanilang pagkain.
15:15Ang OVP raw ang dapat sumagot sa tanong tungkol sa sulat.
15:19Sinusubukan pa namin kunin ng pahayag ng OVP.
15:24Well, I can confirm na wala namang pinapayagan yata na ganun as far as I know.
15:30But I cannot dwell on the details kasi that is an OVP letter and the defense team has no participation
15:38in that letter.
15:40So baka best directed to the office of the vice president kasi hindi naman kami kasama dun sa pagpupulong.
15:49Kinumpirma ni Sen. Panfilo Lacso ng sulat.
15:52Hindi niya raw ito suportado dahil posibleng malabag ang government procurement law.
15:57Anya, may sariling caterer ang Senado na dumaan sa regular bidding.
16:02Tingin din niya ang hiling na gamitin at bayaran ng Senado ang caterer ng OVP ay masasabing kwestyonable at irregular.
16:11Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula June 28 hanggang July 3 at July 6, 2026,
16:18tinanong ang 2,400 representative adults edad 18 pataas,
16:23sinong iboboto nila sa pagkapangulo kung isinagawa ang eleksyon noong panahong ginawa ang survey?
16:28Sa listahan ng 6 na posibleng kandidato, 49% ang nagsabing iboboto nila si Vice President Sara Duterte sa pagkapresidente.
16:3826% naman ang nagsabing iboboto nila si dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Lenny Rubredo.
16:4514% kay Sen. Rafi Tulfo.
16:47Tiguan percent kina DPWH Secretary Vince Dizon at Baguio City Mayor Benji Magalong.
16:53At 0.1% naman kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolás Torre III.
17:01May nabanggit ding mga pangalan na wala sa listahang ibinigay ng Pulse Asia.
17:064% ang undecided.
17:084% ang nagsabing walang susuportahan sa mga nabanggit na kandidato.
17:12At 1% ang tumangging magbigay ng opinion.
17:15Sa tatlong set ng three-way presidential election, nanguna rin si Duterte.
17:22Siya rin ang nanguna sa one-on-one presidential race laban kay Naga City Mayor Rubredo, pati kay Sen. Arisa
17:29Ontiveros.
17:30Sa pito namang nasa listahan para sa pagkabisi presidente, nanguna si Sen. Bongona nakakuha ng 27%.
17:3721% kay Sen. Robin Padilla, tig 14%.
17:42Sina Sen. Bam Aquino at dating Sen. Grace Poe, 9% kay Sen. Irwin Tulfo, 4% kay Sen. Kiko
17:50Panglinan at 0.5% kay Torre.
17:53Gaya sa presidential preference, may pangalan ding nabanggit na wala sa listahan.
17:58Sa 53 posibleng senatorial candidate naman sa eleksyon, sabi ng Pulse Asia, 17 ang may statistical chance na manalo.
18:07Ito ay sina Sen. Robin Padilla, Pasig City Mayor Vico Soto, incumbent Senators Rafi Tulfo, Alan Peter Cayetano at Loren
18:16Legarda,
18:17dating Sen. Manny Pacquiao, Makati City Mayor Nancy Binay, Department of Education Secretary Sonny Angara,
18:24Sen. Mark Villar, broadcaster na si Ben Tulfo, Sen. Jingoy Estrada, television host na si Willie Revillame,
18:32Sen. Cheez Escudero, dating Anak Kalusugan Party List Representative Mike Defensor,
18:38dating Sen. Mar Rojas, Cabinet Secretary at dating Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Benher Abalos,
18:47at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Chief, Operating Officer Mark Lapid.
18:53Kabilang din sa senatorial preferences ang ilang artista, abogado, mamamahayag at politiko.
18:58Sabi ng Pulse Asia, walang grupong nagkomisyon ng ulat ng Bayan Survey na merong plus-minus 2% error margin
19:06at confidence level na 95%.
Comments

Recommended