Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibong balita. Maging disente sa pagkomento.


Hindi lang tagos-buto kung sumipat ang x-ray technician ng isang clinic sa Maynila, vini-video-han niya umano ang mga nagbibihis na pasyente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang tagos buto kung sumipat ang x-ray technician ng isang clinic sa Maynila.
00:06Vinividuhan niya umano ang mga nagbibihis na pasyente.
00:10Nakatutok si Jomer Apresto.
00:15Nag-iwan ng matinding takot para sa empleyado ng Manila City Hall na si Alias Shell
00:20ang sana'y normal lang na pagbisita niya sa isang clinic sa Tondo, Maynila nitong nakaraang lunes.
00:25Ang 27-anyos na biktima, palihim daw na vinividuhan ng isang x-ray technician
00:30habang naguhubad at nagbibihis siya sa loob ng x-ray room.
00:34Sa kwento ni Alias Shell, kailangan niyang magpa-x-ray bilang bahagi ng kanilang annual physical exam
00:38sa clinic na nirefer ng Barangay Health Center.
00:41Habang nagbibihis siya, dito na raw niya nakita ang isang cellphone na nasa ilalim ng lamesa at nakatutok sa kanya.
00:47Doon ako na nervous talaga nanginginig ako, hindi ko alam yung reaction ko.
00:51So kinuha ko po yung cellphone. Pagtingin ko, nakabidyo ako ng 11 minutes po yung 22 seconds.
00:56Nakita ko yung sarili ko, nakaubad ako kung paano ko nagubad, kung paano rin ako nagbihis.
01:01Kinumpronta niya umano ang x-ray technician na mabilis kinuha ang cellphone at sinabing naghang lang ito.
01:06Nangako rin daw ang lalaki na buburahin na lang ang video.
01:09Sa istasyon ng pulis siya, kusang loob umanong ipinakita ng sospek kay Alias Shell ang kanyang cellphone.
01:14Pero habang tinitignan ang biktima kung burado na talaga ang kanyang video, dito na niya napansin na hindi lang pala
01:20siya ang nabiktima ng sospek.
01:22Ang daming video. Lahat talaga na nagpapay-x-ray nandun. Parang nasa 30 to 50.
01:28Puro mga bata siya, puro estudyante. May set up siya. Tapos binabanggit niya ng welcome to my collection. Para siya
01:35nagbo-vlog.
01:36Inamin din daw sa kanya ng isa sa mga empleyado ng klinik na hindi lisensyadong x-ray technician ang sospek.
01:42Sabi niya, radtech student daw yan, mag-e-exam pa lang. So doon ako nang ambalalo. Bakit kayo nag-operate
01:48ng x-ray nang hindi lisensyado yung tao?
01:51Sa isang mensahe na ipinadala sa GMA News ni Dr. Edgar Santos ng Manila Health Department, sinabi niya na wala
01:57pa silang natatanggap na report kaugnay sa nangyari.
01:59Agad daw silang magsasagawa ng investigasyon tungkol dito at aalamin din kung kumpleto ba ang requirements ng nasabing klinik.
02:06Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng klinik. Ayon naman sa polisya, patuloy pa ang kanilang investigasyon at pagkalap ng
02:12mga ebidensya kaugnay sa nangyari.
02:13Magre-request po kami ng application for cybercrime search warrant para po makatulong sa investigasyon po na ito.
02:23Ayon po sa sospek, ang sabi po niya ay siya ay a reliever bilang radtech doon po sa nasabing medical
02:33clinic.
02:34Tumanggi na ba magbigay ng pahayag ang sospek na nainquest na at naharap sa reklamo paglabag sa Antifoto and Video
02:40Voyeurism Act of 2009.
02:42Sinampahan din siya ng paglabag sa Article 172 o ang falsification of documents matapos mapagalaman na peke ang PWDID na
02:50ipinakita niya sa mga otoridad.
02:51Sa oras naman na mapatunayang hindi siya lisensyadong X-ray technician, posible rin siyang maharap sa Radiologic Technology Act of
02:581992.
02:59Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended