Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
NBI Director Atty. Melvin Matibag, sigurado umano na may nakausap na assassin si VP Duterte para ipapaslang ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan | ulat ni Jeremy Piscano

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sigurado si NBI Director Atty. Melvin Matibag na mayroon talagang nakausap na asasin si Vice President Sara Duterte
00:07para ipapaslang ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.
00:10Dahil dito, may tinututukan na umano silang persons of interest na posibleng magbigay ng informasyon tungkol sa banta.
00:17Si Jeremy Piscano sa detalye.
00:22100%
00:24Ganyan kasigurado si National Bureau of Investigation Attorney Director Melvin Matibag
00:29na may nakausap na si Vice President Sara Duterte na asasin
00:33na papatay umano sa Pangulo, unang ginang at dating house speaker
00:38batay sa online conference kung saan isinagawa umano ng vicepresidente ang pagbabanta.
00:44Sa inyo pong professional assessment, anong porsyento, what percentage is the probability na meron ngang nakausap na tao ang vicepresidente?
00:57Base po mismo sa pahayag ng vicepresidente na kasi siguro po na meron kinausap.
01:03Anong percentage po? 70%?
01:05100% po sapagkat siya na mismo ang nagsabi ng kanyang plano na siya ay may kinausap ng papatay at
01:13pumayag yung papatay sa kanilang pag-uusap.
01:15Tinututukan na ng NBI ang ilang person of interest sa patuloy nitong investigasyon sa umanoibanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand
01:23R. Marcos Jr.
01:24na iniugnay kay Vice President Sara Duterte ay kay NBI Director Attorney Melvin Matibag.
01:30May mga lead lang sinusunda ng ahensya at may mga taong maaaring makatulong para matukoy ang pagkakilala ng umano yung
01:38nakausap ng pangalawang Pangulo.
01:40Meron po tayong mga leads natin po sinusundan at katunayan, we already have established persons of interest na maaaring makapagturo
01:49o tumukoy doon sa taong kinausap ng ating vicepresidente
01:52o maaaring isa rito sa tinatawag nating persons of interest ang siyang talagang nakausap ng vicepresidente.
01:59Nilino naman ni Matibag na ang mga persons of interest ay hindi nangangahulugan na sila na agad ang umano yung
02:06nakausap ng vicepresidente sa umano yung assassination plot.
02:10Tumanggi muna magbigay ng karagdagang impormasyon si Matibag dahil patuloy pa umano ang investigasyon.
02:16Pero nauna nang sinabi ng NBI Director sa isang ambush interview noong April 30, nakasamang aktibo at retiradong membro ng
02:25AFP na mga kabilang sa security group ni BP Sara sa mga inimbestigahan ng ayensya.
02:31Samantala, sinabi rin ng NBI Director na sinuro ng Special Task Force ang isang dokumentong iniugnay sa self-confessed former
02:41Double Death Squad member na si Arturo Lascañas.
02:44Ayon sa dokumento, inaproba naman ni Duterte ang anti-drug operation at inutusan ng mga operatiba na kidnapin at ilibing
02:53ang mga target sa halip na barilin upang maiwasan ang atensyon ng media at may turing na lamang silang nawawala.
03:01Paulit-ulit namang tumutul ang depensa sa pagbasa ng dokumento dahil hindi ito permado, walang notaryo at hindi rin naman
03:09ginawa sa ilalim ng panunumpa.
03:11Pero paliwanag ni Matibag na karaniwan sa mga law enforcement agency ang pagsusuri ng mga open source intelligence bilang posibling
03:21leads kahit hindi pa ito ay tinuturing na verifikadong ebidensya.
03:25Inisa-isa rin ni Matibag sa impeachment court ang kakayahan ni Vice President Sara Duterte
03:30para isagawang umano ipagbabantanya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.
03:40Kanina nabanggit ko na yung pagiging kasama sa pagtatatag ng double death squad at alam naman natin kung ano ang
03:46kakayahan ng double death squad na pumatay ng mga tao through AJK.
03:52Ibig sabihin po, pag atin ito ibinilang, kasama po ito sa kapasidad ng ating Vice Presidente na maisagawa po ang
03:59kanyang plano.
03:59Dagdag pa niya, may malawak na network ang Vice Presidente.
04:03Nagmamay-ari rin umano ang Pamilya Duterte ng mga baril, may pilansyal na kapasidad din ang Vice Presidente para isa
04:10katuparan ng pagbabanta,
04:11at meron itong Vice Presidential Security Group na kaya umanong tumugon sa anumang utos ng pangalawang Pangulo.
04:18Ayon pa sa NBI, kabilang sa ginagawang investigasyon ng task force,
04:23ang tuloy-tuloy na surveillance, pagmamonitor ng mga banta sa social media,
04:28pakikipag-ugnain sa mga foreign counterpart,
04:31at technical na pagsusuri sa mga nakalap na ebidensya.
04:35Jeremy Piscano, Para sa Bayan!

Recommended