Skip to playerSkip to main content
- Rider, patay matapos masalpok ng van


- NBI Dir. Matibag: Mga pahayag ni VP Duterte, 'di lang basta banta, kundi aktuwal na plano


- VP Duterte, nasabihan na tungkol sa pagpapa-subpoena sa tax, bank at AMLC records nila ng mister 


- 5 senador, tumutol sa ruling na ipa-subpoena ang financial records ng bise at mister 


- Habagat, nagpabaha sa ilang lugar sa Cebu City


- PBBM, ipinatawag ang Chinese ambassador; Jing Quan, nanindigan sa kanilang bersyon ng tensyon 


- 15-anyos, nagbanta ng karahasan sa isang paaralan online 


- "5 things that are worth your money" ng mga Pinoy 



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Come on!
00:05Come on!
00:05Oh my God!
00:19Isang humaharurot na van ang sumalpok sa motorsiklo sa Santa Barbara, Pangasinan.
00:25Kita sa isang anggolo ng CCTV na tumilapo ng rider pati ang ilang bahagi ng motorsiklo.
00:31Dead on arrival siya sa ospital.
00:33Madaling araw ng Sabado nangyari ang banggaan.
00:36Ayon sa pulisya, batay sa kuha ng CCTV, nagkaproblema ang motorsiklo.
00:42Hawak na ng pulisya ang van driver na sinusubukang kuna ng pahayak.
00:49Day 8 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:53Hindi lang simpleng banta kundi aktwal na plano ang mga pahayag ng bisit sa online press con noong November 2024,
01:00sabi ng testigo ng prosekusyon na si NBI Director Melvin Matibat.
01:05Isiniwalat din niyang may person of interest na sila na maaaring makatulong sa pagkilala sa hitman
01:10na kinausap ang mano ng Vice President.
01:13May report si Ian Cruz.
01:17We already have established persons of interest na maaaring makapagturo o tumukoy dun sa taong kinausap ng ating vicepresidente.
01:26Ang tinutukoy ni NBI Director Melvin Matibag na huling testigo ng prosekusyon sa impeachment article 4
01:33ay ang sinasabing hitman na nakontrata na ni Vice President Sara Duterte para patayin ang Pangulo,
01:40unang ginang at dating speaker sakaling patayin siya.
01:44Itong persons of interest kasama sa pagpaplano at inamin sa inyo na merong pagpaplanong ginagawa para pumatay?
01:52Meron po silang impormasyon na magtuturo po dito sa pagpaplanong ito.
01:55Hindi sila yung kasama sa pagpaplanong pumatay?
01:58Sa ngayon po, dun po sa iba persons of interest meron po kami kinukonsidera dun na maaaring siya po ang
02:07kausap mismo ng vicepresidente.
02:08May anong ebedensya?
02:10Tumanggi na si Matibag na isa publiko ang mga sinasabing persons of interest alang-alang sa nagpapatuloy na imbisigasyon
02:17at proteksyon sa kanilang mga ahente at impormante.
02:21Pero batay sa kanilang obserbasyon, hindi nalang basta simpleng banta ang pahayag ng vice noong November 2024,
02:29kundi isa na aktwal na plano.
02:31Kaya naman itong April 16, lumikharaw ang NBI ng Special Task Force para tumutok sa imbisigasyon.
02:39Ipinunto rin ang prosekusyon ang umanoy pattern of violence, hindi lang sa mga pahayag ng vice,
02:45kundi pati ng iba pang miyembro ng pamilya Duterte.
02:49Gusto ko tanggalin yung ulo niya ba?
02:56Isang ulo lang naman ang kailangan namin, ang ulo ni Bongbong Marcos!
03:01Anong koneksyon kung mayroon man ang video ni Mayor Sebastian Duterte
03:08at ang video ni Vice President Sara Duterte sa kasalukuyang imbisigasyon ng Special Task Force?
03:17Kapansin-pansin po na makikita natin na nanggagaling sa isang pamilya ang pagbabanta sa ating Pangulo
03:24at parehas na nag-reper sa ulo ng Pangulo.
03:28Kung kaya naman iniisip po ba namin kung meron bang kasabwat o may sabwatan sa pangyayaring ito?
03:34Ipinalabas din sa impeachment court ang video ng paninuntok ng vice sa isang sheriff noong Mayor Pasha ng Davao noong
03:442011.
03:45Nanindigan si Matibag, hindi lang panakot sa Pangulo ang nakikita nila.
03:50Banta rin ito sa pambansang siguridad dahil saan niya'y network ng vice at ama nitong dating presidente.
03:57Iri sa kinetic force na kung saan yung mga nakarinig na kanyang pababanta ay gumagaya na rin at nagbabanta.
04:04Lalong-lalo na sila ay nabibilang sa isang pamilya.
04:09Isinaalang-alang din daw ng NBI ang aniyay Open Source Intel na dokumento ni Arturo Lascañas,
04:17ang nagpakilalang dating kasama sa Davao Death Squad
04:21at isa sa mga testigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
04:27Piniaga ng korte na basahin ang bahagi ng salaysay ni Lascañas kahit tutulang depensa
04:33dahil anila hindi pirmado at hindi notarized ang affidavit.
04:38Tinawag din ang depensa na hearsay, sabi-sabi,
04:42masyado pang maaga o premature at trial by publicity ang mga pahayag ni Matibag.
04:48Isn't that a trial by publicity?
04:51Hindi po, sabagkat kaya nga po namin hindi nilalabas yung aming mga confidential at secret investigation.
04:58Lamang nga po, tayo'y pinatitistigo rito.
05:01Kung hindi nyo pa po pala kayang magbigay ng detalye,
05:04bakit nyo pa po nilabas na may leads kayo in the first place?
05:07Sagot ni Matibag, ongoing pa ang investigasyon.
05:11Sa kabila po ng pagtistigo po ninyo ngayong araw,
05:14inaamin nyo ba na wala kayong personal na kaalaman sa nangyaring investigation starting November 23, 2024?
05:21Malinaw naman po yun. At ang Korte po, I can take judicial notice of the fact
05:25na hindi pa po ako NBI director nung panahon na yun.
05:27If not based on personal knowledge, then that is hearsay.
05:31I'm trying to look for the Filipino term for hearsay.
05:35Ano ba yung hearsay sa Tagalog? Sabi-sabi or chismis?
05:39Entries in official records are considered as prima facie evidence of the contents thereof.
05:47And thus, it's exactly the basis of the witness in answering the question of the defense.
05:53Nilabas din ng depensa ang partisipasyon ng misis ng testigo
05:57na si Laguna First District Representative Maria Rene Ann Lourdes Garcia Matibag sa impeachment.
06:04I think he's going to the position if my wife endorses the article of impeachment
06:08so that we save time and it's on record, it's a matter of public notice.
06:14Yes, my wife is one of the endorsers of the impeachment.
06:18Mag-aala sa is ng gabi, nagsimula ang interjection ng Senator Judges
06:23pero nahinturin dahil kulang na sa oras.
06:25Ian Cruz, GMA News.
06:28Nasa The Hague, Netherlands ngayon si Vice President Sara Duterte.
06:32Pero nakausar raw siya ni Defense Team Spokesperson Attorney Michael Poa
06:36kaugnay sa pagpabor ng Senate Impeachment Court
06:39na ipasabpina ang ilang tax, bank at iba pang financial record niya at kanyang mister.
06:45Tugon daw ng bise, alam naman daw nilang mga abogado ang kanilang gagawin.
06:49Sa isang pahayag, kinumpirma ng Office of the Vice President
06:52na umalis ng bansa ang bise para sa isang overseas trip.
06:56Bukod sa Netherlands, magtutungo rin daw siya sa Qatar at United Kingdom.
07:01Pagdidiin ng OVP, walang ginamit na pondo ng gobyerno sa biyahe.
07:06Kunisyo naman ni Davao City First District Representative Paulo Duterte ang sabpina.
07:10Sa kanyang pahayag na nasa lingwaheng Visaya at isinalin ng GMA News,
07:14tanong ng Kongresist ng Duterte sa prosekusyon,
07:17na wala, nakalimutan, o ngayon lang ba naisip na kailangan ang mga naturang dokumento?
07:22Kung kompleto na ang Articles of Impeachment na ay naprubahan sa Kamara,
07:27bakit anya ngayon lang nagaanap ng papeles na dapat daw ay matagal lang hawak ng prosekusyon?
07:32Baka raw hindi ang dokumento ang kulang, kundi ang mismong kaso laban sa bise.
07:37Sagot naman ni House Prosecutor Congressman Shell Jokno,
07:40wala sa trabaho ng prosekusyon na halongkati ng ebidensya dahil nasa kamay ng Senado ang paglilitis.
07:47Anya sa Senate Impeachment Court ang panahon para magpresenta ng ebidensya
07:52at kasama dyan ang pagpapasabpina para sa mga naturang ebidensya.
07:58Limang Senador ang tumutol sa ruling ng Senate Impeachment Court
08:02kaugnay sa pagpapasabpina sa bank records
08:05at tax accounts ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio.
08:11Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Attorney Reggie Tongol,
08:14tumutol si na Sen. Judge Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Aimee Marcos, Loren Legarda at Camille Villar.
08:22Base raw ito sa kanyang kanilang manifestations ng mga Senador.
08:28Lilinawin pa ni Tongol kung kasama sa pagtuto si Sen. Bonggo.
08:32Sagot naman ni Tongol kung maya pala ang ruling ng presiding officer.
08:37The period of appeal po, tapos na po yun.
08:40Upon the resolution, usually ginagawa po yun.
08:44And usually it's the Sen. judges who appeal the resolution of the presiding officer.
08:49Now the parties, tama yung depensa na walang nakalagay,
08:52na pwede mag-motion for reconsideration po.
08:54At kung hindi po inilalagay yung recourse na yun, then they have to find another recourse in the supultory rules
09:03of court regarding the issuance of the subpina.
09:08Mas tumasang chance na maging bagyo sa susunod na 24 oras ang low pressure area na binabantayan ng pag-asa.
09:15Kung sakali, tatawagan itong bagyong kiyapo.
09:18Ayon sa pag-asa, posible yung pumasok sa Philippine Area of Responsibility bukas o sa miyerkulis.
09:24Hindi pa manaramdam ang epekto nito, binahanang ilang bahagi ng Cebu dahil sa habagat.
09:29May report si Marizo Mali.
09:34Mistulang ilog dahil sa baha ang kalsadang ito sa barangay Sapangdaco, Cebu City.
09:42Umapawang sapa roon dahil sa malakas na ulan.
09:46Bumaha rin sa MJ Cuenco Avenue.
09:48Isang lalaki ang lumusong sa baha para alisin ang mga basurang bumara sa drainage.
09:54Sa gitna ng baha, ilang residente ang stranded.
09:59Tinulungan sila ng mga bumbero.
10:02Bumaha rin sa ilang bahagi ng Mandawes City.
10:05Nahirapan ang mga motorista.
10:07Ayon sa Mandawes City LGU, nasa 55% na ang progress ng proyektong drainage system ng lungsod.
10:13Hangyong man natong DP na kumahimu within the year, masulubad na natin.
10:18Again, manager expectation lang yun ta.
10:20Kung karoon, hindi yun magian, mas paspas lang mong subside ang kining floodwater.
10:25Patuloy rin ang nila ang declogging na engineering team.
10:29Ilang lugar sa Talisay City ang binaharin kahapon.
10:32Paghupa ng baha, agad nagtanggal ng bara sa drainage ang mga otoridad.
10:36Ayon sa pag-asa, habagat ang nagpaulan sa Central Visayas.
10:42Bumuhos din ang ulan ngayong hapon sa Metro Manila.
10:45Animo'y bumagyo sa Fairview, Quezon City. Hanggang gutter ang baha sa ilang kalsada.
10:51Ayon sa pag-asa, apektado ng localized thunderstorms sa Metro Manila.
10:55July 20, 2026.
10:58Ngayon na po yung kalagayan dito sa dike. Tuyot na.
11:04Pero problema sa Bulacan ang kakapusan ng tubig ulan.
11:07Yan, nasa gilid na yan. Puro putik na yan.
11:11Sa kuha kahapon ng taga-anggat na si Dehaño Timbol, tuyot na ang bahagi na Anggat Dam Reservoir.
11:18Ngayon ko lang po naranasan yung ganitong bumaba ang dam.
11:22Dati-dati hindi po ganito yung dam.
11:26Ngayong araw, sumadsad pa sa 152.20 meters ang tubig sa Anggat.
11:30Record low ayon sa pag-asa Hydro Meteorology Division.
11:34Sa record namin, ito na po yung pinaka-lowest na elevation na 152.
11:42Maaring pag hindi pa umula ng mga ilang araw, bababa po po yan.
11:48At yun na yung pinaka-sa monitoring namin, yun na po yung pinaka-lowest elevation na Anggat.
11:55Mariz Omali, GMA News.
11:57Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na Commander-in-Chief
12:01at ang bagong upong hepe ng ating militarang kumundi na sa bagong sigalot sa dagat
12:05na ang magsagupa sa Ayungin Show ng ating mga sundalo at mga tropa ng China Coast Guard.
12:11Ipinatawag ng Pangulo ang Ambassador ng China na nanindigan sa kanilang versyon ng nangyaring tensyon.
12:17May report si Katrina Son.
12:21Hindi lang basta sa gitna ng West Philippine Sea nangyari ang hampasan na ito
12:26ng mga sundalo ng Philippine Navy at mga tauhan ng China Coast Guard kahapon.
12:35Dahil matay sa mga bagong video ng AFP na inilabas ngayong araw,
12:39malapit lang ang bangka ng mga Chino o sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
12:44Sabi ng AFP, pilit na dinidikita ng mga Chino ang BRP Sierra Madre
12:49kaya nagdeploy ang Philippine Navy ng dalawang rubber boats para itaboy sila.
12:53Giit ng AFP, kalmado ang pagpapaalis at hindi ng hamo ng ating Navy personnel.
13:03Ang mga tauhan ng China Coast Guard, kitang may hawak na baton, nanduduro at naninigaw.
13:20Paglapit ng isang rubber boat ng Pilipinas, isang Chinong Coast Guard ang akmang mga hampas.
13:27Pinilabas ng AFP ang mga bagong video para kontrahin ang berasyon ng Chinese Embassy sa Tensyon
13:33na mga sundalong Pilipino ang nanghamo ng away at naunang nanakit.
13:38Naglabas pa ng mga video ang embahada.
13:40What they are showing is a spliced or incomplete version of the video.
13:44If they show the full context of the video that they took, it will be incriminate against them.
13:49Ang BRP Sierra Madre ay nagsisirbing outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na nasa loob ng ating 200 nautical mile
13:57exclusive economic zone.
13:58Ayon sa AFP, unlawful intrusion ang paglapit ng China Coast Guard sa lugar na may sovereign rights ang Pilipinas.
14:06Ang ganitong pangyayari, this is because of the illegal presence in our maritime zones.
14:13So long as they are there illegally, the potential for any coercive and aggressive action will always be there to
14:19include the deceptive messaging.
14:22Ayon sa Philippine Coast Guard, nagpatupad din ang blocking maneuvers ang kanilang Chinese counterpart habang in-evacuate nila ang dalawang
14:30sundalong sugatan sa komprontasyon.
14:32The only violent act and barbaric act na ginawa dito is the China Coast Guard hitting directly the head of
14:39our personnel from the armed forces of the Philippines.
14:42Pero maging dyan, may bersyon ng China.
14:45Pinayagan daw nila ang pag-transport sa mga sugatang Pinoy mula sa tinawag nilang illegally grounded na BRP Sierra Madre
14:53dahil sa anilay humanitarian considerations.
14:56Ang mismong commander-in-chief ng ating militar pumalag sa panibagong sigalot sa dagat.
15:02Kinukondi na po ng Pangulo ang mga ganitong klaseng pangyayari.
15:05Hindi po talaga katanggap-tanggap itong nangyayari sa pagitan po ng bansada po natin at ng China.
15:13Ngayong araw, ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang Chinese ambassador.
15:17Hindi idinitalye ni Palace Press Officer Yusek Claire Castro kung ano ang kanilang pinag-usapan.
15:23Dahil anya, may kinalaman ito sa national security.
15:27Magbabahagi raw sila ng impormasyon kung papayagan.
15:30Your soldiers, they're building some kind of barrier nets and they're doing some kind of construction work in the ship.
15:39So we sent two boats to check what happened.
15:43Then they sent boats and people to challenge us, ask us to leave, you know, to provoke or something.
15:51Then something happened.
15:52So that's, you know, the whole story.
15:56Ang bagong upong hepet ng AFP na si General Antonio Nafarete, tiniyak na hindi mangingimi ang AFP sa pagtatanggol sa
16:05teritoryo ng Pilipinas.
16:07We have to stand our ground, atin yan.
16:12Rest assured that we will also do our jobs.
16:17And I think they're ready for it.
16:19We have our rules of engagement also there.
16:22Katrina Son, GMA News.
16:26Isang esudyante ang nagbanta ng karasan sa kanilang paaralan sa Pangasinan.
16:31Ako ay isang armado na kabilang sa grupo nila.
16:34Binabalaan ko lahat ng mga esudyante sa Rosales National High School na kung ayon yung madamay, huwag kayong pumasok.
16:42Natukoy ng pulisya ang 15-anyos na esudyante sa video.
16:46Tumaba sa kanilang imbisigasyon na katuwaan at nakikiuso ang binatilyo.
16:51Na-recover sa kanyang isang pellet gun at baseball bat.
16:55Hawak na ng pulisya ang esudyante at isasailalim sa intervention ng DSWD.
17:00Naging maayos naman ang sitwasyon sa paaralan.
17:03Sinusubukan pang kuhanan ng pahayag ang mga magulang ng esudyante, pati na ang pamunuan ng eskwelahan.
17:12Parang di na umuubra ngayon ang kasabihang money can't buy happiness.
17:16Dahil ng ilang Pinoy, di nangihinayang gumastos para sa ikasasaya at ikauunlad ng sarili.
17:22Narito ang 5 things that are worth your money ng mga Pinoy sa report ni Katrina Son.
17:31Hindi nga naman napupulot ang pera, kaya bawat 5, mahalaga.
17:36Sa 2023 Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority,
17:41lumabas ang mga pangunahing ginagastusan ng mga pamilyang Pinoy.
17:45Ito ang top 5.
17:47Una, pagkain at inumin.
17:50Pangalawa, gastos sa bahay kasama ang mga bills sa kuryente, tubig, pati LPG.
17:55Pangatlo ang gastusin sa transportasyon, gaya ng pamasahe, petrolyo at maintenance ng sasakyan.
18:03Pangapat, miscellaneous activities.
18:06At padlima, information and communication, gaya ng internet connection.
18:10Sa TikTok trending ngayon ang tanong kung ano ang 5 things that are worth your money
18:15o limang bagay na hindi nakakahinayang nagastusan.
18:18Things worth your money.
18:20Number one, airplane tickets.
18:22Number two, guys, lucky cut.
18:28Gym membership.
18:29Number four, yung mga herb plants na makikita mo sa grocery.
18:32Supplements.
18:33Number one, physical books.
18:36Number two, watches for exercising.
18:39Number three, night.
18:42Number four, sunblock.
18:44Number five, gym membership.
18:45Tinanong din namin iyan sa ilang ordinaryong Pinoy.
18:49Number one, since kakakailan namin, shoyu ramen from the restaurant that I love.
18:54Number two, pickleball paddle.
18:57Number three, shoes definitely.
19:00Number four, a good backpack.
19:03And number five, coin pairs.
19:06Yung one po nung anak ko is bike.
19:10Second is yung running shoes po.
19:12Kasi po, ginagamit ko rin po panjaging.
19:15Yung third po is yung parang, ano po, parang DIY gym sa bahay.
19:23Fourth is yung, ano po, food.
19:28Food po para po sa pamilya.
19:31Then, pip is house and lot.
19:33Para po sa pamilya ulit.
19:35Siyempre, bahay, kotse.
19:37Tapos, yung makapag-vacation sa Boracay.
19:42Tapos, siyempre, yung pag-aaral ng mga kapatid ko.
19:48Then, last yung business ng mother ko.
19:50Ayon sa isang financial advisor, hindi nakapagtataka ang iba-ibang sagot ng ilan.
19:56Nakikita niya itong refleksyon ng nagbabagong pananaw ng mga Pilipino at paggastos at pagpapahalaga sa kanilang kita.
20:03I think, nararamdaman din talaga ng maraming Pilipino yung pagtaas ng income.
20:08At kaakibat niyan ay ang pagkakaroon ng iba't-ibang mga kagustuhan.
20:14Yan yung sinasabi natin ng mga life goals.
20:16Factor din ang niya kung nasa ang life stage na ang mga Pinoy.
20:21Meron yung mga magre-retiro na, mayroon naman yung mga kakagraduate pa lang,
20:26mayroon naman yung may nesting.
20:29Ibig sabihin, parang nagbumubuo ng pamilya.
20:33Kakapanganak lang, kakakasal.
20:35Dagdag ng eksperto, uso sa panahon ngayon ang kaisipang YOLO,
20:40or you only live once, na naniniwalang mas mainam.
20:44I-enjoy ngayon ang pinaghihirapang pera.
20:46Pero hindi pa rin nawawala ang mga team Yago.
20:50Or you also grow old, or nag-iipon para handa sa hinaharap.
20:54There should be a synergy between YOLO and Yago.
20:59At ang tawag ko dyan ay BOLO, Balance of Luxuries and Obligations.
21:05Katrina Son, Jimmy News.
21:09At yan ang mga baritang dapat niyong malaman.
21:11Ito ang GMA News.
21:13Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
21:15Noon at ngayon, serbisyong totoo.
21:17Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended