Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang isang senior citizen matapos mabanggan ang jeep habang tumatawid sa Quirino Avenue sa Maynila.
00:06Ayon sa mga otoridad, hindi tawiran ng tao ang bahaging tinawiran ng biktima.
00:11Balita ng atid ni Jamie Santos.
00:16Sa CCTV footage na ito, makikita ang isang senior citizen na naglalakad sa sidewalk ng President Quirino Avenue sa Pandacan,
00:24Maynila, pasado alas 10 ng umaga nitong Sabado.
00:27Nang makitang maluwag na ang daloy ng trapiko, sa kanya dahan-dahang tinawid ang kalsada.
00:33Sa isa pang CCTV footage, makikita ang ilang hakbang na lamang sana ang layo ng babae sa kabilang sidewalk ng
00:40mabangga siya ng pampasaherong jeep.
00:43Ang kahabaan ng President Quirino Avenue ay kukonsidered po natin na talagang may kabilisan ang mga sasakyan dyan dahil po
00:50yan ay Avenue.
00:51Ang ating biktima na hindi pa natin nakikilala ang pangalan, unidentified pa.
00:58Tumatawid puntang Plaza Dilaw.
01:01Ang pagtawid niya naman ay basa sa CCTV natin na may kabagalan naman ng pagtawid ng ating biktima.
01:08Batay sa investigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, hindi pedestrian crossing ang bahaging tinawiran ng biktima.
01:16Ang pagtawid ng babae o yung ating biktima, talagang blind spot po yung dating dahil nga po yan po hindi
01:27po talaga tawiran ng mga tao.
01:29Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapo ng biktima at nagtamo ng matitinding pinsala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.
01:37Isinugod pa siya sa ospital, ngunit idiniklarang dead on arrival.
01:42Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikilala ang nasawing babae at wala pa raw nagkiklaim sa kanyang bangkay.
01:48Nakikipagtulungan naman daw sa imbistigasyon ng jeepney driver at operator nito.
01:52Ayon sa mga otoridad, nagpahayag din ang operator ng kahandaang saguti ng gastusin sa pagpapalibing ng biktima sa oras na
02:00matukoy ang kanyang mga kaanak.
02:02Nasampahan na rin ang kasong reckless imprudence resulting in homicide ng jeepney driver.
02:07Nakitumanggi magbigay ng pahayag.
02:09Patuloy ang panawagan ng Manila District Traffic Enforcement Unit sa sino mang may impormasyon o nakakakilala sa nasawing babae
02:17Kami po'y nananawagan, sino mo po ang nakakilala sa ating biktima ng nangyari ng insidente.
02:25At ito po, base po sa barangay na aming pinagtanungan, ito po yung street dweller na palagi po dumaraan doon
02:35sa pinangyarihan ng insidente.
02:37Ang last po na suot nito ay floral na blouse at nakamaong na pantalon.
02:44Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended