00:00Patay ang isang senior citizen matapos mabanggan ng jeep habang tumatawid sa President Quirino Avenue sa Maynila.
00:07Ayon sa mga aturidad, isang blind spot ang tinawiraan ng biktima.
00:11May unang balita si Jamie Santos.
00:17Sa CCTV footage na ito, makikita ang isang senior citizen na naglalakad sa sidewalk ng President Quirino Avenue sa Pandakan,
00:25Maynila,
00:26pasado alas 10 ng umaga nitong Sabado.
00:28Nang makitang maluwag na ang daloy ng trapiko, sa kanya dahan-dahang tinawid ang kalsada.
00:34Sa isa pang CCTV footage, makikita ang ilang hakbang na lamang sana ang layo ng babae sa kabilang sidewalk ng
00:41mabangga siya ng pampasaherong jeep.
00:43Ang kahabaan ng President Quirino Avenue ay kukonsidered po natin na talagang may kabilisan ang mga sasakyan dyan dahil po
00:51yan ay Avenue.
00:51Ang ating biktima na hindi pa natin nakikilala ang pangalan, unidentified pa.
00:58Tumatawid, puntang Plaza Dilaw.
01:02Ang pagtawid niya naman ay basa sa CCTV natin na may kabagalan naman ng pagtawid ng ating biktima.
01:09Batay sa imbistigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, hindi pedestrian crossing ang bahaging tinawiran ng biktima.
01:16Ang pagtawid ng babae o yung ating biktima, talagang blind spot po yung dating dahil nga po yan po hindi
01:28po talaga tawiran ng mga tao.
01:30Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumila po ng biktima at nagtamo ng matitinding pinsala sa iba't ibang bahagi ng kanyang
01:37katawan.
01:38Isinugod pa siya sa ospital, ngunit idiniklar ang dead on arrival.
01:42Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikilala ang nasawing babae at wala pa rin nagkiklaim sa kanyang bangkay.
01:48Nakikipagtulungan naman daw sa imbistigasyon ng jeepney driver at operator nito.
01:52Ayon sa mga otoridad, nagpahayag din ang operator ng kahandaang saguti ng gastusin sa pagpapalibing ng biktima sa oras na
02:00matukoy ang kanyang mga kaanak.
02:02Nasampahan na rin ang kasong reckless imprudence resulting in homicide ng jeepney driver.
02:07Ang jeepney driver, tumanggit magbigay ng pahayag.
02:11Patuloy ang panawagan ng Manila District Traffic Enforcement Unit sa sino mang may impormasyon o nakakakilala sa nasawing babae.
02:18Kami po'y nananawagan, sino mo po ang nakakilala sa ating biktima ng nangyari ng insidente.
02:27At ito po, base po sa barangay na aming pinagtanungan, ito po yung street dweller na palagi po dumaraan doon
02:36sa pinangyarihan ng insidente.
02:38Ang last po na suot nito ay floral na blouse at nakamaong na pantalon.
02:45Ito ang unang balita. Jamie Santos, Jemay News.
Comments