00:00Natangayan ng cellphone ng 18-anyos na estudyante sa loob ng isang subdivision sa Pasig City.
00:05Ang isa sa dalawang suspect arestado.
00:08Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:13Sa kuha ng CCTV, kitang nilapitan ng dalawang lalaki ang 18-anyos na babaeng estudyante
00:20sa isang subdivision sa barangay Pinagbuhatan, Pasig, pasado alas 9 ng gabi noong Martes.
00:26Pilit hinablot ng mga lalaki ang cellphone ng babae.
00:30Nagpumiglas ang biktima pero nakuha pa rin ang cellphone na nagkakahalaga ng 27,000 pesos.
00:36Sinubukan niyang habuli ng mga lalaki pero nakatakas na sila.
00:40Agad nagsumbong ang biktima sa barangay kung saan nakilala ang isa sa mga sospek
00:45na edad 21-anyos na taga-barangay Pinagbuhatan din.
00:49Actually, familiar sa amin eh kasi laging may involvement to sa mga gulo eh.
00:55So, nakonfirm din doon sa baba, doon sa complainant.
01:02Kaya nak-identify na namin.
01:05Ditong Sabado, naaktuhan ng mga nag-iikot na pulis ang sospek
01:10na may binibentahan naman doon ng iligal na droga kaya inaresto siya.
01:14Noong nagkaroon ng offline galugad, na-chempohan naman o mga kapulisan natin doon sa Kaliwag Street
01:20kung saan doon siya nahuli.
01:22Nakonfirm nila na nagtatransaksyon sila doon sa droga.
01:26Target umana ng sospek at kasamahan ang mga estudyante.
01:30Nakumpis ka sa kanyang isang sachet ng hinihinalang shabu at pera.
01:35Hirap naman ngayon ang biktima dahil ginagamit niya sa pag-aaral ang nanakaw na cellphone,
01:39lalo't sunod-sunod ang online classes dulot ng masamang panahon.
01:43Tromatic siya sa akin. Hirap na ako lumabas. Hirap ako matulog. Palagi ako nag-iisip.
01:48Na-apekto na talaga ako nito, lalo na sa akademis ko.
01:51Desidido ang biktima na magsampan ang reklamong robbery laban sa naarestong sospek
01:56at kanyang kasabwat na tinutugis pa.
01:59Nakakulong sa Pasig City Police Cusodial Facility ang sospek
02:02na naharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
02:08Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
02:11Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.