Skip to playerSkip to main content
Dahil sa nagpatuloy na namang gulo sa pagitan ng Amerika at Iran, big-time ang nakaambang taas-presyo sa diesel.


Mahigit P10 ang inaasahan sa diesel at kerosene, habang P4 naman ang posibleng dagdag sa gasolina.


Ayon sa Department of Energy, posible pa iyang tumaas pagkatapos ng trading day ngayong araw.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa nagpatuloy na namang gulo sa pagitan ng Amerika at Iran,
00:04big time ang nakaambang task presyo sa diesel.
00:08May 10 piso ang inaasahan sa diesel at kerosene,
00:11habang 4 piso naman ang posibleng dagdag sa gasolina.
00:16At ayon sa Department of Energy,
00:18posibleng pa yang tumaas pagkatapos ng trading day ngayong araw.
00:23Nagbabalik si Rafi Tima.
00:28Tatlong buwan pa lang mula ng bahagyang bumaba ang presyo ng langis,
00:31bunsod ng ceasefire sa gera sa pagitan ng Amerika at Iran.
00:34Pero ayon sa Department of Energy,
00:36maghanda sa muling pagsipa sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:40Ang inaasahan nun natin, kahit apat na araw pa lang ang dumadaan dun sa trading,
00:48prices na compute natin,
00:51ang gasolina will range an increase of 3 to 4 pesos per liter.
00:57Diesel would be 10 to 11 pesos.
01:00Kerosene would be 11 to 12 pesos.
01:04Posibleng pa rin itong tumaas pagkatapos ng trading day ngayong araw.
01:07Ang dahilan, ang muling pagsiklab ng missile attack sa pagitan ng Amerika at Iran.
01:11Well, napakalaki ho.
01:13For example, ang diesel na lang,
01:15ang itinaas ho ng average of the 5-day trading last week
01:20versus these 4 days this week,
01:24ay umaabot ho ng 23 US dollar.
01:27Yun ho, kalaki ang itinaas.
01:30In a matter of 4 days.
01:31And the reason for the recent strikes over the course of the last several days
01:35is because Iran violated the memorandum of understanding that we struck with them.
01:43Ayon sa US Central Command,
01:44ang bagong bugso ng mga pag-atake
01:46ay para pahinain ang kakayahan ng Iranian military.
01:50Anim na gabi na rin daw itong tuloy-tuloy
01:52kung saan kabilang pa sa kadalang pinuntiriya ang ilang tulay sa Iran.
01:56Sa kabila ng tensyon,
01:57iginit ng Amerika na nananatiling bukas ang Strait of Hormuz
02:01sa mga barkong hindi bibiyahe papunta o galing sa Iranian ports.
02:04Naroon din daw ang US Navy para tiyakin yan.
02:07Pero apektado pa rin ang presyo ng world crude prices.
02:12Dahil sa hindi pa rin matapos-tapos na krisis,
02:14tuloy pa rin daw ang programa ng gobyerno
02:15para matulungan ng mga sektor
02:17na direktang apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
02:20Kanina na nagkaroon ng alignment meeting yung DOA, LTFRB, Land Bank at Office of the Executive Secretary,
02:30wala hong policy direction na ihinto yan, tuloy-tuloy pa rin ho yan.
02:35At mas lalo na hong kailangan yan.
02:37Ngayon na bumabalik ulit tayo sa 80 to 90 peso per liter na range.
02:43Ang taxi driver na si Mang Jimmy hindi na raw umaasa sa ayuda.
02:47Wala nga daw siyang nakuha noong mamigay ang gobyerno nito.
02:50Sa linggong na sa 70 piso pa lang ang kada litro ng gasolina,
02:54hirap na raw siyang magbayad ng boundary sa kanyang taxi.
02:57Paano na lang daw pag tumaas pa ito sa susunod na linggo?
03:00Sa pagtaas ng gasolina, pati kami hindi na nakaka-boundary.
03:04Minsan, dalawang beses na isang linggo lang nakaka-boundary.
03:07Magkano na yun ang nauuwi niyo sa pamilya?
03:09Ay, nauuwi sa pamilya na lang tatlong daan.
03:11Kasi kumakain pa kami sa labas.
03:14Kaya nangyayari, parang hindi na kayang buhay ng pamilya.
03:18Bukod sa mga driver sa bansa na lubang apektado ng kaguluan sa Middle East,
03:22may git 3,000 Filipino seafarers ang direktang apektado
03:25na hindi pa rin matapos-tapos na gulo sa pagitan ng Amerika at Iran.
03:28Ayon kay Migrant Worker Secretary Hans Katdag,
03:31wala naman sa panganibang mga ito pero hindi lang makaalis ng Persian Gulf.
03:36Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended