Iniimbestigahan na ng iba’t ibang ahensiya ang pagkamatay ng isang estudyanteng 8-anyos sa Trece Martires, Cavite, kasunod ng isinagawang deworming sa kanilang eskwelahan.
Sa kabila ng nangyari at sa gitna ng pangamba ng mga magulang, itutuloy pa rin ng Department of Health at ng Department of Education ang kanilang deworming program sa mga pampublikong eskwelahan. Ayon sa DOH, ligtas at wala umanong dapat ikabahala sa deworming.
Ano ba ang deworming at ano ang epekto nito sa katawan ng tao? ‘Yan at iba pang impormasyon tungkol sa pagpupurga, alamin sa video!
Comments