00:00Mga kapuso, usap-usapan na naman po ngayon ang deworming o yung pagpupurga.
00:07Isang grade 4 student po kasi ang namatay dahil sa septic shock.
00:10Kasunod ng isang deworming activity na isinagawa sa kanilang paaralan sa 13 Martires, Cavite.
00:16Marami po ngayon na nagtatanong tungkol sa pagpupurga o deworming, lalo na sa ating mga anak.
00:21At ngayong National Deworming Month pa naman, yan po ang ikukonsulta natin dito sa US Clinic.
00:28At ngayong umaga, mga kasama po natin, Dr. Andrew Vicencio,
00:32fellow mula sa Philippine Pediatric Society at training officer ng Department of Pediatrics ng Makati Medical Center.
00:38Dr. Andrew, welcome. Good morning.
00:40Good morning po, Ivan. Good morning, Ma'am Susan.
00:42Good morning, Doc.
00:43Doc, simulan natin itong konsultasyon sa nangyari po, malungkot na ang pangyayari sa isang paaralan sa Cavite.
00:50Posible nga ba maging sanhinang pagkamatay ang pagpupurga?
00:53Sa kaso po ito, septic shock yung sinasabing dahilan.
00:57Pero yan daw po ay matapos uminom ng pampapurga.
01:00Ano po ang nangyari kaya, Doc?
01:02Generally speaking, kasi Ma'am Susan and Ivan,
01:05yung mga gamot na ginagamit natin pampurga tulad ng albendazol at mebendazol,
01:09they have a very high safety profile.
01:11Ibig sabihin, very rare yung mga nakaka-experience ng tiyatawag nating mga side effects.
01:15Much more yung pagkamatay.
01:17So, kailangan siguro i-sabihin natin sa mga magulang na safe ang pampupurga.
01:22Kaya lang may mga pagkakataon na kung mali ang dose na naibigay,
01:27or di kaya naman ay kung may sakit yung bata to begin with at nabigyan ng pampupurga.
01:32Yung pampurga itself is nagdadagdag ng stress doon po sa bata,
01:37at maaaring magpalala doon sa kanyang sakit.
01:40Nabagid niyo po yung dose, Doc, Susan.
01:41Kasi ang sabi nung magulang, yun ang hinala nila, baka na-overdose.
01:47Pusibli ho kaya gano'n na hindi tama yung naibigay na sa bata?
01:50In dosage?
01:51Ang dosage po kasi na ginagamit sa mass deworming is by age group.
01:55So, minsan kung nandun naman po siya doon sa bracket na yun,
01:59lahat po ng bata na nabibigyan ng same dosage.
02:03Pero siyempre iba-ibang reaction depende sa katawan.
02:05Tama po, kung baka maliit yung bata.
02:08So, dapat po nasi-screen ng maayos.
02:10Oo, Doc, mali ba nudo sa namatay,
02:12may iba pang estudyante na nagkaroon daw ng adverse effects
02:14matapos yung deworming activity.
02:16Ano ba yung mga side effects na pwedeng maranasan
02:19kapag uminom ng papapurga para masabi nung bata sa kanilang mga magulang
02:25at magawa ng magulang yung mga dapat na aksyon?
02:28Ano ba yung pwedeng ma-anticipate natin na reaksyon ng katawan?
02:31Ano ba tama yung sinabi ni Ivan kanina?
02:33Parang lahat naman ng gamot, mayroong side effects.
02:36Kahit nga po paracetamol, para sa lagnat,
02:38pwede yan magkaroon ng side effects.
02:39Okay, okay.
02:40Malas na nga lang minsan na yung bata ay natataunan
02:44kung siya ay magde-develop ng side effects.
02:46So, ang mga side effects po na pwede nating bantayan sa pagpupurga is
02:52yung iba ay nagde-develop ng allergy sa gamot mismo.
02:57Namamantal po yung bata.
02:58Okay.
02:59Pwede po sila mag-develop ng abdominal pain, sakit ng chan, vomiting, diarrhea, at erratic migration of worms.
03:06Pag pinatay mo yung worms, gumagalaw yung worms at lumalabas saan saan bahagi.
03:11Sa bibig, sa ilong.
03:13So, pwede pong mangyari yun.
03:14So, yun po yung mga usual side effects na maaaring mangyari.
03:17So, dapat pag nakita ng magulang na may ganun, after the de-warming, dali na po sa doktor?
03:23Usually, within 10 to 12 hours po.
03:24Kasi yun yung tinatawag nating half-life ng gamot.
03:27So, dapat within that period, maka-experience po sila ng side effects at bantayan na po
03:31kung sila ay nagpapakita na ng sintomas ng mga side effects na yun.
03:36Ito naman ang tanong ng maraming magulang, Dok.
03:38Bakit ba kailangan nagpupurga yung mga bata?
03:41Para saan ba ito? May age requirement ba ito?
03:43Maraming po kasing benefits ang pagpupurga, tulad ng nutrisyon.
03:46Kasi kalaban ng bata, doon sa pag-absorb ng nutrisyon is yung mga bulate.
03:52So, kapag pumababa ang nutrisyon ng bata, hindi po sila lumalaki ng tama.
03:56Pwede po silang yung cognitive development nila.
03:59Mas mahina po yung magiging utak nila sa pag-aaral.
04:02So, tapos yung mga benefits po tulad ng iron deficiency, nape-prevent po natin yan.
04:08At hindi po sila nagiging masakitin.
04:10Nakita kasi sa pag-aaral ng mga scientifico na children 1 to 6 years old,
04:1566% daw po dito sa Pilipinas ay infected with worms.
04:18Kaya po siguro yung ating Department of Health ay talagang naggagawa ng mga mass deworming
04:23to prevent all this complications.
04:26At ang tatanong, Dok, kailang ginagawa yung pagpupurga at ilang beses?
04:30At up to what age ba yan?
04:31Usually, sa mga bata na nakatira sa high-risk endemic areas,
04:35starting at 1 year old, pwede na nga pong magpurgahan ng bata.
04:38Okay, oo.
04:39Pero usually, ginagawa po ito above 2 years old
04:41and making sure na wala pong mga sakit yung mga bata na nabibigyan ng pampurga.
04:45Once a year ba ito?
04:46At least every 6 months po, sa high-risk areas.
04:50Every 6 months?
04:50Pero at least once a year, pwede pong gawin.
04:52Okay.
04:53Ito, Dok, yung mga kariniwang paniniwala, lalo sabi ng mga matatanda,
04:56pag malakas ang kumain ng bata, o malaki ang tiyan, o parang may bulate sa tiyan, ha?
05:01O, parang may basis ba yun?
05:03Somehow may basis yun.
05:04At talaga ba?
05:05Kasi syempre, kalaban ng bata yung bulate.
05:08Di ba? Lagi siyang gutom.
05:10Nakikihati yung bulate.
05:10O, nakikihati doon sa mga nutrisyon.
05:12So, kapag yung bata kain ng kain, hindi naman tumataba,
05:16pinagsususpet siya ang tuloy yung bata na baka merong alaga.
05:19Ah, oo.
05:20Ito, Dok, may tanong din mula sa ating mga netizens.
05:23Mula kay Angela Efondo,
05:25pwede mo bang hindi mag-take ng pampurga ang mga bata?
05:27Ano ang mangyayari pag hindi sila napurga?
05:31Magandang isipin natin na ang mga magulang naman ang may last say,
05:34kung anong ibibigay nila sa kanilang mga anak.
05:36So, pwede naman hindi sila magpurga.
05:38Kaya lang, syempre, ang bata na may alagang bulate sa tiyan,
05:40mapapansin nila, hindi yata lumalaki.
05:43Bansot yata itong anak ko.
05:44Payat yata ito.
05:46So, pwede po ninyong dalhin sa mga pediatrisyan para ma-assess.
05:49At mas mag-guide po sila kung kailangan ba talaga magpurga.
05:53So, pwede naman pong hindi.
05:54Pwede ding, Dok, na ang bata ay payat, pero may bulati rin.
05:57Pwede rin.
05:58Pwede rin naman.
05:59Hindi wala sa laki ng katawan.
06:00Wala sa laki.
06:01Ito naman, Dok, mula kay Quijano Palatino, Shasha.
06:05Kung may heart condition ng bata, pwede rin ba siyang mag-dewarming?
06:08Ang mga bata pong pinanganak na may congenital heart disease,
06:12generally, pwede po sila magpurga as long as hindi po sila in failure.
06:16Yung tinatawag na may heart failure.
06:18Pag po may sakit ang isang bata na may heart disease,
06:21hindi rin po nire-recommend na purgahin sila
06:23kasi nakakadagdag ito sa stress ng sakit nila.
06:28Eh, Dok, Susan, siguro marami mga manonood natin, mga magulang,
06:32baka nagdadalawang isip ngayon,
06:33baka naman mangyari sa anak yung nangyari doon sa...
06:36Malungkot pong pangyari ito, pero tulad na abangitin, Dok,
06:39safe ang pagpupurga, pero baka may mga precautions pa
06:42na pwede kayong maibigay sa ating mga kapuso na noon noon.
06:46So, kailangan po maintindihan ng ating mga magulang
06:48na all medicines meron po yan kaakibat na side effects.
06:52So, kailangan lang po is well-informed po sila,
06:55ano po ba yung mga dapat i-expect nila
06:57para pag po naramdaman ng bata na sumasakit na yun siya niya,
07:01nagtatae, nagsusukan na siya, maagapan po agad.
07:04Pero very rare po itong mga side effects na ito.
07:06Kaya, I think we can assure our parents
07:08na pwede pa rin naman po magpurga.
07:10Pero doon po sa mga may anak na may mga may sakit,
07:12pwede pong siguro magdalawang isip na sila muna.
07:15Kailangan may mga doktor na nakabantay
07:18pag magpupurga ang bata.
07:19Lalo na kung may mga iniinom na gamot.
07:21Pag may iniinom na maintenance, ganyan.
07:23Ang pagpupurga ba, dapat ba may laman ng tiyan?
07:25Ideally, may laman po dapat ang tiyan.
07:26Kasi baka iba, mga pasok na walang hindi kumakain.
07:28Yes po.
07:30Naku, maraming salamat sa ibinahagi ninyong
07:32imporpasyon sa amin, Dr. Andrew Vicencio.
07:35You're welcome po.
07:35Ang mga usaping pagkalusugan,
07:37ikokonsulta natin sa UH Clinic.
07:40Magbabalik po ang unang hirin.
07:42Wait!
07:43Wait, wait, wait!
07:45Wait lang.
07:46Huwag mo muna i-close.
07:47Mag-subscribe ka na muna sa
07:49GMA Public Affairs YouTube channel
07:51para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
07:55I-follow mo na rin ang official social media pages
07:57ng unang hirin.
08:00O sige na.
Comments