Skip to playerSkip to main content
Brgy. Tanod na nanakit ng 2 menor de edad dahil sa umano'y pagnanakaw; Habagat, patuloy na magpapaulan; 3 nasawi sa baha, atbp


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Three buong suspendido ang isang tanood sa Dagupan City dahil sa pananakit sa dalawang menor de edad.
00:07Inakusahan niya ang dalawa na pagiging sangkot sa pagnanakaw,
00:11ang nahulikam na pananakit sa pagtutok ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:21Sa video na viral na ngayon sa social media,
00:25isang lalaki ang humampas sa balikat ng mga kinakausap ng menor de edad.
00:30Ang isa, sinabunutan pa ng lalaki na tanod sa barangay Bunuan, Binlok, Dagupan City.
00:36Ang dalawang menor de edad, sangkot umano sa pagnanakaw.
00:41Ang mga magulang ng dalawa, hindi anila kinukonsinti ang ginawa ng mga anak,
00:46pero inire-reklamo nila ang pananakit sa kanilang mga anak.
00:50Sampira po ma'am, nasaktan po ako doon po sa ginawa.
00:54Kahit na po may kasalanan yung anak ko po, hindi po dapat yung ganyan po yung ginawa nila.
00:58Nasa barangay na po sila, dapat ayusin na lang, kausapin.
01:05Okay lang kung takutin sa pananalita, huwag takutin doon sa pananakit.
01:10Kasi masakit po sa amin bilang magulang ma'am.
01:13Ayon sa punong barangay, tatlong buwang suspendido ang tanod.
01:18Sabi umano sa kanya ng tanod, nadala siya ng emosyon.
01:22The following day po ma'am, doon ko siya ng one-on-one and then inalam kung bakit na gano
01:28'n ang ginawa niya.
01:31Sabi naman niya, nabiglarang talaga siya. Aminado naman siya na kasalanan po niya.
01:40Batay sa record ng barangay, ilang beses nang inireklamo ang dalawang menor de edad dahil sa pagnanakaw.
01:46Ngayon man, giit ng alkalde ng dagupan, may tamang prosesong dapat sundin, lalot mga menor de edad ang sangkot sa
01:54insidente.
01:55May kami ng legal advice din po. Iko-coordinate din namin sa PNP and then sa DSWD and the LGU
02:03po kung ano yung pwedeng gawin na legal para sa mga bata na yan.
02:09Lalo na po yung pagdidisiplina ng mga bata ng mga mga gulang.
02:13Mula sa GMA Regional TV, si Jay Torida, nakatutok 24 oras.
02:20Sa Merkules o sa July 15, matatapos ang gamutan kay Sen. Rodante Marcoleta na ayon sa PNP General Hospital ay
02:29fit to travel na.
02:30Kasalukuyang nasa PNP General Hospital si Marcoleta kung saan tinatapos ang paggamot sa kanyang mild pneumonia.
02:38Pagkatapos nito ay pwede na siyang ilipat kung saan itatakda ng sandigan bayan.
02:43Kung matatandaan ay diniretsyo ang senador sa ospital.
02:46Matapos makaramdam-umanon ang pagsama ng pakiramdam, kasunod ng pag-aresto sa kanya para sa kasong plunder.
02:54Sa ngayon, clinically stable at controlled na ang blood pressure ni Marcoleta ayon sa ospital.
03:00Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Health si Dr. Jose S. Pujalte Jr.
03:08Inanunsyo yan ng palasyo kasunod ng pag-resign ni Ted Erbosa dahil sa kanyang kalusugan.
03:14Ayon sa palasyo, malawak ang karanasan ni Pujalte sa pagiging doktor, hospital administrator, guru at lingkod ng bayan.
03:22Dagdag nito, mahigit tatlong dekada nang nagsusulong ng pampublikong kalusugan si Pujalte.
03:28Nagsilbiring presidente si Pujalte ng Philippine Orthopedic Association at ng ASEAN Orthopedic Association.
03:34Siya rin ang founding president ng Philippine Shoulder Society at founding member ng Philippine Spine Society.
03:45Mga kapuso, malayo na ang bagyong inday na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility nitong weekend pero patuloy na
03:52uulanin ang ilang bahagi ng bansa.
03:54Dahil pa rin yan sa Southwest Monsoon o Kabagat.
03:57Ayon sa pag-asa, nakaka-apekto yan sa malaking bahagi ng Luzon at posibleng magdala ng malakas pero hindi naman
04:03matagal na mga bukos ng ulan.
04:04Patuloy pong magdala ng payong dahil base sa datos ng Metro Weather.
04:08Bukas ng umaga, posibleng ulanin na ang ilang bahagi ng Central Luzon.
04:12Madarag na ganyan pagsapit ng hapon.
04:14Posibleng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera, Administrative Region sa Luzon,
04:20kain din sa ilang bahagi ng Davao Region, Soxargen at Northern Mantenau.
04:23Ilang araw na po ang pag-ulan kaya iba yung pag-iingat dahil bukod sa baka, mataas ang tsyansa ng
04:28landslide.
04:29Sa Metro Manila, may tsyansa rin ng mga pag-ulan sa hapon.
04:32Samantala, isa na namang bagyo ang inaasahang papasok sa PIR ngayong gabi o bukas ng umaga.
04:38Yan po ang Tropical Depression High Sheep na tatawagin sa local name na bagyong Josie sa forecast track ng pag
04:45-asa.
04:45Posibleng lumakas at maging tropical storm ng bagyo.
04:47Gayunman, hindi ito inaasahang magtatagal sa ramdang PIR dahil posibleng lumabas din ito agad at humina ulit sa isang low
04:55pressure area.
04:56Hindi rin ito nakikitang makaka-apekto sa lagay ng panahon sa bansa.
04:59Patuloy pong tumutok sa updates!
05:08Happy Monday, Chikahan! Mga kapuso!
05:11Magtutos na ang mga character ni Nakayli Padilla at Cheska Posto sa GMA Prime Series na Task Force Firewall.
05:18Dahil yan sa mabubunyag na isang secret affair.
05:22Kung paano nila pinaghandaan ang inaabangang tapatan, it'sa Chika ni Athena Imperial.
05:32Intense at makapigil hininga ang fight scene na ito ni Galo ng Task Force Firewall.
05:40Laban kay Mark na nasa likod umano ng isabong scam.
05:43Pero ang tensyon na nararamdaman ang viewers ng GMA Prime?
05:50Maingat at kalkuladong ginagawa behind the scene ng cast at crew.
05:55Pero mga kapuso, di lang ang pagtugis sa utak ng sindikato ang kaabang-abang, kundi ang mga sikretong malapit ng
06:03mabuking.
06:04Max, parang amo mo na. Wag mo akong paglaroan, please.
06:07Seryoso ko, Isa.
06:11Hindi ko alam kung sino sa inyo nagsasabi ng totoo.
06:14Si Isa, played by Kylie Padilla, matutuklasan na ang affair ng kanyang asawa at ng team member sa Task Force
06:20Firewall na si Leila, played by Cheska Fausto.
06:24Paano kaya ang mangyayaring harapan?
06:26They're both agents, so hindi to sabunutan.
06:29Typically, di ba pag mistress, mistress scenario and real wife scenario, catfight yan.
06:35Puro ano yung mga salita, yung mga salita na binabato sa isa't isa, sabunutan.
06:43Pero dito, hand-to-hand combat.
06:45So dito mapapakita talaga, oh, ganun pala yung ano, ganun pala kung makipaglaban yung mga agents.
06:51Mabilis lang daw ang rehearsals para sa kanilang paghaharap.
06:54Pero ang taping para sa eksena, tumagal ng ilang oras.
06:59Yung rehearsal namin for this scene, parang nasa 30 minutes lang eh.
07:04Pag tinuro na nila sa amin on the day ng taping, medyo ano na lang, choreo na lang.
07:12We shot it in the morning, so around 10am, and na natapos namin yun hapon na.
07:18Paano na kaya ang team Firewall kung magka-away ang dalawang lady agents?
07:22Dahil si Layla yung attorney, and of course, siya yung weapon expert.
07:26So if you just think of that, syempre mababali talaga yung grupo.
07:30Abangan ninyo kung mawawala ba talaga siya sa Firewall o hindi.
07:33Yun din ang gusto ko ma-observe ng mga tao na behind all the drama,
07:39in the end, magka-teammate pa rin si Isan Layla.
07:43And yung si Y.
07:43Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
07:48Inirekomenda ng National Bureau of Investigation o NBI
07:51na sampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in two counts of homicide
07:56si dating Ateneo Head Coach Tab Baldwin.
07:59Inirekomenda yan ng NBI sa Department of Justice o DOJ
08:03kaugnay ng pagkamatay ni na Rene Baterbonia at Divine Adili.
08:08Pinasasampahan din ng reklamo ang anim na assistant coach
08:12at isang physical therapist ng Ateneo Men's Basketball Team.
08:17Inirekomenda rin, sampahan naman ng reklamong simple negligence resulting in homicide,
08:23ang athletic director ng Ateneo,
08:25at ang magkapatid na may-ari at co-manager ng resort sa Dipokalaw, Aurora.
08:31Nauna na rin naghahain ng rekomendasyon ng PNP-CIDG noong July 1
08:36para sa reklamong homicide at reckless imprudence resulting in homicide
08:40at reklamong paglabag sa anti-hazing app laban kay Baldwin at iba pang coaching staff.
08:47Parehong susuriin ito ng DOJ para malaman kung may sapat na ebedensya
08:52at kung anong kaso ang dapat naihain.
08:56Hinihingan pa namin ang pahayag ang mga pinasasampahan ng reklamo.
09:00Mga kapuso, tatlo ang nasawi sa isang bayan sa Davao Occidental
09:05dahil sabahang dulot ng habagat at bagyong inday.
09:08May mga landslide at buhawi naman sa ibang lugar.
09:11Nakatutok si June, Fenerasyon.
09:19Napasigaw na lang sa takot ang isang ito
09:21sa biglang pananalasa ng isang buhawi sa nabasaklan.
09:25Halos walang maaninag dahil sa lakas ng hangin at ulang dala ng habagat
09:29at bagyong inday.
09:31Nagliparan ang mga yero.
09:37Wala naman na iulat ang nasaktan.
09:45May buhawi ring na nalasa sa Santa Cruz Occidental, Mindoro
09:49na halos magpatumba sa mga puno ng nyog.
09:55Halos lipa rin din ito ang mga bintana at bubong ng isang bahay
09:59habang tuluyang nawasak ang iba pa.
10:02Nagpabuhal din ito ng mga puno
10:04sa loob ng limang minuto lang na pananalasa.
10:08Sa Santa Ilocos Sur naman,
10:10nawasak ang bahagi ng seawall sa National Highway.
10:13Kasulod yan ng masungit na panahon.
10:16Sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental,
10:19tatlo ang kumpirmadong nasawi.
10:21Narecover ang kanilang mga bangkay matapos maanod ng baha.
10:25Anim pa ang nawawala at patuloy na pinagahanap.
10:28Nagkaroon din ang landslide sa Salama, Banisilan, Cotabato,
10:33bunsod ng malalakas na pagulan.
10:35Hindi madaanan ang mga kalsada.
10:37Patuloy ang assessment, monitoring at response operations
10:41upang matihak ang kaligtasan ng mga apektadong residente
10:44at mapabilis agad mabuksan ang mga daan.
10:47June venerasyon na katutok, 24 oras.
Comments

Recommended