Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Hindi lahat ng viral sa social media ay kusang sumisikat. Ang iba kasi ay pinagmumukhang viral para magmukhang totoo upang manipulahin ang opinyon ng publiko tungkol sa isang isyu o diskusyon.

Pero paano nga ba malalaman kung minamanipula na ng ibang tao o organisasyon ang social media feed mo? Alamin ‘yan sa video na ito.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinatayang mahigit 95.8 million user identities sa Pilipinas
00:04ang gumagamit ng social media para magbasa ng balita, makitsika, pumaglibang.
00:09Sa dami ng opiniong nakikita mo online,
00:12paano ko ang finitid sa iyo ay hindi na pala galing sa totoong tao,
00:15kundi bahagi ng isang kampanyang layong empluwensyahan ang opinion mo at ng publiko.
00:21Isa sa mga technique na ginagamit dito ay ang tinatawag na
00:24Coordinated Inauthentic Behavior o CIB.
00:27Paano nga ba malalaman kung minamanipula na ang social media feed mo?
00:34Sa madaling salita, ang Coordinated Inauthentic Behavior o CIB
00:38ay isang organized online tactic para palakasin ang isang mensahe o naratif.
00:43Hindi ito tungkol sa iisang fake account lang.
00:46Sa halip, maraming account, page o grupo ang sabay-sabay na kumikilos
00:50para palakasin ang iisang naratibo.
00:53Ang goal, magmukhang natural o organic ang pagkalat ng isang ideya kahit planado na pala ito sa simula pa lang.
01:00Sa paumagitan ng CIB o Coordinated Attack,
01:04mas mabilis na kumakalat ang isang naratif
01:06dahil maraming account ang sabay-sabay na nag-propose,
01:09nagko-comment, nagla-like o nagsishare ng magkakaparehong mensahe.
01:13Yung Coordinated Attacks, hindi nasasari na pinapakalat.
01:20Pwedeng partially true, pwedeng out of context, pwede ding totoo,
01:26pero ina-amplify or pinapakalat in a almost artificial or fabricated state.
01:33Yung Coordinated Attacks naman is a very specific tactic under this information.
01:38Dagdag pa ni Gianno Libot, kahit factual ang isang impormasyon,
01:43maaari pa rin itong maging bahagi ng information manipulation
01:46kung planado ang paraan ng pagpapakalat nito.
01:51May iba't ibang uri ng Coordinated Attacks.
01:53Isa na rito, ang astroturfing.
01:56Ito ay kapag pinalalabas na malawak ang suporta ng publiko sa isang ideya,
02:00kandidato, pulisiya, produkto o advokasya, kahit hindi naman talaga ito totoo.
02:07Halimbawa, pagbukas mo ng comment section, halos magkakapareho ang sinasabi ng maraming account.
02:13Sa unang tingin, parang iyon ang opinion ng nakararami.
02:16Pero posibli palang bahagi lang iyon ng isang coordinated campaign
02:20para magmukhang popular ang isang narrative.
02:23Meron ding inatawag na sock puppet kung saan ang isang tao o organisasyon
02:28ang may kontrol sa maraming social media accounts na nagpapanggap na magkakaibang tao.
02:33Mukhang magkakaibang users ang mga account na ito,
02:36pero sa likod ng lahat, iisang operator lang ang kumukontrol sa mga ito.
02:40Ginagamit sila para sabay-sabay mag-like, share at comment upang lumaki ang engagement ng isang post.
02:47Ayon kay Libot, magkaugnay ang astroturfing at sock puppet.
02:50An astroturfing is more on behavior ng mga sock puppets.
02:56Yung sock puppets kasi are pinatawag term lang yun for bot accounts
03:00or mga robot na mga account.
03:02Yung mga account na hindi totong tao.
03:06And oftentimes in a lot of investigations, nakikita natin na isang user lang,
03:12pero saan po yung inahawakan or more than that.
03:15For astroturfing naman, this is really a term that we often use to describe
03:21yung nangyayari sa mga comment sections or sa mga forum pages
03:25wherein inuulan, oftentimes scripted na comments yung isang page
03:30to be able to either promote an idea or to undermine a certain post.
03:36Pero hindi lang politika ang maaaring maapektuhan ng coordinated attacks.
03:41Ayon sa OSINT Expert, halos lahat ng paksang pinag-uusapan online
03:45ay maaaring maging target ng ganitong uri ng kampanya
03:48mula sa entertainment at showbiz hanggang sa sports, lifestyle at maging sa climate issues.
03:55Kapag may isang isyo na may malaking interes o agenda,
03:58posibleng itong samahan ng mga organisadong online efforts
04:01para impluensyahan ang magiging pananaw ng publiko.
04:07Isa sa mga madalas binabanggit na halimbawa
04:09ng posibleng coordinated online campaign
04:12ay ang legal battle ng Hollywood actors
04:14na sina Johnny Depp at Amber Heard.
04:17Noong 2022, nanalo si Depp sa isang defamation case
04:20laban kay Heard matapos magpasya ang jury sa Virginia, USA
04:24na hindi totoo ang ilang aligasyon ng domestic abuse laban sa aktor.
04:28Pero bago pa man magsimula ang paglilitis,
04:30libo-libong pro-Depp accounts ang umano'y biglang lumitaw sa social media.
04:34Bagamat hindi napatunayan ang company Heard
04:36kung may nagbayad para sa mga account na ito,
04:39isang data expert na nagsuri sa online activity
04:41ang nagsabing mahigit kalahati ng mga tweet ay inauthentic.
04:46Batay sa pagsusuri,
04:48posibleng bots o mga troll account ang nasa likod na mga ito.
04:51So, anything that has an agenda,
04:53that has an interest in society,
04:57merong, like, you have to accept na
05:01meron talagang forces that will manipulate social media
05:06to achieve their selfish ends.
05:09And of course, a lot of studies have also shown
05:12na medyo unfairly targeted talaga yung babae
05:16sa ganito itong cases.
05:18Disproportionately,
05:19hindi ibig sabihin na walang impact on men,
05:22pero in general,
05:24a lot of the violence and the hatred against women online
05:29are also facilitated by disinformation.
05:33Gayunman,
05:34hindi ganong kadaling matukoy
05:36kung ang isang online thread ay bahagi ng coordinated attack.
05:39Pero may isang simpleng gabay na maaaring tandaan.
05:42Ito ang tinatawag na ABCDE framework.
05:45A. O actor.
05:47Tingnan kung sino ang nagpost
05:48o nagpapakalat ng impormasyon.
05:51Totoo ang tao ba ito?
05:52Kilalang media outlet
05:53o account na kahinahinala ang profile
05:55at kakaunti ang personal na impormasyon.
05:59B. O behavior.
06:00Obserbahan ng kilos na mga account.
06:02Meron bang maraming account
06:04na halos sabay-sabay nagpo-post,
06:05nagko-comment
06:06o gumagamit ng magkakaparehong linya o larawan?
06:09C. O content.
06:11Surin din ang mismong content.
06:13Kompleto ba ang konteksto
06:14o baka naman ginagamit ang emosyon
06:16tulad ng galit o takot
06:18para hikayatin ang mga tao na agad maniwala
06:20o mag-react?
06:22D. O degree.
06:23Tingnan kung gaano kalawak ang pagkalat nito.
06:26Iisang post lang ba ito
06:27o pare-pareho na itong lumalabas
06:29sa iba't ibang page,
06:30grupo at social media platforms
06:32sa halos magkakaparehong oras?
06:35E. O effect.
06:36Isipin ang epekto nito.
06:38Maari ba itong magdulot ng kalituhan,
06:40galit,
06:41takot
06:42o kay baguhin ang pananaw ng publiko
06:44tungkol sa isang tao o issue?
06:47Gone are the days na we have to treat social media
06:49as a playground.
06:51I think we have to treat
06:52the online world as a jungle.
06:55Isa na itong malaking jungle na
06:57sometimes there are friendly elements,
07:00but oftentimes there are a lot of hostile elements.
07:03And I think it's better for us as a society
07:06to approach social media
07:08with healthier na skepticism.
07:11Yung pagiging critical lang
07:12sa anong nakikita natin online.
07:14Huwag taling maniwala.
07:16Hindi ibig sabihin na
07:18hindi na talaga tayo dapat maniwala,
07:20but you have to also rely on
07:21your own steps to verify it.
07:24Sa panahon ngayon,
07:26hindi sapat na makita lang
07:27ang isang post para paniwalaan ito.
07:29Dahil sa likod ng likes,
07:31shares,
07:32at trending topics,
07:34maaaring may organisadong kampanyang
07:35nagtatangkang impluensyahan
07:37ang iniisip ng publiko.
07:39Kaya bago mag-react,
07:41mag-share,
07:42o maniwala,
07:43ugaliing mag-verify muna.
07:46Ako po si Rafi Tima
07:48para sa GMA News.
08:01Ako po si Rafi Tima
08:54ako po si Rafi Tima
09:24ako po si Rafi Tima
09:54ako po si Rafi Tima
09:54ako po si Rafi Tima
09:55ako po si Rafi Tima
09:56ako po si Rafi Tima
09:57ako po si Rafi Tima
09:57ako po si Rafi Tima
09:58ako po si Rafi Tima
09:59ako po si Rafi Tima
Comments

Recommended