00:03Nagnangalit ang ragasa ng tubig sa Ambal River sa Buldon, Maginano del Norte.
00:09Pinalilikas na ang mga nasa kalapit ng mga barangay para sa kanilang kaligtasan.
00:13Patuloy na minomonitor ng lokal na pamahalaan ng sitwasyon.
00:17Ang pagragasa ng ilog ay dulot ng walang tigil na ulan, bunsod na kabagat, na pinag-iibayo ng Bagyong Inday.
00:26Walang inasaang landfall sa bansa ang Super Bagyong Inday.
00:30Pero ang hinahatak nitong habagat ang nagpapaulan sa bansa at magdudulot ng maulang weekend.
00:36Kanina, inula ng Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.
00:40May mga kansilado rin biyahe ng mga barko.
00:43Wala sa Quezon City, may live report si Jamie Santos.
00:55Atom, manakanakang mahina hanggang sa malakas na pagulan ang inaasahan ngayong gabi sa malaking bahagi ng Luzon
01:01at ilang lugar sa Visayas dahil yan sa Habagat na pinalakas ng Bagyong Inday.
01:10Halos mamuti ang langit nang bumuhos ang napakalakas na ulan sa Quezon City kaninang hapon.
01:16Sa Timog Avenue, nag-zero visibility pa.
01:19Matapos ang ilang minuto, binaha ang ilang lugar.
01:22Hirap tuloy ang mga motorista sa bahaging ito ng Edsa Santolan.
01:27Maging sa ilang bahagi ng Quezon City, gaya sa Cubao, nakaranas din ang malakas na ulan.
01:33Sa Mother Ignacia Avenue, pahirap ang biglang baha.
01:36Abot binti naman ang tubig sa Araneta Avenue.
01:39Sa kabila ng bantan ng Leptospirosis, lumublob at naglaro pa rin sa baha ang ilang kabataan.
01:46Isang pickup truck naman ang nabagsakan ng puno ng balete sa Valencia Street
01:50sa Barangay Dalmonte sa kasagsagan ng malakas na ulan.
01:53Ang isip ko lang po talaga yung mga ordinary sangalang po.
01:56Kasi hindi ko rin po ramdam na malakas yung pagbagsak sa kanya.
02:01Pero yung pala sa labas, malaka pala ang damage po.
02:05Ramdam din ang malakas na ulan kanina sa Quiapo sa Maynila, sa Paranaque at Pasay City.
02:12Maging sa bahagi ng Enlex Southbound sa Valenzuela.
02:15Sa Naik, Cavite, bumuhos din ang malakas na ulan na nagpabaha sa ilang lugar.
02:20Sumabay pa ang malakas na hangin kaya lumaki rin ang mga alon sa dalampasigan.
02:24Pero sa kabila nito, di napigilan ang ilang kabataang maligo sa dagat kahit delikado.
02:31Malalaki rin ang alon sa tanza, Cavite.
02:34Kaya ang mga manging isda, pahinga muna sa paglalayag.
02:37God, delikado po. Gaway, minsan o, hindi mo masabi buhay mo sa laot. Gaway, pwede ka pahamak, makidlatlan, tumabampang ka.
02:48Bigla rin bumuhos ang ulan sa Batangas. Sa Lipa, halos mag-zero visibility dahil sa lakas ng ulan.
02:55Ganyan din ang sitwasyon kanina sa Batangas Port. Kaya nananatiling kanselado ang mga biyaheng paodyongan at katiklan.
03:01Ayon sa pamunuan ng pantalan, mga shipping line na ang nagkusang magkansela.
03:07Mahaba kasi ang biyahe ng mga barko at delikado sakaling maging maalo ng dagat.
03:12Ipinagbawal na rin muna ang biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat sa Basco Batanes na pinakamalapit sa Bagyong Inday.
03:19Hanggang norte, nagparamdam ng bagsik ang masamang panahon.
03:23Kahit mga tanim na bulaklak sa Atok Benguet, di nakaligtas sa malakas na hangin.
03:29Nakataas na sa Code Blue ang alert status ng Cordillera DRRMC dahil sa Bagyong Inday.
03:35Gayun din sa Pangasinan, inihanda na ang mga rescue equipment sa mga mababang lugar.
03:41Para sa mga local counterparts natin, nang sa gayon po ay magpatupad po sila ng kinakailangan measures ng preemptive evacuation,
03:50lalong-lalo na po ang mga rain-induced lands.
03:58Atong patuloy na pinapayuhan ng publiko na manatining alerto at bantayan ng mga weather advisories ng pag-asa at ang
04:04abiso ng kanilang loka na pamahalaan,
04:07lalo na yung naninirahan sa bahaing lugar at may banta ng pag-uho.
04:11At yan ang latest mo na rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Atom.
04:14Maraming salamat, Jamie Santos.
04:17Tataas ang singil ng Meralco ngayong buwan, 34 centavos per kilowatt hour, ang magiging dagdag singil.
04:24Katumbas yan ang dagdag na mahigit 68 pesos para sa karaniyumang bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
04:31Paliwanag ng Meralco, tumaas ang generation cost o halagang binabayad sa mga planta ng kuryente.
04:37May epekto rin ng kasalukuyang maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Facility na nagsimula noong June 15 at tatagal ng
04:46isang buwan.
04:47Bukod dyan, nakaambaring tumaas ang distribution charge o singil ng mga kumpanyang nagsusupply ng kuryente sa mga consumer gaya ng
04:55Meralco.
04:56Mula sa 1 peso and 35 centavos per kilowatt hour, naisang Meralco na itaas ang average distribution charge sa 2
05:04pesos and 34 centavos.
05:06Pusibling ilabas ng Energy Regulatory Commission o ERC ang desisyon dyan sa huling bahagi ng Agosto o sa Setiembre.
05:15Walang merito, yan ang dahilan ng Sandigan Bayan 5th Division sa pagbasura sa hiling ni Sen. Jingo Estrada na makadalo
05:22sa impeachment trial ni Vice President Sara Dutete.
05:25Binubuno ngayon ni Estrada ang 90-day preventive suspension dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft, taugnay sa flood
05:33control scandal.
05:34Sa pitong pahinang desisyon, ipinunto ng anti-graft court na hindi may tuturing na emergency o compelling temporary relief ang
05:42hiling ni Estrada.
05:44Inisa-isa rin ang mga naunang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na hindi maaring mag-practice ng profesyon, mag
05:51-degosyo o humawak ng posisyon ang mga nakaditinin.
05:55Kung papayagan si Estrada na makadalo sa impeachment trial, para na rin siyang malaya na magawa ang mga pribiliheyong kakibat
06:02ng kanyang posisyon.
06:04Bukod sa tila magiging special class ang estado niya, mababaliwala rin ang layuni ng kanyang preventive detention.
06:13Sinusubukan ng GMA News na makuha ang reaksyon dito ng kampo ni Estrada, pero wala pa silang tugon sa ngayon.
06:20Dalawang rider ang nasawi sa magkahihwalay na salpukan sa intersection sa Isabela at Aklan.
06:25May report si John Consulta.
06:30Palikom mula sa isang crossing ang motosiklong ito sa Alicia Isabela ng tumbukin ng van.
06:39Ang rider na dinila sa ospital dahil sa matinding tama sa ulot katawan, nasawi.
06:44Ligtas sa mga sakay ng van, nangako ang driver ng van na tutulong sa mga naulila ng rider.
06:49Sa intersection din nagpangabot ang isang motosiklo at isang tricycle sa Kalibu Aklan.
06:54Nasawi ang rider na napuruhan sa ulo.
06:57Sugatan naman ang tricycle driver.
06:59Naka-hospital arrest siya at naharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
07:04Wala pa siyang pahayag.
07:06Tumagilid ang isang pampasaherong jeepney sa Davao City.
07:08Ayon sa pulisya, nawawala ng kontrol ng jeep.
07:11Daan sa bandula sa Kasada kasunod ng pagulan.
07:14Pito sa dalawampung sakay nito ang sugatan.
07:16Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na kinukahanan pa ng pahayag.
07:20Patuloy ang imbisigasyon.
07:22John Consulta, GMA News.
07:34Pag-aari ng isang provincial board member o bukal ang sinalakay na farm sa Negros Occidental
07:39na nabistong pugad pala ng iligal na operasyon ng online sabong.
07:43Kinumpirma yan ng Police Regional Office ng Negros Island Region.
07:48Kinalughog ng mga otoridad ang farm kung saan nagtatag-umano
07:51ang target na lang most wanted person pero nakatakas siya.
07:56Apat iba pang sangkot ang inaresto.
07:59Nabutan din ang mga panabong na manok
08:01at nadiskubre ang studio na may mga computer na umano'y ginagamit sa online sabong.
08:06Depensa ng bukal na si Andrew Montelibano.
08:10Diretahan lang ang kanyang farm at wala siyang alam sa iligal na aktibidad.
08:15Iniimbisigahan na ng pulisya ang posibleng koneksyon ng opisyal sa iligal na operasyon.
08:22Sa hiwalay na poultry farm sa Ormok City,
08:25tumambad sa may-ari ang daan-daan niyang patay na manok.
08:28Ayon sa mga residente at city veterinary office,
08:32inatake ang mga ito ng miray o isang wildcat.
08:35Pinag-iingat ng city vet ang mga residente.
08:41Bahagyang kumilo sa Bagyong Inday habang patuloy na tinutumbok ang southern islands ng Japan.
08:47Sa 11pm bulitin ng pag-asa, nakataas ang wind signal number 2 sa Batanes.
08:51Wind signal number 1 naman sa Cagayan,
08:54kabilang ang Babuyan Islands,
08:56northeastern Isabela, Apayaw at northern at central Ilocos Norte.
09:00Huling namataan ang pag-asa ang sentro ng typhoon Inday,
09:04485 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes.
09:08Taglay ang lakas na hangin na aabot sa 140 kilometers per hour
09:12at bugsong aabot ng 170 kilometers per hour.
09:16Kumikilis ito, pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
09:21Bukas na umaga, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
09:26Pero pinapalakas ito ang habagat na posibili pa rin magdulot ng malakas na hangin at ulan
09:31sa malaking bahagi ng bansa.
09:35Kumpiskado sa malabo ng isang daang libong litro ng umano'y ninakaw na diesel.
09:43Sa timre ng mga opisyal ng barangay na aresto ng CIDG,
09:47ang mga kapitan natauhan ang dalawang tugboat na ginamit umano'y sa paihip
09:52o modus na ang pagbibenta ng nakaw na diesel.
09:55Nasa 20 milyong piso ang halaga ng mga tugboat at diesel.
10:00Nakakulong na ang mga sospek na tumangging magbigay ng pahaya.
10:04Inaalam pa kung kanino nakuha ng mga sospek ang nakumpiskang langis.
10:12From real to real.
10:17Ganyan daw ang pakiramdam ni Marlina na mapuntahan ng tinagurayang City of Angels, Los Angeles, California.
10:25Mala pelikula ang feel sa Hollywood mula sa sikat na sign,
10:30Beverly Hills,
10:37at Hollywood Walk of Fame.
10:41The most memorable part of the trip was finally seeing places that I'd only watch in movies and TV shows.
10:49And yes, it felt really surreal to be standing there in person.
10:55Simula pa lang yan ang Hollywood experience ni Marlina,
10:59na na-enjoy rin ang rides at movie experience sa isang theme park.
11:03Panoramic view?
11:06Sa Griffith Observatory, tila buong Los Angeles ang tanaw mo.
11:10Pero kung may pinaka-ikinamangha siya sa Los Angeles trip,
11:15ito raw ang Santa Monica Pier.
11:17Bidang sunset sa beach dito at dinarayo rin ang mga lokal at turistang gustong mag-unwind.
11:22It was surreal seeing Santa Monica in person.
11:28The atmosphere there was very lively with people biking,
11:32jogging, and enjoying the beach and also watching the sunset.
11:35It felt relaxing and vibrant at the same time.
11:41Joseph Morong, GMA News.
Comments