Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Pabala mga kapuso sa mga sensitibong ulat ng malagim na trahedya sa dalawang pamilya.
00:07Sa Depolog City, patay sa pananaksak sa kanilang bahay ang mag-asawang senior citizen at kanilang anak.
00:14Sa Bulacan naman, natagpo ang patay sa loob ng sasakyan, ang magiinang may mga tama ng bala sa ulo.
00:20May report si Marisol Abduraman.
00:27Natagpo ang patay ng mauturidad ang tatlong nakatira sa bahay na ito hapon nowebes sa barangay Torno de Polo Zamboanga
00:33del Norte.
00:34Ayon sa pulisya, nakita sa kanilang kwarto ang padre de pamilyang edad 82 at asawang edad 77.
00:41Nasa sala naman ang kanilang adopted son na edad 38.
00:45Natagpo ang din sa crime scene ng mga sinasabing pinangsaksak sa kanila, kutsilyo at kudgura ng nyug.
00:51Itong kaguran, nagigamit sa duwaka magtiyayon, morang same na po gihapon na murder weapon na gamit dito sa iyang anak
01:02na iyang adopted.
01:03Sabi ng Depolog Police, malabo pa sa ngayon ang anggolong robbery o pagnanakaw.
01:08Wala kasi silang nakitang ebidensya ng forced entry sa bahay at wala rin man siya ng dugo sa labas.
01:13Kinukumpirma ng pulis siya ang salaysa ng isang testigo na nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawang senior citizen at
01:20ang lalaking anak bago sila nakitang wala ng buhay.
01:23Hapon din itong Webes.
01:25Nakita sa Taliban sa barangay Talaksan sa San Rafael Bulacan ang nakaparadang MPV na ito na may mga sakay pa
01:31lang, patay na.
01:32Nadiskubri ng mga pulis ang bangkay ng babaeng 31 taong gulang at ang dalawa niyang anak, edad siyam at apat.
01:39May gunshot po sila, all of them, sa temple.
01:45May baril at tatlong basyo ng bala na nakita sa loob. Inaalam pa kung galing sa baril ang mga basyo.
01:51Ang malinaw sa ngayon, rehistrado sa nanay ang baril at ang sasakyan.
01:55Batay sa embisikasyon, nagpunta ang mag-iina noong Merkoles sa bahay ng mga magulang ng babae sa anggat.
02:01Umalis sila roon bago mag-alas 5 ng hapon.
02:04Makalipas ang kalahating oras, hindi na sila makontakt ng mga kaanak at kaibigan.
02:09Kinakausap na ng PNP ang lahat ng mga huling nakasama ng biktima.
02:13Bata rin sa isinagawang re-enactment ng polisya, nakikita nilang ang ina ang bumaril sa mga anak bago umano siya
02:19nagbaril sa sarili.
02:20Part naman ito ng pag-iimbestigay, including the trajectory analysis.
02:25Kasi magiging form part of the evidence.
02:29Meron pa silang ibang anggolo na tinitinan at hinihintay ng mga resulta ng forensic test.
02:34Gaya na lamang ng resulta ng parafin test sa mga biktima at ilang personalidad.
02:39Malalapit siya kanya o kung may mga nakausap siya previously, natatanongin natin.
02:44Meron siyang kalibin dati, pero hiwalay na sila.
02:47At kasama po ba siya sa inyong pinatawag?
02:50Yes.
02:50Hindi natin pa makonsider na POI.
02:52Isa lang siya sa ngayon sa mga tinatanong natin, in-interview natin.
02:55We just invited him.
02:58Baka may alam siya.
03:00Tinitinan din ang polisya ang estado ng pag-iisip ng biktima bago ang insidente.
03:05Marisol Abduraman, GMA News.
03:09Mga kapuso, sensitibong usapin ng mental health.
03:13Mahalagang matugonan nito at makahanap ng karamay ang sino mang nasa kondisyong ito.
03:18Kung kayo o sino mang kakilala ninyo ay may pinagdaraanan at nangangailangan ng payo,
03:23suporta, makakausap o makakaramay kaugnay sa mental health.
03:27Maaring tawagan ng mga hotline ng DOH National Center for Mental Health at Hopeline PH.
03:34Pwede rin magpabook ng appointment para sa tele-mental health response
03:38o online psychosocial support sa pamamagitan ng video call.
03:45Nagkasunog sa ilang bahay sa dalawang magkatabing barangay sa Pasay.
03:49Apat ang nasawid, kabilang ang isang bata.
03:52Inaalam kung may kinalaman ng pagsabog na nangyari bago ang sunog.
03:56May report si Athena Imperial.
04:01Sinagupa ng mga bombero ang nagnangalit na apoy na ito sa tumupok sa ilang bahay sa Tenko Street
04:07sa barangay 107 Pasay Pasado alauna ng hapon.
04:12Sa lakas at laki ng apoy, nadamay ang mga katapat na bahay na sakop ng barangay 106.
04:20Gawa sa light materials ang mga natupok.
04:25Nahirapan din sa pag-opula ang mga bombero dahil kapos sa supply ng tubig sa lugar
04:30at masikip ang daan patungo sa pinanggalingan ng apoy.
04:34Umabot sa ikalawang alarma ang sunog hanggang na-apula Pasado alas 4 ng hapon.
04:41Base sa barangay 106 sa si dalawang barangay, yung 106 may 10 pamilya, sa barangay 107, 137 families.
04:49Ang masaklap, apat ang nasawi dahil hindi nakalabas.
04:54Kabilang ang isang batang tatlong taong gulang na ayon sa mga nakakitang bombero ay nakayakap sa isa pang biktima.
05:01Yung nasugatan po, mayroon tayong reported. Tatlo, may tatlo tayong reported.
05:05Si Gladie Kanhadi nag-atubiling tumulong sa isang sugatan.
05:09Sabi niya ate, ang hapde.
05:10Hinatid ko na siya sa hospital.
05:13Tapos binalikan ko yung anak ko.
05:15Tapos grabe na yung apoy.
05:17Bago kumalat ang apoy, marami ang nakarinig ng malakas na pagsabog.
05:21Nasa labas ako nung time na sumabog.
05:24Pagsabog niya, usok agad na makapal.
05:27Pagdating ng, pagkatapos nung usok na makapal, talagang apoy na ka agad.
05:31Kasama ito sa iniimbestigahan ng mga otoridad.
05:35Inaalam din ang halaga ng pinsala.
05:38Athena Imperial, GMA News.
05:41Tinihinalang nalunod ang isang binatilyong nakita sa kanal sa Valladolid, Negros Occidental.
05:47Ayon sa pulisya, mismong ama ng biktima ang nakakita sa kanya.
05:51Sinisilip sa embestikasyon kung inatake ng epilepsi ang biktima, kaya nahulog sa kanal.
05:57Kumbinsido ang kanyang mga kaanak na walang foul play.
06:02Sa Kabangkalan City, patay sa pagkabagok ang isang rider.
06:06Napuruhan siya sa ulo ng mahulog sa drainage.
06:09Batay sa embestikasyon, posibleng hindi napansin ang biktima na may inaay sa drainage sa kanyang unahan, kaya dumerecho siya rito.
06:21Patay ang isang rider matapos salpukin ang jeepney na tinatawag na patok sa San Mateo Rizal.
06:28Batay sa embestikasyon, nag-counterflow ang jeepney at natumbok ang 43-anyos na rider.
06:34Sa lakas ng impact, naputulan ng kaliwang braso ang biktima.
06:38Dead on arrival siya sa ospital.
06:40Ayon sa pulisya, kalalabas lang ng garahe ang jeep at naghahabol ng pasahero.
06:46Hawak na ng pulisya ang jeepney driver na tumangging magbigay ng pahaya.
06:50Maharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.
06:55Ang Land Transportation Office, pinagpapaliwarag ang driver at ang registered owner ng jeepney.
07:04Dapat dyan perpetual revocation, lifetime ba ng license?
07:08Nakapatay ka eh sa kapabayaan eh.
07:10Yung mga taong yan, dapat talagang mas mabibigat ang mga parusa.
07:14Sa paghupa ng ulan, dala ng habagat, ilang tulay ang nasira.
07:19Dahil dyan, kaya sa nagip ang labinlimang stranded na guro sa Oriental Mindoro.
07:24Nawasak na tulay rin sa zambales ang nagdulot ng pagka-isolate ng isang libong pamilya roon,
07:30kabilang ang mga katutubo.
07:32Kaya report si Vona Quino.
07:36Halos bumigay na ang tulay na kawayang ito sa barangay Lisap, Bungabong Oriental Mindoro.
07:44Pero pinagtsatsagaan at maingat na itinawid dito ang labinlimang guro ng Naswak Elementary School, matapos ma-stranded.
07:53Sinira kasi na rumaragas ang tubig ang tanging tulay sa lugar nang manalasa ang habagat noong miyerkules.
07:59Kaya bumalik sila sa eskwelahan at doon na natili hanggang sa dumating ang rescue.
08:06Nasira rin ang isang tulay sa San Marcelino, Zambales.
08:10Isolated ang isang libong pamilya kabilang ang mga katutubo.
08:14Plano ng lokal na pamahalaan na magpagawa ng wooden footbridge para sa mga tao
08:18at temporary steel bridge para sa mga tricycle.
08:21Hindi na katulad noong dati na medyo mababa, itataas na lang ngayon para magkaroon pa rin ng akses.
08:29Sa tala ng San Marcelino LGU, aabot sa 2.5 milyon pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bayan.
08:37Mahigit 10 milyong piso naman ang halaga ng mga napinsalang bahay.
08:41Kabilang sa mga napinsala ang mga tirahang ito na lumubog ng matabuna ng lahar.
08:46Bukod sa pag-apaw ng ilog bunsod ng tatlong linggong pagulan,
08:51dumaloy rin ang lahar mula sa Mount Pinatubo ng masira ang dike.
08:55Dahil sa malawakang pinsala, isinailalim na ang probinsya ng Zambales sa state of calamity.
09:01Animo'y nakatirik sa tubig ang mga bahay sa barangay May Sulaw sa Kalumpit, Bulacan.
09:06Ang evacuation center, mararating lang gamit ang bangka.
09:10Kalbaryo na ng mga residente ang baha.
09:13Simula pa ng pumutok ang Mount Pinatubo noong 1991.
09:16At nagbara ang lahar sa daluyan ng tubig.
09:20Sa isang bahagi ng barangay na dati ng lubog sa baha, nangingitim na ang tubig.
09:25Ngayon, pati ang kabilang bahagi binaha na rin dahil sa pag-apaw ng ilog.
09:30Gawin na siguro yun talagang dapat.
09:32Hindi na yung sinasabing substandard o ano paman yun.
09:37Basta ilagay na nila sa standard talaga.
09:40Kasi kawawa naman kaming...
09:42May plano nang gawan ito ng panibagong dike at pagpapataas na mga ripra para hindi umapaw ang Pampanga River.
09:49Ayon sa Bulacan PDRRMO, labing isang munisipalidad sa probinsya ang lubog pa rin sa baha.
09:56Isa pang epekto ng pagbaha ang dumaraming kaso ng leptospirosis.
10:00Sa National Kidney and Transplant Institute, nasa labing siyam ang leptospirosis cases.
10:05Sa San Lazaro Hospital naman, umabot na sa 50 ang inadmit dahil sa leptospirosis.
10:12Karamihan late kasi. So dapat marirecognize din ng mga tao kung paano ba ang simptomas.
10:19Pag na-expose ka, pakiramdaman mo na sarili mo.
10:21If you feel unwell, meron kang lagnat, sumakit yung muscles, sumakit yung joints mo.
10:27Kasi malala na pag nanilaw ka na. Malala na yun.
10:31Pag umihi ka ng medyo iba na ang kulay o kaya hindi ka umiihi, medyo malala na yun.
10:36Yun yung mga napupunta sa amin na severe cases na.
10:40Ang problema naman sa Dagupan City, alipo nga.
10:43Hindi ako nakapagbuta. Mag-apon lang yun.
10:48Naguugas ng mainit na tubig, tapos minimidyasan ko pag nagamutan na.
10:52May mga fungal elements po kasi na maaaring nandoon po sa tubig baha.
10:57At maaaring pong kumapit doon sa mga paan ng ating mga piktima.
11:01Yan po yung pinakagusto ng ating funjay, yung mamasa-masa at maruming environment.
11:07Vona Quino, GMA News.
11:10Ginugunita ang ngayon ng ika-apat hapun-tatlong anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino.
11:16Taing team na pag-alala ang inalay ng pamilya Aquino sa puntod ni Ninoy sa Paranaque.
11:23Narawa ng kanyang mga anak na sinabol si Aquino Cruz at Vial Aquino D.
11:28At apong si Kiko Aquino D.
11:30Gayun din ang ilang taga-suporta ni Ninoy.
11:33Naging kinatawa naman ni Chris Aquino ang anak niyang si Bimby.
11:37Nagbigay rin ang mensahe si Pangulong Bongbong Marcos, Anya,
11:42ipinapaalala ng pag-unita kay Ninoy na dapat manindigan at makibahagi ang mga Pilipino sa landas tungo sa demokrasya.
11:50Tinukoy ng Pangulo ang mga bagong hamon sa ating demokrasya,
11:53ang disinformation, pagkakawatak-watak, kawalan ng tiwala at kawalan ng pakialam.
11:59Ang pamanaraw ni Ninoy, nagbibigay lakas sa atin na harapin ang mga hamong ito tungo sa Anya'y makabuluhang pag
12:06-unlan.
12:09Baday sarado ngayon ang palibot ng isang bumulagang sinkhole o malaking butas sa barangay Guadalupe sa Bogos City, Cebu.
12:17Nasa 15 metro ang lapad na bungangan ng butas at nasa 40 metro naman ang lalim.
12:23Sabi ng ilang residente, madaling araw ng Huwebes nang makarinig sila ng malakas sa kalabog hanggang tumambad ang butas ng
12:31magliwanar.
12:32Kwento naman ng ibang residente, madal silang makarinig ng tila lupang nauhulog sa tubig.
12:38Walang nakakaalam kung saan konektado ang nasabing tubig sa bandang ilalim ng sinkhole.
12:44Pinagbawalan na ang mga residente na lapitan ng butas at binabantayan ang mga bahay sa palibot ng 10-meter danger
12:50zone.
12:51Patuloy ang pagsusuri ng mga autoridad sa naturang sinkhole na ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office
12:58ay posibleng epekto ng 6.9 magnitude na lindol noong nakaraang taon.
13:03Ilang sinkhole din ang sumulpot sa Bogos City at iba pang nalindol na lugar sa Cebu.
13:15Shaira Diaz at EA Guzman nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary.
13:20Ibinahagi ng unang hirit host ang inihanda niyang surpresa para sa kanyang hubby.
13:24Nasa Finland ang mag-asawa para sa shooting ng isang pelikula.
13:29Habang ipinagdiriwang ang kanilang milestone,
13:31nag-open up naman si Shaira sa pinagdaraan ng medical condition.
13:35Anya mayroon siyang polyendocrine metabolic ovarian syndrome na dating tinatawag na PICOS.
13:41Nalulungkot si Shaira dahil sa natatanggap na anya ay panlalait tungkol sa kanyang weight gain.
13:48Nilinaw rin niyang hindi siya buntis,
13:50kaya hiling ni Shaira stop body shaming.
13:55Iba't ibang feels of love ang tampok sa bagong album ni Jeneline Mercado.
14:00Habang nagmamature bilang asawa at ina,
14:03ibang level na raw ang kilig na pinagdaraanan ng ultimate star.
14:07Nakakakilig din siyempre kuya na makita mong lumalaki yung mga anak mo ng
14:11very smart, mababait na bata, God-fearing, marespeto.
14:19Nakakakilig din kahit na siyempre matagal na kaming magkasama ni Dennis,
14:24araw-araw pa rin niya akong pinapakilig.
14:27Extremely proud naman ang kanyang hubby na si Dennis Trillo sa music comeback ni Jen.
14:32Nelson Canlas, GMA News.

Recommended