Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, kinumpirma ng Department of Migrant Workers na may dalawang Pilipinong tripulanteng napatay sa Strait of Hormuz.
00:09Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Kakdak, kabilang sila sa 16 na Pinoy seafarer na sakay ng oil tanker na
00:17tinamaan ng dipatukoy na projectile na naging sanhirin ng sunog sa barko.
00:22Galing umanong East Coast ng United Arab Emirates ang oil tanker at inatake habang papasok sa Strait of Hormuz.
00:28Dinala na sa Oman ang labi ng dalawang nasawing Pinoy.
00:32Ligtas naman ang labing apat nilang kasamahan, inaayos na ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.
00:38Bago nito, sinabi ng National Shipping Company ng Saudi Arabia na may dalawang Pilipinong tripulanteng nasawi sa isang security incident
00:46habang tumatawid ang isang oil tanker sa Strait of Hormuz nitong lunes, August 31.
00:52Patuloy ang pakikipagugnayan ng DMW sa employer ng mga tripulante at may ari ng barko.
00:59This Saudi ship manager called Bari has been a very good employer of Filipino seafarers.
01:05We have been in close communication with them. We're thankful for the assistance they are providing the families.
01:12Iniutos ng Transportation Department na ilibre muna ang toll sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway kung saan matindi pa
01:20rin ang traffic.
01:21May report si JP Soriano.
01:26Tila nag-camping na sa North Luzon Expressway si Richem.
01:29Matapos tumirik ang kanilang delivery truck nitong Sabado.
01:33Sa truck na sila, nagsasain at naliligo.
01:37Pangatlong araw na ho namin dito.
01:40Kaya yun, wala kami ibang ginagawa ngayon.
01:42Kundi sariling diskarte nila kung paano kami makakawa ng pagkain.
01:45Kaniya-kaniyang diskarte ang mga biyahero para mapawi ang guto.
01:59Sa tagal ng kalbaryo ng mga motorista, may bata pang inabutan ng birthday.
02:14Hanggang ngayong hapon, mabigat pa rin ang trapiko sa makabilang name ng Enlex sa San Simon Interchange patungong Esitex.
02:21Tuloy-tuloy ang paghigop ng mga flood pumping trucks.
02:25May inilatag ding flood barriers.
02:27Ang Transportation Department iniutos sa Enlex Corporation na ilibre na ang toll para sa mga sasakyang dumaan sa kahabaan ng
02:34Pulilan Bulacan hanggang sa San Fernando, Pampanga.
02:38Gagawin niyan sa pamamagitan ng rebate sa RFID.
02:41Nauna nang sinabi ni Pampanga Gov. Lilia Pineda na ang pagbaha sa lugar ay may kinalaman daw sa mas malawak
02:48na problema sa drainage ng probinsya.
02:51Pumapanik eh. Pati yung matataas na lugar nadadamay na.
02:54Kaya nagbabackflow yung tubig dahil hindi nga makalabas sa Manila Bay.
02:58Kaya ang tinitignang solusyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:02Iniisip namin na huhukayin yung mga ibang lugar dun para dun iipot yung tubig imbis na pupunta sa kalsada.
03:09So, but dahan-dahan makikita natin na yung Enlex ay nagadaanan na.
03:15Northbound is already 45 minutes daw na lang ang nag-traffic.
03:20Yung southbound na lang ang kailangan natin na gawa ng paraan para madaanan na mas mabuti mabawasan ang tubig mo.
03:30JP Soriano, GMA News.
03:32Naiahon na ang sasakyang nahulog sa Tarlac River matapos bumigay ang Agana Bridge noong weekend.
03:39Dalawang sakay nito ang natagpo ang patay. Dalawa ang pinaghanap pa.
03:43May report si EJ Gomez.
03:49Sa tulong ng backhoe, unti-unting naiangat mula sa Tarlac River ang sasakyang nahulog nitong Sabado nang bumigay ang Agana
03:57Bridge.
04:03Lima ang nakasakay sa SUV. Natagpo ang patayang dalawa sa kanila.
04:08Sa Dagupan City nakitang palutang-lutang ang bangkay ng isa habang sabayang bang naman nakita ang isa.
04:14Isa ang nakaligtas habang patuloy na pinaghanap ang dalawa pang nawawala.
04:19Ang sasakyan, pagmamay-ari umano ng isa sa nawawala ayon sa ama nito.
04:25Anak, nandito lang kami. Nandito na kami, dumating na kami.
04:29Linalakasan namin yung lub namin na andyan lang siya. Baka sakali. But we still believe in miracle.
04:38Ang Agana Bridge at Aquino Bridge na parehong bumigay dahil sa lakas ng Agos ng ilog nitong weekend,
04:44binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.
04:47Iniutos niyang isaayos ang dalawang tulay.
04:50Nasa 300 milyong piso ang ilalaan para sa pagkukumpuni ng Aquino Bridge.
04:55Target namang mabuksan ang Agana Bridge matapos ang dalawang linggo.
05:00Ang ginagawa dito ay nagbubuo ng Bailey Bridge para itatawid, para makatawid, para ilalagay, para palitan,
05:08inakapalit ng seksyon na natanggal, na natangay ng ilog.
05:12The bridge should be possible for pedestrian traffic by within a week.
05:17And vehicular traffic two weeks from now. Light vehicular traffic.
05:22Ayan na! Ay! Ay! Ay!
05:26Maraming taga-barangay Santo Cristo sa Lumaw Pampanga ang nawala ng tirahan
05:31nang rumagasa ang baha noong biyernes, kabilang si Iluminada Canyeba.
05:37Masakit na masakit po yung nararandaman ko po kasi mga anak ko walang bahay.
05:42Kung ako lang po matanda na ako.
05:44Kasi sila po mga bata kay mga ako po, yun ang inaisip po.
05:49Yung anak ko nga nasa ongkong, yung pinagirapan niya.
05:52Isang lap lang na wala, wala yung pinagirapan niya.
05:57Hinala ni Pangulong Marcos, illegal logging, ang dahilan kaya binaha ang lubaw.
06:02Nabara dahil hindi basura kundi yung debris, mga troso na siguro pinagpuputong silang illegal logging sa taas.
06:10Habang wala pa yan, pansamantalang maglalagay ng harang para hindi dumiretso sa dam ang mga troso o anumang debris.
06:17Magtatayo rin daw ng sabodam sa mga upstream area para saluhin ang tubig at debris mula sa kabundukan.
06:23Sa ngayon, 275 na barangay sa buong Pampanga ang may baha.
06:28Mahigit 31,000 ang nasa evacuation center.
06:31Pangako ng Pangulo, hahanapan ang matitirahan ng mga residente na wala ng bahay.
06:36EJ Gomez, GMA News.
06:38Kung maraming lugar sa Central Luzon ay binabaha, nanunuyot naman ang mga palayan sa kasiguran aurora.
06:46Nagkabitak-bitak na ang ilang taniman dahil sa mainit na panahon.
06:50Sa tala ng Municipal Agriculture Office, mahigit 1,400 ektarya ng sakahan ang apektado.
06:57Kalahati umano na mga sakahan ang hindi matamnan ng palay dahil sa kawalan ng patubig.
07:02Nakikipagugnayan na ang lokal na pamahalaan sa National Government para matulungan ang mga apektadong magsasaka.
07:09Day 21 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
07:14Naging mainit ang batuhan ng argumento ng depensa at prosekusyon.
07:18Nang sumalang bilang hostile witness ang isa sa mga abogado ng Business Attorney Michael Poa.
07:24Ginit niyang wala siyang alam sa paggamit ng mga alias o kakaibang pangalan sa confidential funds.
07:30May report si Ian Cruz.
07:33Defense lawyer mismo ni Vice President Sara Duterte ang sumala ngayon bilang hostile witness ng prosekusyon.
07:41Si Attorney Michael Poa ang sinasabing nang hingin ng certification sa Armed Forces of the Philippines na isinama sa DepEd
07:49Liquidation Report.
07:50Kahapon, sinabi ng dalawang sundalo ng AFP na walang ibinigay na pera ang DepEd para sa kanilang maaktibidad.
07:57Ang ibinigay nilang certification ay para lang sa attendance at wala rin kinalaman sa confidential funds.
08:04I'm sure you agree na wala hong binigay kahit piso ang Department of Education sa AFP para maisagawa itong mga
08:15youth leadership summit nila.
08:18Yes sir, I confirm that.
08:20The reason why you use this YSL certifications, ang words niyo ho, it was on the premise that whatever activity
08:30was conducted on the ground by the military
08:32was targeted because of information received from DepEd due to those rewards given out on the premise.
08:38Tama ko sir, no?
08:39Yes sir.
08:40Sa kanyang testimonya, sinabi rin ni Poa na si Vice President Sara Duterte at si Special Disbursing Officer Edward Fajarda
08:48ang tanging nakakaalam ng paggamit ng P15.5M Confidential Funds.
08:54Kalaunan, nalaman niya na may alam din sa pondo si Colonel Dennis Nolasco ng Vice Presidential Security and Protection Group.
09:03Sa mga congressional hearing na lang din daw, nalaman ni Poa na ang security officer ang tumanggap ng confidential funds.
09:11Maturny Poa, lahat po ng ginawa niyo kaugnay sa pagsagot sa AOM ay nalalaman ng vicepresidente.
09:18I came back to her and I briefed her on all of my answers to the AOM and she just
09:24said okay.
09:25Makailang bes ding napuputol ang testimonya ni Poa dahil sa mainit na debate ng defense at prosecution,
09:32lalo na ng bansagan ng prosecution si Poa na abogadong walang alam.
09:38He answered for P112.5M he knew absolutely nothing about.
09:44Saan ang inatasan ng vicepresidente yung sumagot sa Koa?
09:47Hindi ang SDO, hindi ang nag-disburse ng pera, hindi ang tumanggap ng pera, ang abogadong walang alam.
09:55Strike off the statement that ang abogadong walang alam.
10:00This witness, even while he has an obligation to answer relevant questions in this trial,
10:07he also has, under the rules, Rule 132, certain rights.
10:14And one of those rights is to be protected from irrelevant, improper, and insulting questions.
10:20And not only that, also to be protected from harsh or insulting demeanor.
10:27Chair hereby orders that the phrase,
10:29abogadong walang alam, be stricken off the record.
10:32Chair finds it discourteous to say the least.
10:35May pagkakataon din na sa bayan ang pagbabatuhan ng argumento ng defense at prosecution panel.
10:43Kaya kailangan ng umawat ng presiding officer.
10:46You have to admit, you made some speculations there.
10:48So we have to move...
10:50Sorry, I did not make speculations.
10:52I will point out which speculation.
10:55No, no, no. You're instaurating things I did not say.
10:58Attorney Sheila, Attorney Sheila, Attorney Paul.
11:00Your Honor, with all due respect.
11:02Let's give Attorney Jay some...
11:04He gave some scenarios, possible scenarios, a while ago, no?
11:09I agree.
11:09Na maaaring...
11:10Thank you, sir.
11:11Kahit natutunan mo, during that meeting, paano gamitin ang JC 2015-01,
11:17hindi mo ginamit yung kalaman na yan noong nagsubmit na kayo noong third quarter.
11:20It was not my responsibility, Your Honor, to handle the liquidation report.
11:24You did not, correct?
11:26I wouldn't know what they did with the liquidation report.
11:29No, I'm asking about...
11:29Well, counsel is badgering the witness already.
11:32That is not badgering.
11:34Counselors, all of you are lawyers.
11:36Kindly don't speak at the same time.
11:38Mahirap na nga po na may dalawang abogadong nagda...
11:42Kakaroon ng tagisan ng talino.
11:44Gawin po nating tatlo.
11:45Sa interjection ng Senator Judges,
11:48natanong din kay Powa
11:49ang tungkol sa mga kakaibang pangalan
11:52sa confidential funds.
11:54Were you aware, sir, na gumamit po sila ng mga fictitious?
11:57Hindi po eh.
11:57Binibigay sa akin yun ni Mr. Fajarda
12:00nung si-sansubmit na sa akin
12:01in a sealed envelope.
12:03Sabi ko,
12:04pwede ba ang pakita?
12:06Sabi sa answer kasi confidential yan.
12:08Sabi ko, hindi, bigyan mo lang ako kahit isang sample
12:10para alam ko naman kung ano yung sinusumitin natin.
12:12In unsealed yung envelope,
12:13pinakitaan ako ng acknowledgement receipt.
12:16So, I don't remember any fictitious.
12:19Nakita ko po yung mga names na masabi natin kakaiba.
12:24Noong congressional hearings na po,
12:27noong pinaflash sa screen,
12:29yung mga Mary Grace, Piatos, etc.
12:33Nabanggit din ni Powa na wala siyang nakitang vault
12:36para sa confidential funds
12:38noong mga panahon undersecretary pa siya ng DepEd.
12:42Based on the joint circular,
12:43may vault ba as required?
12:45May vault ba yung DepEd?
12:47Opo.
12:48I mean, according to the joint circular,
12:50may vault na required.
12:52But ako, hindi ko po nakita yung vault na yun.
12:55Wala akong nakitang vault
12:57noong nasa DepEd po ako.
12:58Samantala, pinag-iisip pa ng prosekusyon
13:01na huwag nang isama ang Article 3
13:03tungkol sa umunay bribery
13:04sa Department of Education
13:06laban sa BICE.
13:09Ian Cruz, GMA News.
13:11Good news para sa mga hog racer.
13:14May bakuna nang pwedeng mabili
13:16laban sa African Swine Fever.
13:18Inaprobahan na kasi ng Bureau of Animal Industry
13:21o BAI
13:21ang public sale
13:22ng kauna-unahang bakuna
13:25kontra ASF mula Vietnam.
13:27Ayon sa Department of Agriculture,
13:29may isa pang ASF vaccine
13:30na galing South Korea
13:32na sumasa ilalim na rin
13:33sa testing ng BAI.
13:35Ang bakuna, malaki umanong tulong,
13:37lalo na sa mga backyard hog racer
13:39na pinaka-apektado ng ASF outbreak.
13:42Mula sa nasa 13 milyon
13:45bago ang ASF outbreak noong 2019,
13:48bumaba sa 8 milyon
13:50ang hog population sa bansa sa ngayon.
13:53Sumadsad na naman
13:55sa panibagong all-time low
13:56ang halaga ng piso kontra dolyar.
13:59Nagsara ang palitan sa 62 pesos
14:02and 565 centavos.
14:04Ito na ang ikaapat na sunod na trading day
14:07na nagsara ang piso
14:09sa panibagong record low.
14:17Nabundol ng humaharurot na jeep
14:19ang isang batang estudyante
14:21sa harap mismo
14:22ng eskwelahan sa Viracatanduanes.
14:24Bumababa ng motorsiklo
14:26ang siyam na taong gulang na babae
14:28ng tumbukin sila ng jeep.
14:30Bago nito,
14:31tinamaan ng jeep
14:32ang school barricade
14:33dead on arrival
14:34sa ospitalang biktima.
14:36Sugatan naman
14:36ang kanyang nakababatang kapatid
14:38at kanilang lolo
14:39na nagmamaneho ng motor.
14:41Hawak na ng pulisya
14:42ang jeepney driver
14:43na nakatulog-umano
14:44habang nagmamaneho.
14:48Inararo naman ang isang pampasaherong van
14:50ang tatlong sasakyan
14:51sa Dumalinaw Zambonga del Sur.
14:54Wasak ang unahan ng van.
14:55Pito ang patay sa insidente
14:57kabilang ang limang pasahero ng van.
15:00Nabing tatlo ang sugatan
15:01ayon sa pulisya.
15:02Nawalan ng preno ang van.
15:04Nakipagugnayan ang may-ari ng van
15:06sa pulisya.
15:09Sumalang na sa budget hearing
15:11sa kamera
15:11ang mahigit 800 million pesos
15:14na hinihinging pondo
15:15ng Office of the Vice President
15:17para sa susunod na taon.
15:19Tumanggi ang mga kongresista
15:20na bigyan ng parliamentary courtesy
15:22ang OVP.
15:23Dumalo sa budget hearing
15:25ang Chief of Staff
15:26ni Vice President Sara Duterte
15:27na si Zelayka Lopez.
15:31561.651 million pesos
15:33ang ilalaan
15:34para sa Maintenance
15:35and Other Operating Expenses
15:37o MOOE.
15:39Karamihan daw dyan
15:40gagamitin sa mga program
15:41ng OVP
15:42na naghahatid ng tulong.
15:44Natapos din ngayong araw
15:45ang deliberasyon
15:46sa proposed OVP budget.
15:49Pagtitiyak ni House
15:50Committee on Appropriations
15:51Vice Chair
15:52at Palawan Representative
15:53Jose Alvarez
15:55walang confidential funds
15:57sa OVP budget.

Recommended