00:00Nasira ang isang tulay sa maitom sarangani dahil sa pagragasa ng baha.
00:06Haros bumagsak na ang tulay sa barangay Tikulab kaya inabot na rin ito doon ng tubig.
00:13Sa kabila niyan, ilang motorista at residente pa rin ang sinusubukang tawirin ang tulay.
00:18Kwento ng isang residente dati nang napinsala ang tulay kaya nilagyan ito ng kahoy na extension para madaanan pa rin.
00:24Pero dahil sa baha, pati ang kahoy ay nasira na rin.
00:27Sa isang video, makikita naman ang isang lalaki na buwis buhay na sinusuong ang baha.
00:33Sinubukan daw ng lalaki na balikan ang kanyang mang-ina na stranded sa kabilang bahagi ng barangay.
00:39Kalauna, nailigtas sila ng rescuers na naglagay ng tali para makatawid ang mga residenteng stranded.
Comments