00:00Humina bilang typhoon ang Bagyong Inday.
00:03Base sa datos ng pag-asa kaninang alas 8 ng umaga,
00:06humina pa sa 165 kmph ang taglay na lakas ng hangin ng bagyo.
00:12Namataan ito sa layong 875 km silangan ng Northern Luzon.
00:16Kahit hindi na super typhoon,
00:18nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes,
00:22Cagayan, kasama ang Babuyan Islands,
00:24Isabela, Samadela, Quirino,
00:27Buong Apayau, Northern Abra,
00:29Buong Kalinga, Eastern Portion ng Mountain Province,
00:32Eastern Portion ng Ifugao,
00:34Buong Ilocos Norte, Northern Aurora,
00:37at sa Northern and Central Portions ng Catanduanes.
00:40Tumutok po dito sa Balitang Hali para sa update ng nasabing listahan
00:44at sa 11am bulletin ng pag-asa.
00:47Base sa latest forecast,
00:48posibleng lumapit sa extreme na Northern Luzon
00:50ang Bagyong Inday bukas ng gabi o umaga ng Sabado.
00:54Sunod nitong tutumbukin ang Southern Islands ng Japan
00:57at posibleng mag-landfall o lumapit sa Northern Coast ng Taiwan.
01:01Pagkatapos ay lalabas na yan ang Philippine Area of Responsibility.
01:05Sa linggo,
01:06posibleng mag-landfall ang bagyo sa eastern coast ng China.
01:10Bukod sa Bagyong Inday,
01:11magpapaulan pa rin sa ilang panig ng bansa
01:13ang nahatak nitong hanging habagat.
01:16Apektado nito ang ilang bahagi ng South Luzon,
01:18Pisayas,
01:19at Mindanao.
01:21Dito naman po sa Metro Manila
01:22at iba pang lugar sa Luzon,
01:24posibleng ulanin ng local thunderstorms,
01:26lalo na sa hapon o gabi.