00:00Dumami ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho nitong Mayo ayon sa Philippine Statistics Authority.
00:062.5 million ang naitalang unemployed nitong Mayo o katumbas ng 4.8% ng labor force.
00:12Mas mataas kumpara sa 2.41 million na walang trabaho noong Abril.
00:1749.63 million naman ang naitalang may trabaho nitong Mayo, batay pa rin sa datos ng PSA.
00:24Bumaba naman ang porsyento ng underemployed o yung mga may trabaho na gusto pang magdagdag ng oras sa trabaho.
00:30O magkaroon pa ng dagdag na kita.
00:3212.2% yan, mas mababa kumpara sa 15.2% noong Abril.
Comments