00:00At may po tayo sa pagtitipon sa EDSA People Power Monument sa ulit on the spot ni Maris Omali.
00:06Maris!
00:11Connie, nagpapatuloy ang programa ng mga rallies na rito sa People Power Monument
00:15sa pangunguna ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo para ipanawagan ng transparency and accountability mula sa mga namumuno sa
00:23gobyerno.
00:27Naghandog ng mga awitin ang ilang mga dumalo sa rally ngayong umaga.
00:30Free-flowing at open mic ang programa kung saan ang ilang mga nais mag-alay ng awitin ay hinikayat pang
00:36magpalista sa gilid ng stage.
00:38Di ininda ng mga rallyista matinding sikat ng araw para makiisa sa panawagan para sa transparency for a better democracy
00:46na naka-imprinta rin sa suot na t-shirt ng ilan.
00:49Sa kabila ng paliwanag ng Ombudsman, kina-question pa rin nila kung bakit si Sen. Rodante Marcoleta ang kakasuhan ng
00:57pandarambong
00:58gayong privado naman daw ang pinanggalingan ng donasyon sa kanya.
01:02Nauna na rin sinabi ni Sen. Marcoleta na iniipit lang siya para di makalahok sa impeachment trial ni Vice President
01:09Sara Duterte
01:10na magsisimula na sa susunod na linggo.
01:12Habang umuusad ang araw ay nadaragdagan pa po ang mga nakikilahok sa kilos protesta.
01:17Ang ilan dito na nagpalipas ng gabi, habang marami naman ang bumalik ngayong umaga o di kaya ay ngayon lang
01:23sumama.
01:24Ayon sa ilan nating nakausap, marami pa raw darating ngayong araw.
01:28Nagsagawa naman ang adjustment ang mga otoridad para mas maging tuloy-tuloy ang daloy ng trafico rito sa may EDSA
01:34White Plains.
01:35Ang bus na kahapon ay nakabalandra o nakausli ang harapan sa may kalsada na iurong na po kaninang bago magalas
01:428.30.
01:43Pati ang mga concrete barriers sa bus carousel, iniusog din para tatlong lane na ang madaraanan ng mga motorista.
01:50Bantay sarado ng mga polis ang buong perimeter ng People Power Monument.
01:54Nakabang din ang command post at first aid station para sa emergency, pero sa kabutihang palad ay wala pa naman
02:01pong naitatalang isinugod doon.
02:02Sa mga sandaling ito, Connie, ipapakita ko lang sa inyo yung sitwasyon ngayon dito sa may EDSA White Plains.
02:07At makikita po natin na yung buong lahat ng tatlong lanes, umuusad ng tuloy-tuloy yung mga sasakyan.
02:14Bagamat nagkakaroon paminsan-minsan ng build-up o volume, kumakapal yung volume ng mga sasakyan, tuloy-tuloy ang daloy ng
02:21mga sasakyan dito.
02:22At ganoon din po sa kabilang lane, pa southbound naman po yan, tuloy-tuloy rin po ang mga sasakyan doon.
02:29At meron din po mga nakabantay na mga traffic authorities, traffic personnel and of course yung mga polis para masiguro
02:38magtuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan dito sa EDSA White Plains.
02:42At yun ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa People Power Monument. Balik sa'yo, Connie.
02:47Maraming salamat, Mariz Omali.
Comments