Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Super Typhoon, inaasahang nasa loob na ng PAR mamayang gabi o madaling-araw bukas; tatawaging Bagyong Inday; 7-anyos na lalaking nahulog sa Dario River, patay na nang matagpuan sa Brgy. Apolonio Samson; PNP: Sen. Marcoleta, sasailalim sa laboratory test ngayong umaga; PNP-CIDG: Negosyanteng si Aristotle Viray na kapwa-akusado ni Sen. Marcoleta sa kasong plunder, naaresto kagabi; Prosecution Team, iginiit na hindi politika o paghihiganti ang motibo ng impeachment kay VP Sara Duterte; Selyadong kahon na may tax records nina VP Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, ipinabalik ng impeachment court sa BIR: puwedeng ipa-subpoena kung hihilingin; PAGASA: Super Typhoon sa Pacific Ocean, bahagyang humina ilang oras bago ang pagpasok nito sa PAR


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Mga kapuso, ganyan po kalaki ang super typhoon na nasa Pacific Ocean.
00:05Sabi ng pag-asa, tatawagin niyang bagyong Inday kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na oras.
00:13Ang iba pang update sa bagyo, iatid namin maya-maya.
00:18Bangkay na namatagpuan ang isang batang lalaki sa Quezon City na nahulog sa ilog kagabi.
00:24Isang nangangalakal ang nakadiskubre sa labi ng biktima matapos ang halos labindalawang oras na paghahanap.
00:30Balitang hatid ni James Agustin.
00:35Pasado alauna ng madaling araw, puspusan pa rin ang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, QCDR remote mga
00:41taga-barangay.
00:42Sa pitong taong gulang na si Joven Asunciona nahulog sa Dario River.
00:47Dalawang tauhan ng Coast Guard ang lumusong para suyuri ng ilog, kasama ang ama ng bata at ibang kaanak.
00:53Matapos sa mahigit isa't kalahating oras, umabot sila hanggang Dario Bridge sa EDSA, pero bigong makita ang bata.
01:00Nagpatuloy ang paghahanap.
01:02Hindi nila alintana ang dilib at basura na tambak sa ilang bahagi ng ilog.
01:07Kagabi, nagsagawa rin ng surface search ang QCDRMO at BFP sa San Francisco del Monte River sa area ng Barangay
01:13Masambong at Barangay Damayan na konektado sa Dario River.
01:17Nagtungo rin doon ang mga magulang ng bata.
01:20Baon ng pag-asa, makikita nila si Joven.
01:23Nangyari ang insidente ay pasadola sa iska gabi sa Barangay Bahay Toro.
01:27Ayon sa nanay ng bata, kauwi lang ng kanyang anak galing skwelahan.
01:30At naligo agad matapos mabasa dahil sa malakas na buhos ng ulan.
01:34Nakita pa raw niya na lumabas ang anak.
01:36Pag likaw ko dyan sa may kanto namin, nakita ko pa anak ko.
01:40Sabi ko, Jo, wali ka nawin na tayo, maambon.
01:44Akala ko sumunod, hindi rin.
01:45Hindi pa ako nakakaupo doon sa taas.
01:47Lapag ko lang yung mga dalahin ko.
01:50Maya-maya may sumigaw na na ano.
01:52Yung anak ko nga raw na laglag sa ilog.
01:55Tumakbo na ako.
01:57Tapos nakita ko yung kapitbahay namin tumatakbo.
01:59Nakita daw niya anak ko na kumakaway na dito, banda.
02:02May dalang saranggola raw si Joven ng mga oras na yun.
02:05Ang kwento lang ng mga bata, nadolas daw siya kasi nalaglag yung sinulid niya.
02:10So inaabot niya, dumiretso siya.
02:12Pero nakahawak pa daw po siya sa may puno na maliit.
02:15Nanghingi na sa klolo.
02:17Ayon sa mga taga-barangay, nasira ng bagyon noong nakaraang taon
02:20ang bahagi ng reprop ng ilog, kung saan nahulog ang bata.
02:23Noon nansira siya, nirequest namin kasama yung mga residente doon.
02:28Nag-request na kami sa local government, sa MMDA.
02:32MDA, ayon.
02:34So alam ko, meron na rin mga nagsukat doon eh.
02:37So alam ko, ginagawa na rin siya.
02:39Hindi naman daw nagkulang ang barangay sa pagpapaalala sa mga residente,
02:42lalo na kapag tag-ulan.
02:43Lalo na pag may ganitong malakas ang ulan,
02:46meron na yun, yung lubid.
02:48Kasi nga, kumataas din yung ano doon eh, tubig.
02:50Kaya yung lubid na kaready rin doon.
02:53Bunso sa apat na magkakapatid si Joven.
02:56Sana po, tulungan niyo po ako magdasal.
02:59Tulungan niyo po ako mahanap yung anak ko.
03:04Matapos ang halos labing dalawang oras,
03:06natagpuan ang labi ni Joven sa San Juan River,
03:09sa barangay Apolonyo, Samson.
03:10Ayon sa isang caretaker na lupa na nasa gilid ng ilog,
03:14nangangalakal ng basura ang nakakita sa labi.
03:16Tinawag sa akin nung mga ngalakal,
03:18tayo may patay dito sa ilog.
03:20Sabi niya, sinikwat niya ng kahoy,
03:24nakakita ko, tao nga.
03:26Sabi ko, diyan ka lang kasi tatawag ako sa barangay.
03:29Kasi kagabi, hinahanap na namin yan.
03:31Nandoon yan sa tubig kanina eh.
03:33Hinahon nung mga ngalakal, tapos tinabunan.
03:36Patuloy ang imbisigasyon ng QCPD-CIDU sa insidente.
03:39James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
03:43Nananaglili sa PNP General Hospital
03:45si Sen. Rodante Marcoleta,
03:46matapos arestuhin kahapon para sa kasong plunder.
03:50Ayon sa Philippine National Police,
03:52sasailalim ngayong umaga sa laboratory test si Marcoleta.
03:55Kahapon, ang dalin sa ospital ang senador
03:57dahil sa panilikip ng dibdib at mataas na presyon.
04:00Bago yan,
04:01isinailalim na siya sa booking procedure
04:03tulad ng pagkuhas sa kanyang fingerprints at mugshot.
04:06Ayon kay DILG Secretary John Vicrimulia,
04:09hindi pa nila tukoy kung hanggang kailan sa ospital si Marcoleta,
04:12pero inaasahan nilang matatapos ang pagsusuri sa kanya
04:15sa loob ng dalawang araw.
04:17Kung umayos na ang kanyang lagay,
04:19iaharap siya sa Sandigan Bayan para sa return of warrant
04:22bago dalhin sa piitan sa payatas sa Quezon City.
04:25Kaninang umaga, bumisita si Vice President Saro Duterte
04:29kay Marcoleta sa ospital.
04:31Ayon sa isang doktor sa PNP General Hospital,
04:34naroon ang vice-presidente mula alas 7.30
04:36hanggang alas 8.30 ng umaga.
04:40Naaresto naman kagabi ang kapo-akusado
04:42ni Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder
04:44ang negosyanteng si Arresto Taldiray.
04:46Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group ng PNP,
04:50sa isang gasolinahan sa Quezon City siya na aresto.
04:53Nagpalipas siya ng gabi sa PNP Hospital
04:55nang tumaas din ang kanyang presyon.
04:57Ngayong umaga, nakalabas na siya sa ospital
05:00at iniharap sa Sandigan Bayan para sa return of warrant.
05:03Nauna nang naaresto ang dalawa pa nilang kapo-akusado
05:06na sa dating Congressman Mike Defensor
05:08at negosyanteng si Joseph Spiritu.
05:11Ayon kay DILG Secretary Jandrick Rimulla,
05:14inaresto ang dalawa sa isang coffee shop sa Quezon City.
05:17Pero ayon sa social media post ni Defensor,
05:20sumuko sila.
05:21Nakaditili sila ngayon sa BGMP Male Dormitory
05:24sa Payatas, Quezon City.
05:33Sa pagsisimula kahapon ng impeachment trial
05:35ni Vice President Sara Duterte,
05:38tinawag ng defense team na fishing expedition
05:40ang mga pagdinignoon ng House Justice Committee.
05:43Gayit naman ang prosecution team,
05:45hindi politika o paghihiganti ang motibo sa impeachment
05:47laban sa vice-presidente.
05:50Balita natin ni Joseph Moro.
05:55Wala si Vice President Sara Duterte
05:58sa unang araw ng impeachment trial laban sa kanya.
06:01Sa halib, labing apat na abugado ng depensa
06:03ang humarap sa Senate Impeachment Court.
06:05Labing isa naman ang miyembro
06:07ng panel of prosecutors ng Kamara
06:09at labing apat ang mga private lawyer
06:10na tumata yung counsel for the prosecutors.
06:13Kung ang ordinaryong Pilipino ay pinapanagot,
06:19bakit hindi ang pinakamakapangyarihan
06:23na opisyal ng pamahalaan?
06:25Hindi upang usigil ang isang tao,
06:29hindi upang maghihiganti sa kalaban,
06:31hindi upang manalo sa politika,
06:34kundi upang sagutin
06:36ang isang tanong
06:39na napakahalaga
06:40sa kinabukasan
06:42ng ating republika.
06:44May saisay pa ba
06:46ang pananagutan sa ating bansa?
06:49Inisa-isa ng prosekisyon
06:51ng mga basihan
06:52ng pagpapa-impeach sa BSE
06:53kabilang
06:54ang mga gawa-gawa
06:55umunong pangalan
06:56ng tumanggap
06:56ng confidential funds.
06:58Names that insulted
06:59the intelligence
07:00of the Filipino people.
07:02Mary Grace Piatos.
07:04Ang depensa
07:05at tinawag na
07:06fishing expedition
07:06ng mga pagdinig
07:08ng House Committee on Justice.
07:09Ang malinaw na layunin
07:11sa likod
07:11ng mga paratang na ito
07:13ay ang pagpapatalsik
07:15sa isang BSE Presidenteng
07:17inihalal
07:17ng mahigit
07:1932 milyong Pilipino
07:21at bunga
07:22ng kanilang
07:23malayang pagpapasya.
07:25The prosecution
07:26now comes
07:26before this court
07:27to remove
07:29a vice president
07:29chosen by
07:30an overwhelming
07:31number of the electorate.
07:33Nagpatikim din
07:34ang depensa
07:35ang panig
07:35di Duterte
07:36tulad na lamang
07:37sa umunaymaling paggamit
07:38na mahigit
07:39600 million pesos
07:40na confidential funds
07:41ng OVP
07:42at DEPED.
07:43Inirekomendaan nila
07:44ng DBM
07:45sa Office of the President
07:46ang pag-aproba nito.
07:47The burden of proof
07:49is on the prosecution
07:50and unless
07:51it discharges
07:52that burden
07:53the accused
07:54need not even
07:55offer evidence
07:56on her behalf
07:57and she will be
07:58entitled to an acquittal.
08:00This is the law then.
08:02This is the law now.
08:0422 araw
08:06ng paglilitis
08:07na may 150
08:08na mga testigo.
08:09Narito na tayo
08:10sa banggaan
08:11ng mga ebidensya
08:12at kontra-ebidensya
08:13kung dapat nga bang
08:14i-impeach
08:14si Vice President
08:15Sara Duterte
08:16ayon sa kanyang kampo
08:17depende sa magiging daloy
08:19ng paglilitis
08:20kung haharap
08:20ang vice-presidente
08:22sa kanyang impeachment trial.
08:24She's currently
08:24in a planning session
08:26with yung mga
08:27kasamahan niya
08:28sa OVP.
08:29Kung sa tingin naman natin
08:30na kinakailangan
08:31they will advise her accordingly.
08:33Joseph Morong
08:33nagbabalita para sa GMA News.
08:37Naiibalik na
08:37sa Bureau of Internal Revenue
08:39ang kahon ng tax records
08:40ni na Vice President
08:41Sara Duterte
08:42at asawang
08:43si Attorney Manz Carpio.
08:44Kasunod ito ng utos
08:46ni Senate Impeachment Court
08:47Presiding Officer
08:47Cheesy Scudero kahapon.
08:49Selyado pa rin ang kahon
08:51at hindi binuksan
08:52kahit noong pre-trial conferences.
08:54Una itong nakita
08:55sa impeachment hearing
08:56ng House Justice Committee
08:57noong Abril.
08:58Ipinababalik ni Scudero
09:00ang BIR box
09:00dahil hindi pa
09:01iniuutos
09:02ng Impeachment Court
09:03na isumiti ito
09:04bilang ebidensya.
09:05Pwede raw ipasagpina
09:07ng Impeachment Court
09:08ang naturang kahon
09:09kung hihilingin ito
09:10ng alinmang partido.
09:14This does not mean
09:15na nawala na yung
09:17evidentiary value
09:18nitong ebidensyang ito
09:20because at the proper time
09:21ibabalik po ito
09:23i-offer po ulit ito
09:24ng ating prosecution
09:26at hopefully
09:27the court will admit this
09:29as an evidence.
09:30So sa ngayon
09:31ay nandyan lang yan.
09:33We will reserve
09:33our comments
09:34for when that time happens
09:35or when it actually happens.
09:39Bahagya pang humina
09:40ang super typhoon
09:41na nasa labas
09:42ng Philippine Area
09:43of Responsibility.
09:44Nitong alas 8
09:45ng umaga
09:46namataan ng pag-asa
09:47ang mata
09:47ng super typhoon
09:48Bavi
09:491,900 kilometers
09:51silangan ng Central Luzon.
09:53Taglay nito ang lakas
09:54ng hangin
09:54na aabot sa
09:55185 kilometers per hour.
09:58Mamayang gabi
09:59o madaling araw bukas
10:00tatawagin niyang
10:01Super Bagyong Inday
10:02sa sandaling
10:03nasa loob na
10:04ng PAR.
10:06Nananatiling
10:06mababa ang chance
10:07na itong mag-landfall
10:08pero dahil sa lawak
10:09ng kaulapan
10:10maapektuhan pa rin
10:11ang extreme northern Luzon
10:13gaya po
10:13ng Batanes.
10:15Nahahatak na
10:15ang napakalakas
10:17na super typhoon
10:17ang hanging habagat.
10:19Inuulan nito ngayon
10:20ng Sambuanga Peninsula,
10:22BIRMM,
10:23Lano del Norte
10:24at Sultan Kudarat
10:25ayon sa pag-asa.
10:27Sa mga susunod na oras
10:28at araw
10:29inasa ang uulanin na rin
10:30ang ilan pang lugar
10:31dahil sa habagat.
10:33Nakataas ngayon
10:34ang thunderstorm watch
10:35dito sa Metro Manila,
10:37Bulacan,
10:38Rizal,
10:38Laguna at Cavite.
10:40Pusible ang mga biglang ulan
10:41na may pagkulog
10:42at pagtidlat
10:43hanggang mamayang
10:44alas 10 ng gabi
10:45kaya magbawa ng payong
10:46mga kapuso.
Comments

Recommended