Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, May 23, 2026:


- Sunog sa residential area sa Parola Compound, itinaas na sa Task Force Charlie


- Sen. Dela Rosa, itinuturing ng NBI na "armed and dangerous"


- Lalaking nagpanggap na trabahador, ninakawan ang ilang establisimyento


- COMELEC, makikipagtulungan sa Ombudsman para sa reklamo vs Sen. Marcoleta


- SUV, nagliyab sa kahabaan ng Osmeña Highway


- Rider na walang headlights, nasalpok ng nag-overtake na motorsiklo


- Sen. Gatchalian, isinusulong ng minority bloc na maging bagong senate president


- Import ban sa poultry products mula Belgium, inalis na ng DA


- Motorcycle taxi riders, pumila para sa ayuda


- Cast ng 'Kamao,' nagpasaya sa Pangasinan bago ang pilot nito sa May 25


- Mga sawa, nagsilabasan dahil umano sa matinding init ng panahon


- Iba pang bahagi ng Mindanao, binaha; libo-libong pamilya, apektado


- Ilegal na pagawaan ng calamansi juice, ipinasara


- 3 patay, 2 sugatan sa salpukan ng truck at minivan


- Kimchi, nakatutulong pang-alis ng microplastics sa katawan?


- Marian Rivera, may mga summer plans para sa kaniyang mga anak


- Babae, sinagip sa baha sa China; ilang bahagi ng New York, U.S.A., binaha din


- Ex-Pres. Duterte, mananatiling naka-detain batay sa utos ng ICC Trial Chamber III


- Litrato ng dating viral dog na si Tiktok, ginagamit sa online scam


- Wala nang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NPA—DND Sec. Teodoro


- Will Ashley, excited na sa kaniyang upcoming comedy series


- Island hopping, vanishing island at cold springs sa Surigao del Sur


- Magkaibigang nagpi-pickleball, tuloy ang laro kahit brownout sa court







24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:09Let's go!
00:30Let's go!
01:01Let's go!
01:30Let's go!
01:37Let's go!
01:39Ibig sabihin, kailangan ang karagdagang puwersa ng mga bombero mula sa Karating Lungsod.
01:46Malayo pa lang, tanaw na tanaw na ang makapal na usok na bumabalot sa mga bahay.
01:51Sa ibabaw ng Delpan Bridge, kita ang paglamo ng apoy sa mga bahay na kumakalat hanggang sa mga bahay sa
01:57tabi ng Manila Bay.
01:58Wala pang opisyal na ulat kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung may nasugatan o naapektuhan.
02:08Pia Ivan, dahil nga masikip yung lugar, yung maliliit na firetruck yung nakapuesto sa harapan.
02:14Naging discarding nga ng mga bombero yung pagdugtong-dugtongin yung kanila mga host para maapula yung sunog.
02:19Isa pa sa naging pahirap sa kanilang operasyon, yung malakas na hangin.
02:23At yan yung latest mula rito sa Manila. Balik sa iyo, Ivan.
02:28Jamie, kanikanina lang, 5.15, itinaas ang Task Force Charlie.
02:32May indikasyon ba na lumalaki o kumakalat pa ang apoy at posibleng itaas pa ang alarma?
02:41Sa pagtingin natin, Ivan, dahil nga doon sa makikita nyo sa akin ni Kuran, napakalakas pa nung hangin.
02:47Kaya nahihirapan din yung mga bombero sa pag-apula nung itong sunog na tumutupok dito sa mga bahay.
02:53At karamihan doon sa mga bahay na doon sa may bandang harapan ay gawa sa light materials.
02:58Kaya nahihirapan pa ang apulahin yung sunog ng mga bombero.
03:02Kaya hindi pa natin masabi kung matatagalan pa o madedeklara na ng mga BFP na under control yung sunog, Ivan.
03:09May paunang estimate na ba ang mga bombero kung ilan ang bilang ng mga pamilyang apektado o nasunugan?
03:20Ivan, sa mga oras na ito, hindi pa tayo nabibigyan ng impormasyon kung gaano karami yung pamilya at individual na
03:27apektado ng sunog na nangyayari ngayon dito sa Parola Compound, Ivan.
03:31Ingat at maraming salamat, Jamie Santos.
03:35Armed and dangerous ang turing ng National Bureau of Investigations sa tinutugis ngayon si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
03:42Aminado po ang NBI na malaking hamon sa kanila ang paghahanap sa Senador.
03:46Nakatutok si Jonathan Andal.
03:51May dalang protective vest at mga bag ang babaeng kasama noon na Sen. Ronald Bato de la Rosa na lumabas
03:57ng Senado ilang oras matapos ang putukan noong May 13.
04:01Sabi ni National Bureau of Investigations o NBI Director Melvin Matibag, posibleng may lamang baril ang mga bag.
04:08Kaya ang turing na nila ngayon saan nila'y puganting Senador.
04:12Yung aming dangerous, ang sinasabi namin dito, lahat naman nga po ng target for the service of waran,
04:21ang aming point of view, we will always be ready, baka armado at lumaban yung ating subject.
04:27There are putin just nung umalis si Sen. Bato, may mga dalang daffle walking.
04:32So there is a suspicion na baka, baka, na baka mga baril yun.
04:36At the same time, what happened noon tayo sa Senado, it shows yung factor na yan na maaaring talagang armado
04:46po yung tao na ito.
04:47Sabi ng Philippine National Police o PNP, pag-uusapan pa ng Firearms License Revocation na Restoration Board
04:53ang desisyon sa pagkansila sa lisensya ng mga arma si de la Rosa, alinsunod sa batas.
04:58Yung problema naman natin dyan, kahit alisan natin ang lisensya yan,
05:02if they're armed, there will still be armed. Hindi naman natin makukuha yung mga baril po nila.
05:07Sa tingin ng NBI, nasa Pilipinas pa si Bato dahil walang record ng paglabas nito sa bansa.
05:12Pero, aminado ang NBI, may malaking hamon sa paghahanap nila kay de la Rosa.
05:17Galing siya sa law enforcement, so he knows how the law enforcement officers behave, kung paano siya in the truck
05:23or hahanapin.
05:24Pero hindi lang daw mga otoridad ang pwedeng manghuli kay de la Rosa.
05:28Anyone who passed can affect an arrest, citizen arrest, because he's a duty to prove justice.
05:33Genocide yung kaso nito.
05:34Ang hindi umanumaari ay ang sinasabi ni Atty. Jimmy Bondoc, abogado ni de la Rosa,
05:39na sa abogado nalang isilbi ang warrant at ang mga ito na ang bahala magpasa sa senador.
05:45Baka kasi ang iniisip ni Atty is, let me be the one to serve the warrant.
05:52Wala pong gano'n. Sigurado po ako ron, and that's under the rules of court.
05:56Dati nang sinasabi ng Campo ni de la Rosa, hindi dapat sa ICC kundi sa korte sa Pilipinas, litisin ang
06:03senador.
06:03Pero, sabi ni dating DOJ Secretariat niya, yung ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
06:07hindi na ito uubra dahil na-cover up na ang mga ebidensya sa war on drugs dahil sa sabwatan.
06:13Hindi mo na ma-investigahan dito eh.
06:15Wala na eh. Kahit na isabina mo lahat yan, wala na mangyayari dyan.
06:19Ayun. So, talagang doon na.
06:22Complicit lahat eh. Sa DOJ tayo, hinihingi natin na figures.
06:26Oo.
06:27Isang buwan na, wala pa yung figures sa atin.
06:29Hindi pa man na isisilbi ang areswaran kay de la Rosa.
06:32May mga susunod na raw na posibleng ma-aresto, ayon sa NBI.
06:36We have information that there are several na ma-issue ang panangwarat ng ICC.
06:41Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
06:45Nagpapanggap na trabahador at saka nananalisi.
06:49Ganyan ang modus sa isang lalaking tumangin ang pera mula sa ilang negosyo sa General Santos City.
06:54Ang nahulikam na pagnanakaw tinutukan ni JP Soriano.
07:01Abala ang lalaking nabuti sa pagtusukat ng mga pader sa tindahan ng cellphone parts na ito.
07:06Anya, inutusan siya ng may-ari na magsukat para sa ikakabit na estante sa tindahan.
07:12Nanghirampas siya ng panulat at inutusan ang tinderang inista ang kanyang sinusukat.
07:16Magkuan daw siya dirisukat-sukat sa amin kung unsaba pero yan ginasulat kay PH, PY, huwag na nga ipod siya,
07:253,800 sa ako.
07:27Pero ang lalaki na nagpakilalang glass installer, kawatan pala.
07:32Tinangay niya ang 3,700 pesos cash mula sa bag ng tindera bago lumabas.
07:38Nangyari yan martes tang hapot sa barangay Dadyangas East sa General Santos City.
07:43Tatlong araw bago yan, sabi ng puli siya na hulikam din ang parehong lalaki sa isang kainan sa barangay Dadyangas
07:50South.
07:51Ipinaling pa ng salarin ang CCTV para hindi siya makita.
07:55Pero di na malayang may CCTV din sa kusina kung saan siya pumasok at tinangay ang halos 2,000 pesos
08:01na kita ng tindahan.
08:03Ayon sa service crew ng kainan, nagpakilala ang salarin bilang tubero na inutusan umano ng may-ari.
08:09Nanghiram din siya ng panulat sa biktima at nanghihingi naman ng 4,600 pesos na pambili umano ng materialis.
08:17Ay, di sa kong mga tag, sir. Kaya doon saan ako itong country, sir. Itong kwan sa kong amo bakit
08:22naman ng gawas na may.
08:23Ilak na ako ng dira. Huwag ko kabulo na ibalik po siya sulod. Ay, matupagkuhan na siya. Dali.
08:27Tinutugis na ng pulisya ang salarin. J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
08:34Siniguro ng Commission on Elections o COMELEC na makikipagtulungan sila sa Office of the Ombudsman,
08:39kag na isa-isa ng pang plunder at indirect bribery laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
08:45Nag-ugat ang reklamo sa 75 million pesos na donasyon kay Marcoleta noong nakaraang taon.
08:51Na hindi yung manong idineklara ng Senador sa kanyang Statement of Contributions and Expenses.
08:56Ang katwira noon ni Marcoleta, natanggap niya ang pera bago pa ang simula ng campaign period.
09:02Ang kay COMELEC Chairman, George Garcia, dismissed na ang motu proprio investigation laban kay Marcoleta.
09:09Hindi pa rin daw nila naiisip kung bubuhayin ang kaso, lalo't wala pa rin namang natatanggap ng motion for reconsideration
09:16ang COMELEC.
09:17Kaugnay nito.
09:17Pero ang naturang issue, ang ginawang basihan ng Ombudsman para sa reklamo.
09:22Hindi rin kasi umuno idineklara ni Marcoleta ang donasyon sa kanyang Salen.
09:26Dawit sa reklamo ang tatlong pinanggalingan ng pera na sina dating Congressman Mike Defensor,
09:31isang Joseph Espiritu at isang Aristotel Baluyot.
09:37Nauna ng kinesisyon ni Defensor kung paano ito magiging plunder kung walang sangkot na pondo ng gobyerno.
09:43Patuloy po namin sinusubukang po na napahayag sila Marcoleta, Espiritu at Baluyot, pero wala pa po silang tugon sa ngayon.
09:54Nagliyab ang isang SUV sa kita ng Ospeña Highway sa Bakati kanina madaling araw.
09:58Base sa inisyal na imbisigasyon, una nagliyab ang gulong sa unahan ng sasakyan, saka kumalat ang apoy.
10:06Walang naiulat na nasaktang at inaalam pa ang sanhinang pagliyab.
10:13Isang rider ng motor na walang headlight ang nasalpok ng nag-overtake ng motorsiklo sa Pangasinan.
10:19May nakahulikang ding na disgrasya sa kalsada dahil sa mga nakawalang baka.
10:24Yan, adiba pang disgrasya sa probinsya sa pagtutok ni Jonathan Andal.
10:32Hindi sa bukid, kundi sa kalsada.
10:36Nagtakbuhan ang dalawang baka na yan sa barangay Aman Sabina, Mangaldan, Pangasinan.
10:40Hanggang ang isa sa mga baka may nakasalubong at nasagi ng motor.
10:46Tumilapon ng rider na papasok sana sa trabaho noon.
10:50Isinugod siya sa ospital dahil sa matinding sugat sa ulo, wala rin siyang suot na helmet.
10:54Ayon sa may-ari ng mga baka, nakalimutan niyang itali ang mga ito kaya nakawala.
10:59Hindi naman ganun na tumatagbong mga yan.
11:02Siguro may nang siyo-syo doon sa ano, kung may kinatakutan kaya tumakbo.
11:09Sana nakatali ang mga baka nila para hindi makateruisi.
11:13Panawagan naman ang hipag ng biktima.
11:16Masettlement yung bills doon sa ospital kasi hindi din biro yung pera na ginagasos doon sa ospital, lalo na sa
11:22mga gamot.
11:23Sa barangay Malabago naman, mabagal ang takbo ng motor na yan na walang headlights.
11:28Maya-maya, nasalpok na siya ng nag-overtake na rider.
11:32Tumilapon ng dalawa na nagtamon ng mga sugat.
11:34Ayon sa PNP, posibleng nakainom ang dalawa.
11:37Wala pa silang pahayag.
11:39Sa Talisay City, Cebu, sa gitna ng intersection, nagpang-abot ang dalawang rider.
11:44Agad namang rumespundi ang nagbabantay na enforcer.
11:47Nagkaareglo na ang dalawa.
11:50Sa Talisay City pa rin, nagkasabay naman sa pagliko sa intersection ng isang truck at motorsiklo.
11:56Ang rider, muntik pang magulungan ng mabundol ng truck.
11:59Ligtas naman sila at nagkaayos na rin ang dalawang panig.
12:03Pero ang rider na ito sa Panay Capiz, napuruhan ng magulungan ng oil tanker.
12:09Nag-overtake siya sa isang tricycle, saka bumangga sa truck.
12:12Dahil dito, tumilapon at pumailalim sa truck ang rider, saka nagulungan ang kanyang kanang braso.
12:18Agad na dinala sa ospital ang biktima.
12:20Jonathan Andal, nakatutok, 24 oras.
12:25Kasunod ng mga umuugong na palitan ulit ng liderato ng Senado,
12:28isinusulo ng minorya sa Senado na maging bagong Senate President si Sen. Wynn Gatchalian.
12:34Nakatutok si Von Aquino.
12:39Halos dalawang linggo matapos ang Senate coup na naglukluk kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.
12:46Sabi ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang pahayag na gusto ng minority block na tinawag niyang SB 11 o Solid
12:53Block 11
12:54na maging bagong Senate President si Sen. Wynn Gatchalian.
12:58Sabi ni Pangilinan, may kakayahan, matatag at pata si Gatchalian.
13:03Naniniwala siyang kaya ni Gatchalian na pagkaisahin ang Senado.
13:07Sinigundahan niya ni Sen. J. V. Ejercito.
13:10Sen. Wynn Gatchalian ang aming sinusuportahan bilang Senate President
13:18dahil pinakita naman niya yung kanyang pagiging masipag, lalo na in various studios,
13:25lalo na during the budget nung siya ay finance chairman.
13:29Pero ako naman, kahit sino, I can work with anybody, kahit na sino yung naging Senate President.
13:35In fact, dapat majority leader sana ako ngayon.
13:37Finorgo ko na for the greater good.
13:39Sa isang panayam sa radyo, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson
13:44na maaaring magsimula ang pagbangon ng Senado mula sa kasalukuyan nitong kalagayan
13:49kapag nailukloka niya bilang Senate President si Gatchalian.
13:53Eminently qualified niya si Gatchalian para sa posisyon
13:56at kaya umano nitong dalhin ang Senado at magkaroon ng United Front
14:00laban sa mga isyong kinakaharap nito ngayon.
14:03Si Gatchalian din niya ang nagsulong na mga institutional safeguards
14:07at transparency measures sa pagbuo ng 2026 General Appropriations Act.
14:13Sabi ni Lacson, dapat tiyakin ang kasalukuyang liderato ng Senado
14:17na manatiling modelo ng transparency ang institusyon sa pagbuo ng national budget.
14:23Nauna na rin sinabi ni Sen. MIG Zubiri na si Gatchalian ang kanyang pambato.
14:27May I just say this is my candidate course.
14:30Sa ngayon, nasa labing tatlo ang membro ng mayoria sa Senado
14:35habang labing isa ang nasa minoria.
14:37Noong isang linggo pa lumulutang ang pangalan ni Gatchalian
14:40na maging bagong Sen. President.
14:43Kinuna namin ang pahayag ang mayoria kasama si Sen. President Cayetano
14:47pero wala pa silang tugon sa ngayon.
14:49Nitong miyerkoles, nagbiru pa sa sesyon si Cayetano.
14:52We agree with you, Sen. Pangilinan.
14:56Sen. Winn is the only one laughing at my...
15:00I might vote for him one day.
15:02Wala pang pahayag si Gatchalian, kaugnay niyan at iba pang minority Senators.
15:07Von Aquino, Nakatuto, 24 Oras.
15:11Inalis na ng Department of Agriculture ang import ban sa mga poultry products mula Belgium.
15:16Ito kayo matapos matiyak na may sapat na safeguard ng Belgium laban sa high pathogenicity, avian influenza o bird flu.
15:24Dahil dito, pwede na ulit mag-angkat ng poultry products mula Belgium.
15:28Ipinatupad ang import ban sa Belgian poultry products sa gitna ng bird flu outbreak noon.
15:34Pinilahan ng Ayuda payout para sa mga motorcycle taxi rider.
15:38Sacto raw yan, lalo't inaasahan ulit ang taas preso sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
15:44Nakatutok si Bernadette Reyes.
15:48Sa kabila ng mainit na panahon, pumila ang mga motorcycle taxi rider para sa kanilang cash relief assistance sa Maynila.
15:56Halos 2,500 riders ang nabigyan ng TIG 5,000 pesos mula sa Department of Social Welfare and Development.
16:04Magpapatuloy yan hanggang bukas sa araw ng linggo.
16:07Timing nga naman, lalo't may nakaambanan namang panibagong dagdag presyo sa petrolyo.
16:12Ayon sa industry sources, 25 centavos hanggang 60 centavos ang itataas kada litro sa diesel.
16:19Hanggang tiso naman sa gasolina.
16:21Sa kabila ng patuloy na pag-uusap ng Amerika at Iran, nananatili pa rin mataas ang presyo ng produktong petrolyo.
16:29Ang gasolina nga halimbawa, tatlong sunod-sunod na linggo nang tumataas ang presyo at maaaring masundan pa sa darating na
16:35Martes.
16:36Hindi na ihohomran yung peace talk.
16:41Kaya natural talaga na yung tendency for the past 3 weeks ay meron hong agam-agam.
16:51Kaya lang, maganda lang din ang balita na in-extend ni President Trump yung ceasefire.
17:00At dahil doon, hindi ho masyadong lumaki yung alagwa ng pag-i-increase in the past 2 weeks.
17:08At inaasahan natin na hindi rin ho ganong kalaki next week.
17:13Dato'y mura yung gasa-diesel. Ngayon nagkabaligtad na kami naman yung medyo nahirap-hirapan.
17:24Kaya medyo ano din, tis-tis lang din sa gasolina.
17:28Mahal talaga. Mahirap talaga bumiyahin.
17:31Mas umigat kaysa diesel.
17:35Nakakala namin bababa pa yun. Yung nag-70. Ngayon nag-80 naman mahigit.
17:40Nakakala namin magkakabawi, kaso lang. Wala, parang ano lang. Parang mag-20 nila yata ito si iti.
17:47Tsaka-tsaka na lang. Kaysa naman wala kang kahit tibiling bigas.
17:52Tatas naman daw sa Martes.
17:55Ano ba masasabi niyo doon?
17:57Dagdag na naman niyang pair-up sa aming mga driver.
18:01Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
18:08Bago magpasiklab ng anga sa GMA Afternoon Prime sa lunes,
18:11nagpasaya muna ng mga kapusong panggasinense ang cast ng Kamao.
18:15Makitsika tayo kay Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
18:22Simula sa lunes, May 25, may bagong family sports drama sa GMA Afternoon Prime na mapapanood ang mga kapuso.
18:30Dog ng GMA Entertainment Group.
18:33Dito masasukat ang tapang at tatag ng puso para ipaglaban ang pamilya, pag-ibig at dangal.
18:39Ang excitement sa upcoming series,
18:42ramdam ng cast ng Kamao nang bumisita sila sa San Carlos City, Pangasinan para sa GMA Regional TV Kapuso Mall
18:49Show.
18:49Pinangunahan ni Mac Mac, Anton Binson, ang pagpapakilig sa mga panggasinense.
18:55Very loud sila. Very excited sila na makita kami ng mga kamao.
18:59At pumupunta pa, dumayo pa yung mga fans namin.
19:04Mga Lelton, Carton, Criston, iba pang mga ships.
19:08Kaya I'm very proud at parang nakakataba po ng puso.
19:13Kasama niya ang co-stars na sina Bruce Rowland,
19:19Chante Videla,
19:23Triss Malvar,
19:26at tandem ni na Tito Marcy at Tito Abdul.
19:33Talagang pinursagi ko talaga yung pag-i-training ko kasi nasani ako sa mga Muay Thai, Jiu Jitsu.
19:40Pero ngayon, gagamitin ko na yung arms ko to box.
19:44Very hands-on po talaga si Papa.
19:46Willing siya talagang turuan ako, i-guide ako sa bawat scene ko.
19:51Kaya ayun po, nakaka-relate rin po ako sa character ni Mac Mac.
19:56Mula sa GMA Regional TV,
19:59Sendy Salvaso, nakatuto, 24 oras.
20:06Pilit na tinatangga sa isang signage ang malaking sawa na yan sa Dumaguete City, Negros Oriental.
20:12Posible mo nung galing sa tindahan ang sawa.
20:15Sa Dumaguete pa rin, isang sawa rin ang sumulpot sa gitna ng kalsada.
20:21Patawid daw ito ng maabutan ng mga motorista.
20:23Nai-turnover na ang dalawang sawa sa DNR.
20:28Ayon sa BFP, posible yung naglalabasan ang mga sawa dahil sa matinding init ng panahon.
20:34Paalala nila sa publiko, huwag patayin at agad makipagungnayan sa mga otoridad kung may mamataang sawa.
20:41Binaha sa gitna ng mainit na panahon ang ilang lugar sa Midanao dahil sa low pressure area.
20:46Nakatutok si Darlene Cai.
20:54Hindi lang toga at graduation cap ang dala ng mga nagsipagtapos sa kolehyo sa Coronadal City.
21:00May bit-bit din silang tayong.
21:03Bumuhos kasi ang malakas na ulan.
21:05Wala pang isang oras nang magsimula ang kanilang graduation ceremony sa open field ng South Cotabato Sports Complex.
21:12Tumila rin kalauna ng ulan kaya naituloy pa rin ang ceremony para sa mahigit dalawang libong graduates.
21:18Malakas din ang buhos ng ulan kagabi sa Alabel, Sarangani Province.
21:22Nahirap ang umuwi ang mga motorisa dahil sa baha sa mga highway.
21:26Dagdag perwisyo pa ang mga sanga ng puno at basura na sumabay sa ragasahan ng tubig.
21:30Agad rumespondi ang first Sarangani Provincial Mobile Force Company para makatulong sa pagkatanggal ng debris.
21:38Umapaw rin ang mga kanal at sapa sa ilang bahagi ng magsaysay Davao del Sur.
21:43Sa videong ito, dahan-dahan sa paglusong sa baha ang isang motorsiklo.
21:47Dagdag pahira pa ang dilim sa lugar dahil walang streetlights.
21:52Nagmistulang ilog naman ang ilang bahagi ng barangay Karidad Lambayong sa Sultan Kudarat kasunod ng malakas na ulan kahapon.
21:59Maraming bahay ang pinasok ng hanggang tuhod na baha.
22:02Ayon sa MDRRMO, madalas nalulubog ang barangay dahil catch basin ito mula sa upper valley areas tulad ng South Cotabato,
22:10Bagong Bayan at Isulan.
22:13Nalubog din sa baha ang tatlong barangay sa Pikit, Cotabato.
22:16Ayon sa MDRRMO Pikit, aabot sa halos 9,000 pamilya ang naapektuhan ng pagtaas ng tubig.
22:22Nagsagawa na rin ang Ocular Inspection ng Office of Civil Defense at iba pang ahensya.
22:25Ayon sa pag-asa, low pressure area o LPA ang nagpapaulan sa Mindanao at ilang bahagi na rin ng Visayas.
22:33Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
22:37Naaktuhang nagpapakulo ng ibinibenta ang Calamance Sea Juice pero wala palang kaukulang papeles sa isang esambisimento sa San Fernando City
22:44sa Pampanga.
22:46Napagalaman ding hindi rehistradong produkto alinsunod sa itinakda ng Food and Drug Administration.
22:52Ipinasaranak ang pagawaan ng Calamance Sea Juice.
22:55Sinisigap ng GMA Regional TV na makuha ng pahayagang may-ari ng pabrikang yan.
23:05Tatlong patay habang dalawa ang sugatan sa salpukan ng dump truck at minivan sa Rodriguez Rizal.
23:10Ayon po sa Rodriguez Police, nag-uvertake ang truck at saka natumbok ang kasalubong na minivan.
23:16Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang minivan.
23:18Dead on arrival sa ospital ang tatlong pasahero nito.
23:22Habang sugatan ng driver at isa pang sakay na kritikal ang kondisyon.
23:27Hawak na na puli siya ang driver na maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide with physical injury and
23:33damage to property.
23:40Ang staple dish ng mga Korea na kimchi nakakatulong daw na makapagtanggal ng microplastic sa katawan.
23:47Batay sa isang pag-aaral po ito, Kuya Kim, ano na?
23:55Isa ito sa mga simbolo ng South Korea, nakadigit sa kultura at panlasa ng bawat kuryano, pati na ng mga
24:02K-pop fans.
24:04Gawa sa binurong na pa-cabbage at abanos na tinimplahan ng samud-saring pampalasa.
24:10Ito ang napakayaman sa probiotics na kimchi.
24:13Pero alam niyo ba na ang kimchi hindi lang masarap na pakin?
24:17Sa isang pag-aaral kasi na ginawa ka makailan ng Science Journal na Bioresearch Technology,
24:23napag-alaman ang pagkahing ito.
24:25Pusibli daw makatulong sa pag-flush out o pagtanggal ng microplastics sa ating katawan.
24:30Microplastic ang tawang sa napakalita piraso ng plastic na karaniwang mas malit pa sa 5mm.
24:37Maari ito makapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng inhalation, ingestion o di kaya skin absorption.
24:43Hindi pa ba lumusang napag-aralan kung may direktang epekto ang microplastics sa ating kalusugan?
24:48Pero may mga pag-aaral ngayon tukol sa posibleng koneksyon sa inflammation, hormone disruption, fertility issues, at sakit sa puso.
24:57Sa sinagawang research ng World Institute of Kimchi,
25:00nadiskobring Leuconostoc mesentoroides CBA-3656 isang lactic acid bacterium na galing sa kimchi.
25:07Nakakatulong pala sa pagtanggal sa katawan ng nanoplastics, ang pinakamalit na plastic particles.
25:11Sa animal experiments naman, dumabas na higit doble ang dami ng nanoplastics sa mga duminandaga
25:16na binigyan ng strain ng kimchi bakteriya kumpara sa mga hindi nakatanggap nito.
25:21Paalala ng mga eksperto na sa early stage pa lang ang pag-aaral na ito
25:24at hindi pa napapatunayan ang pagkain lang ng kimchi ay siguradong makakalinis ng microplastics sa katawan.
25:30Pero sakali mang mangyari ito, malaking tulong ang findings na ito para mapanatiling malusog ang ating bituka.
25:36Laging tandaan, kaimportante ang may alam.
25:39Ito po si Kuya Kim, magsagot ko kayo 24 hours.
25:47Kami-kabi laman ang upcoming projects ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
25:51Fokus pa rin siya sa kanyang mommy duties.
25:54Narito ang aking shika.
25:58Habang papalapit na ang pagtatapos ng school year ni Nazia at Sixto Dantes,
26:03gearing up na si mommy Marian Rivera para gawing productive, fun and full of learning
26:08ang magiging vacation from school ng mga bata.
26:11Summer activities, oo, ang daming gusto mangyari ng mga bata.
26:14Every time matatapos yung mag-i-end ng school, palagi ako lang tatanong sa mga kids ko
26:18na anong gusto niyo i-achieve ngayong bakasyon.
26:20So bibigyan nila ako ng list na saayusin ko.
26:22Kinilala ka makailan bilang isa sa ambasadors ng isang international luxury brand si Marian.
26:29Present sa dinner ang kanyang hobby na si Ding Dong Dantes,
26:32mga kaibigan na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzpa,
26:35Gabby Garcia, Max Collins at Ruro Madrid.
26:39Ikinwento pa ni Marian ang pagkakabisihan niya sa susunod na mga buwan.
26:43Bukod kasi sa kanyang pagiging judge sa Stars on the Floor Season 2,
26:47dapat niyong abangan ang ilang movie projects ni Marian this year.
26:51By next month, sisimula na namin yung movie namin ni Dong,
26:55Dere-derecho.
26:59Naglalakad sa baha ang babae niya sa China nang bigla siyang mahulog sa tubig.
27:03Hindi po agad nakatayo ang babae at tila nalunod.
27:07Agad siyang sinaklulohan ng mga residente.
27:10Ayon sa motoridad, hindi bababa sa labindalawang nasawi
27:12sa malawak ang pagbaha sa Southern at Central China.
27:18Sa Amerika naman,
27:19binaha ang ilang bahagi ng New York City.
27:22Nalubog sa tubig ang mga sasakyan.
27:24Batay sa ulat na local media,
27:26hindi bababa sa dalawang nasawi
27:28dahil sa matinding thunderstorm.
27:31Naglabas na rin ang emergency declaration
27:32ng National Weather Service.
27:35Sa Amyerkulis na,
27:37nakatakda ang unang status conference hearing
27:39sa kasong Crimes Against Humanity.
27:41Laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
27:42sa International Criminal Court
27:44sa The Hague, Netherlands.
27:46Sa gitna nito,
27:47ipinag-utos ng ICC Trial Chamber 3
27:49ang patuloy na pagdetene kay Duterte
27:51dahil sa posibilidad umano ng pagtakas.
27:55Nakatutok si Darlene Kai.
28:00Mas malaki raw ang posibilidad
28:02na tumaka si dating Pangulong Rodrigo Duterte
28:05ngayong kumpirmado na ang kaso niya
28:07ayon sa ICC o International Criminal Court.
28:09Kaya napagdesisyonan ng ICC Trial Chamber 3
28:12na ituloy ang pagkakakulong sa kanya sa The Hague.
28:16Sa desisyong inilabas kahapon ng ICC Trial Chamber 3,
28:19sinabi nitong ang patuloy na hindi pagkilala ni Duterte
28:22sa horisdiksyon ng ICC sa kanya
28:24ay pagpapakita na hindi siya susunod
28:27sa anumang utos mula sa korte
28:28oras na palayain siya.
28:30Ang pagkumpirma raw ng Korte
28:32ng mga kasong crimes against humanity
28:33laban kay Duterte
28:34ay nagpataas ng panganib
28:36na tumakas siya sa tulong daw
28:38ng kanyang malawak na resources at contact
28:40gaya ng kanyang pamilya
28:42at mga taga-suporta sa Pilipinas.
28:44Kaya dapat daw patuloy siyang i-detain
28:46at hindi pa rin bigyan ng conditional release.
28:49Ang pag-review ng Trial Chamber 3
28:51sa detensyon ni Duterte
28:52ay bahagi ng opisyal na prosesong
28:54kailangan gawin ng Korte
28:55kada 120 days o apat na buwan
28:58alinsunod sa room statute.
29:00Sinagot din ng Korte
29:01ang isinumiting impormasyon
29:02ng defense team
29:02na nakararanas-umano si Duterte
29:04ng madalas na pagkahulog
29:05at kawalan ng balanse.
29:07Sabi pa ng Depensa,
29:09wala ng kapasidad si Duterte
29:10na maalala ang ilang detalye
29:12para makapag-utos pa sa iba
29:13na mang-impluwensya sa mga testigo
29:15o makialam sa proseso.
29:17Pero sabi ng Korte,
29:19walang nakitang basihan
29:20ang tatlong court-appointed medical experts
29:22na sumuri kay Duterte
29:23na baguhin ang kanyang kasalukuyang
29:26pagkakadetain.
29:27Ipinagpapasalamat ng mga kaanak
29:29ng mga biktima ng war on drugs
29:31ang desisyon.
29:31Sa mga biktima po,
29:33gumaan pong pakiramdam nila
29:35dahil po nagpas siya
29:38ang trial chamber
29:38na tuloy pong pagkulongan
29:40kay Mr. Duterte
29:42at ito po ay magandang balita
29:46po sa mga biktima
29:47kasi nakikita nila
29:49na umalahi po siya sa kanila
29:51at kaligtasan po nila
29:54ay naa-assure din po.
29:57Samantala, tuloy ang unang
29:58Saros Conference Hearing
29:59sa Miyerkoles, May 27.
30:02Sa dokumentong inilabas
30:03ng ICC Trial Chamber 3
30:04kahapon din,
30:06pinayagan ng Korte si Duterte
30:07na hindi dumalo
30:08sa unang status conference.
30:10Pag-uusapan dito
30:11kung kailan ang simula
30:12ng trial o paglilitis
30:13pati ang deadlines
30:14para sa magkabilang panig.
30:16Pag-uusapan din
30:17ang ilang detalye
30:18tulad ng pagprotekta
30:19sa mga saksi,
30:20deadline para sa
30:21victims' participation,
30:22lengwaheng gagamitin
30:23sa trial
30:24at iba pang protocol.
30:25Ang gusto po
30:27ng mga biktima
30:29ay agaran po
30:31at huwag na pong
30:32madelay
30:32yung pong
30:33paglilitis.
30:35Darlene Kai,
30:36nakatutok 24 oras.
30:39Pumanang na nga,
30:40ginamit pa
30:41sa pang-scam
30:42ang dating nag-viral na aso
30:44na si TikTok.
30:45Para makakalat
30:46ng awa at pera
30:47ay pinupost
30:48ng inerereklamo
30:49social media account
30:50ang mga litrato
30:51at video ni TikTok.
30:52At kabilang dyan
30:53ang litrato niya
30:54na may nakatarak
30:55sa kanyang pana.
30:56At ginawan pa
30:58ng bagong pangalan
30:58si TikTok.
30:59Tinawag siyang
31:00Lala.
31:02Si TikTok
31:02ang aspi
31:03na nasagip
31:04matapos
31:04punteriyahin
31:05ng mga pana
31:05at nasawi
31:06matapos aksidente
31:07yung masagasaan.
31:09Nanawagan na
31:10ang regional
31:10anti-cybercrime unit
31:12ng Negros Island Region
31:13sa mga na-scam
31:14na makipagtulungan.
31:16Nagpadala na
31:17ng mensahe
31:18ang GMA News account
31:19para subukan
31:19kunin ang panig
31:20ng nasa likod nito.
31:23Wala nang negosasyong
31:25magaganap
31:25sa pagitan ng gobyerno
31:26at New People's Army
31:27o NPA.
31:28Yan ang iginiit
31:29ni Defender Sekretary
31:30Gilbert Chodoro
31:31sa isang pulong
31:32sa Negros Occidental.
31:34Ay kay Chodoro
31:35tapos na ang peace talks
31:36pero mananatili
31:37ang niyang bukas
31:38ang gobyerno
31:38sa pagtanggap
31:39at pagtulong
31:40sa mga rebel returnees.
31:42Ang mga kaanak
31:43naman ang tatlong
31:43nasawi sa enkwentro
31:44sa Toboso,
31:45Negros Occidental
31:46noong April 19
31:47na isipahukay
31:48ang labi ng mga biktima
31:49para ma-autopsy.
31:50Hindi raw sila kumbinsido
31:52sa pagkamatay ng tatlo
31:54kaya humihingi sila
31:55ng tulong
31:55sa Commission on Human Rights.
31:57Bago nito
31:58ay nareklamo
31:58ng mga kaanak
31:59na nasawing
31:59si Errol Wendel
32:00na maling bangkay
32:02ang ipinadala
32:03sa kanila
32:04ng militar.
32:05Dati naiginiit
32:06ang Armed Forces
32:07of the Philippines
32:08sa enkwentro
32:08ang nangyari
32:09habang pamilya
32:10ng ilan
32:10sa mga nasawi
32:11na nindigang
32:12hindi miyembro
32:13ng NPA
32:14ang kanilang kaanak.
32:16Sabi naman
32:17ang Negros Occidental
32:18Police
32:18positibo sa gunpowder residue
32:20ang labing isa
32:21sa labing siyam
32:22na nasawi.
32:23Tumanggi ang polisya
32:24na pangalanan
32:25kung sino-sino
32:25ang mga ito.
32:30Break muna sa drama
32:31and suspense
32:32si ex-PBB housemate
32:33and sparkle star
32:34Will Ashley
32:35at ngayon
32:36bibida sa isang
32:37upcoming comedy series.
32:39Makichika tayo
32:40kay Athena Imperial.
32:44Mula sa pagiging
32:46tagapagmana
32:46ng hotel
32:47to being
32:50a hardworking
32:51delivery boy.
32:52Yan ang switch
32:53sa characters
32:54ni Will Ashley
32:55sa kanyang
32:56upcoming comedy series
32:57sa GMA
32:58Afternoon Prime.
32:59First lead serie
33:00ko nga po ito
33:01and sobrang blessed
33:03lang talaga
33:04na nasa
33:05gantong punto
33:06na ako
33:06ng buhay ko.
33:08Na-excite ako
33:08at ang dami ko
33:09nang naisip
33:10sa utak ko.
33:10Lalo na nung
33:11nakita ko
33:12yung mga
33:12kasama ko
33:13dito sa delivery boy.
33:15Looking forward
33:16din si Will
33:16na bigyang buhay
33:17sa serye
33:18ang mga nakakasalamuhan
33:19niyang career drivers.
33:21Ng mga nakaraang
33:22araw, weeks
33:23kagang pag nagpapadeliver
33:25ako inoobserve ko rin
33:26kung paano
33:26sila kumilos.
33:27Hanggang ngayon
33:28parang nasa
33:29ano pa rin ako eh.
33:30Process pa rin ako
33:31na pagbuo ng karakter.
33:33Ididirek
33:33ni na Dominic Zapata
33:35at Adolf Alex Jr.
33:36ang serye
33:37na pagbibidahan din
33:38ng mga batikang
33:39si na Kim P. De Leon,
33:41Mary Lesoriano
33:41at
33:42Direk Eric Kizon.
33:44Miss na miss ko
33:45kasi talagang
33:46mag-comedy.
33:47First time
33:48finally
33:48classmate ko
33:49sa independent cinema
33:51ng mga batchmates kami.
33:53So finally
33:54magkaka-work kami
33:56ni Direk Adolf
33:57and
33:58comedy pa.
34:00So
34:00mas exciting.
34:01Thankful
34:02kasi nakatrabaho ko
34:03po kayo alit
34:04and
34:04yung mga bagong
34:05writers
34:06and yung mga bagong
34:07artista
34:08ng GMA.
34:09I'm glad
34:10to be back
34:10and
34:11to be back
34:13in GMA.
34:14So
34:14it's been a long time.
34:15Kasama din sa serye
34:16sina Maricar De Mesa,
34:18Vince Maristela,
34:20Yasser Marta,
34:21Nikoy Morales
34:22at iba pang
34:23kapuso artists.
34:25Athena Imperial
34:25updated
34:26sa Showbiz Happenings.
34:32Sa mga gustong
34:33mag-last hirit
34:34sa Taguinit,
34:35subukang dayuhin
34:36ang Surigao del Sur.
34:37Gabi lang dyan
34:38ang Cold Spring
34:38at isla na bigla
34:40umanong
34:40sumusulpot.
34:42Pasyal tayo
34:42sa pagtutok
34:43ni Athena Imperial.
34:48This island
34:49is giving
34:50It's giving
34:51chill vibes
34:52kayong Taguinit.
34:53Maliit man tingnan,
34:55aba,
34:55huwag ismulin
34:56ang isla
34:56ng Cabgan
34:57sa Barobo,
34:58Surigao del Sur.
35:00Sakay ng
35:01pump boat
35:0225 to 30 minutes
35:03lang
35:04ang biyahe
35:04papunta sa isla
35:05mula sa
35:06Barobo port.
35:08Paglanding sa isla,
35:10babati ang
35:10pinong buhangin
35:11at tubig
35:12na malakristal
35:13sa linaw.
35:17Perfect
35:17for your family
35:19getaways.
35:21But wait,
35:22Barobo has
35:23more to offer.
35:24Ilang minuto
35:25lang mula
35:25sa Cabgan,
35:27mapapasyalan din
35:27ang Vanishing Island.
35:29Hindi talaga
35:30ito isla,
35:30kundi
35:31sandbar
35:32na sa gitna
35:33ng dagat
35:33ay lulubog,
35:34lilitaw.
35:35Pero FYI,
35:37halos isa
35:38hanggang
35:38dalawang oras
35:39lang ito
35:39lumilitaw.
35:40Lumulubog ito
35:41kapag
35:41high tide
35:42na.
35:49Mas gawing
35:50refreshing
35:51ang pasyal
35:52sa Barobo
35:53dahil pagbalik
35:54sa mainland
35:54mula sa
35:55island hopping,
35:56pwedeng mag
35:56side trip
35:57sa Bogak
35:58Cold Spring.
35:59Giginawin ka
36:00sa lamig
36:01ng tubig
36:03habang
36:03nagpapapresko
36:04sa lilim
36:05ng mga puno.
36:07Paniwala
36:08ng ilan,
36:09may healing
36:10properties
36:10ang tubig
36:11ng bukal
36:11na ito
36:12kaya naman
36:12binabalik-balikan
36:13ng mga turista.
36:15O,
36:16san tayo
36:16sa susunod
36:17na pasyalo
36:17food trip?
36:18I-share nyo
36:19sa 24 Horas
36:20Weekend page
36:21ang inyong
36:21travel
36:22at food
36:22adventures.
36:24Athena Imperial
36:25Nakatutok
36:2524 Horas.
36:31Thank you,
36:32Nelson.
36:32Thank you,
36:33Nelson.
36:33Sa mga
36:34athletes out there,
36:35alam namin na
36:35walang makakapigil
36:36kapag in the zone
36:38na kayo
36:38sa gitna
36:39ng laro.
36:39Alam natin yan.
36:40Totoo yan.
36:42Kahit ka sa basketball,
36:43di ba?
36:43Kahit umuulan nyo iba,
36:44tuloy pa rin
36:45sa paglalaro.
36:46Parang relate na relate ka,
36:47partner.
36:49Pero ibahin nyo itong
36:50magkaibigan sa
36:51Coronadal City
36:51na tuloy pa rin
36:52sa pagpipickleball.
36:53Sa gitna po yan
36:54ng
36:55dilim.
36:56Papawalang tinag
36:57ang dalawa
36:58kahit na nabalot
36:59ng dilim
36:59ang court
37:00dahil sa bigla
37:01ang power
37:01interruption.
37:02At para tuloy
37:03ang pickleball rally,
37:04flashlight
37:05ang kanilang
37:06ginamit.
37:07Naiinterrupt
37:07ang power
37:07pero hindi
37:08ang pawis nila.
37:09Hindi na
37:10nakuhanan sa video
37:11pero bumalik
37:11naman
37:11kalauna
37:12ng kuryente
37:12at naituloy
37:13nila
37:13ang laro.
37:14Patulay na
37:15para sa mga
37:16certified
37:16pickleball
37:17enthusiasts,
37:18John,
37:19kahit mawala
37:19ng ilaw,
37:20tuloy pa rin
37:21ang game.
37:25Parang pang buhay
37:26din, no?
37:27Kahit na
37:28ano pang pinagdaanan,
37:29tuloy pa rin.
37:30Tuloy, tuloy lang.
37:31At mga kapuso
37:32yan po ang mga
37:32balita ngayong
37:33Sabado.
37:33Ako po si Pia Arcangel.
37:35At ako po si Ivan Mayrina.
37:36Ito ang GMA News.
37:37Walang kinikilingan.
37:38Walang pinaprotektahan.
37:40Noon at ngayon,
37:41serbisyong totoo.
37:42At nalini natutulog
37:43ang balita.
37:44Nakatuto kami.
37:4524 oras.
37:52Outro
Comments

Recommended