Skip to playerSkip to main content
- Tricycle driver at pasahero, sugatan matapos sumalpok sa MPV
- Bagyong "Bavi", ganap nang super typhoon
- Sen. Marcoleta, kinasuhan ng plunder kaugnay sa P75M donasyon nina Ex-Rep. Mike Defensor at 2 iba pa
- VP Duterte, puwedeng dumalo o magpadala ng abogado sa paglilitis, batay sa notice ng impeachment court
- Rider at angkas, sugatan sa hit-and-run ng tricycle
- Binatilyo patay, kaibigan sugatan sa tama ng kidlat habang naliligo sa dagat
- Dating guro, patay matapos barilin sa kalsada
- 2 sa 8 suspek sa panloloob sa ilang gadget store sa Davao City at Tagum City, arestado
- Free trade deal, isa sa mga pinaplantsa sa "strategic partnership" upgrade ng ugnayang Pilipinas–Canada
- 10 monghe patay, mahigit 20 sugatan sa pagsagasa ng pickup truck na minaneho ng 11-anyos
- Ivan Mayrina at Rhea Santos, ni-recreate ang kanilang opening spiels sa Pinoy Abroad
- Aso, kinaladkad ng 2 lalaking nakamotorsiklo
- "Carrot Peak," tampok sa Mt. Tenglawan na sikat na hiking destination sa Northern Luzon

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Come on in!
00:05Come on in!
00:06Oh my God!
00:19Kuha ito sa isang intersection sa lawag city, Ilocos Norte.
00:24Nang aktong magkakatamaan ng paparating ng pulang MP via tricycle,
00:28pumpintiwong kotse pero huli na.
00:31Ang tricycle na nagtangkang umiwas, tumalbog sa harap ng MPV
00:35pero imbis na tumumba ay nagawang makatayo.
00:39Sugatan ang driver ng tricycle at ang kanyang pasahero.
00:42Ayon sa polisya, nagkaayos ang dalawang panig
00:45at sasagutin ang driver ng MPV ang pagpapagamot sa mga biktima.
00:53Bago ngayong gabi, ganap ng super typhoon ng bagyo
00:56sa labas ng Philippine Area of Responsibility
00:58na may international name na Bavi.
01:01Ayon sa pag-asa, sumailalim ang bagyo sa tinatawag na rapid intensification
01:06o mabilis na paglakas.
01:08Puling namata ng sentro nito, 3,090 km silangan ng Eastern Visayas.
01:13Oras na pumasok ito sa par sa Merkulis, tatawagin itong Bagyong Inday.
01:19Kumigilis ito, pakanluran, pero sa forecast ng pag-asa,
01:23posibleng umanga nito ng bahagya sa mga susunod na araw
01:25at tumbukin ang hilagang bahagi ng Luzon.
01:29Naantabayanan ang paglilabas ng arrest warrant laban kay Sen. Rodante Marcoleta
01:34sa kasong plunder na inihain ang ombudsman sa Sandigan Bayan laban sa kanya.
01:39Nagugat ang asunto sa pagtanggap umano niya ng 75 million pesos
01:43mula sa private donors noong congressman pa siya.
01:46Benefort si Joseph Moro.
01:50Sen. Marcoleta, definitely, ano na, for the solution, we're about to file it already.
01:57Matapos ang anunsyong iyan ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulya nitong lunes,
02:04inihain ng ombudsman sa Sandigan Bayan ngayong araw
02:07ang kasong plunder o pandarambong laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
02:11Isinamparin ang kasong paglabag sa Presidential Decree 46 o Batas
02:15laban sa pagtanggap ng mga regalo ng mga nasa gobyerno.
02:19Nagugat ang kaso sa pagtanggap ni Marcoleta ng 75 million pesos noong kongresista pa siya
02:24at bago ang campaign period sa pagkasenado noong Eleksyon 2025.
02:28Kinasuhan din ang mga nagbigay ng pera na sinadating Congressman Mike Defensor,
02:33Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
02:35Punto ng Ombudsman sa laki ng 75 million pesos hindi na ito maituturing ng ordinaryong kagandahang loob
02:42kundi katiwalian para makakuha ng pabor mula kay Marcoleta.
02:45Hindi rin daw maalimbali walain na lamang ebidensya ng 75 million pesos
02:50na hindi idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o Salen
02:56at Statement of Campaign Contributions and Expenditures o SOSE.
03:00Mismong si Marcoleta rin daw ang nagsabing utang na loob ang kanyang tinanggap na pondo.
03:04Gayit ng Ombudsman, ang isang nagsisilbi sa gobyerno ay hindi dapat magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino.
03:12May tuturing pa rin daw na plunder kahit galing sa pribadong indibidwal ang mga pondo.
03:17Hinihingan pa namin ng pahayag si Senador Marcoleta at iba pang mga kinasuhan.
03:21Bagamat dati ng sinabi ni Marcoleta na gawagawa lamang at imbento ang mga asunto para patahimikin siya.
03:28Si Defensor sinabing handa niyang harapin ang asunto pero iginiit na walang batayan ang kaso.
03:34Ang kanya raw donasyon at pribadong pera may deed of donation at may binayarang donor's tax.
03:40Persecution. Persecution to. Gusto na lang pagigipit, gusto na lang tumahimik.
03:45Lahat ng mga tumitira doon sa nangyayari ngayon na sinasabi wala pa rin nakikitang ustisya.
03:51Na yung ninakaw na pondo ng bansa, ayaw niyong imbistigahan.
03:54Nais daw siyang patahimikin dahil sa kanyang pagsasalita at panawagan para sa investigasyon sa mga paratang ng korupsyon.
04:02May kumausap pa raw sa kanya para tumahimik pero hindi niya sinabi kung sino ito.
04:07Dalawa tatlong beses yan na may mga kaibigan.
04:10Alam mo naman marami akong kaibigan din sa nakaupo sa administrasyon na tumahimik ka lang wala na itong mga kaso.
04:16Sinusubukan namin kunan ng pahayag ang ombudsman.
04:20Na-ruffle na ang mga kaso ni Marcoleta.
04:23Napunta sa 3rd Division ang pagdinig sa kasong plunder na non-vailable o walang piyansa.
04:28Di ringgi naman sa 1st, 4th at 6th Divisions ang mga reklamang paglabag sa Presidential Decree No. 46.
04:35Ang mga mahistrado ng mga dibisyon na may hawak ng kaso ang magdedesisyon kung kailan maglalabas ng arrest warrant
04:44laban kay Sen. Rodante Marcoleta at tatlong iba pa.
04:49Sabi ng PNP may nakalatag na silang protokol para sa pagdakip kina Marcoleta o sa ilabas ang arrest warrant.
04:56Kung sakaling sa Senado mangyayari ang pag-aresto ay makikipag-coordinate daw muna sila sa Senate leadership.
05:02Patuloy pang sinusubukang makuna ng reaksyon ng liderato ng Senado sa kaso ni Marcoleta.
05:08Joseph Morong, GMA News.
05:10Pinadalahan ng notice ng impeachment court si Vice President Sara Duterte
05:14para humarap sa impeachment trial na sisimulan sa lunes.
05:18Kaunaunaan itong impeachment trial sa isang vicepresidente ng Pilipinas.
05:22Sa notice na firmado ni Sen. Sherwin Gatchalian, ipinagbibigay alam sa vice na magsisimula sa July 6,
05:29alas dos ng hapon ang paglilipis.
05:32Sinabihan din si Duterte na humarap sa korte pero pwede rin magpadala na lamang siya ng abogado.
05:39Ngayong araw, nagpulong tungkol sa impeachment trial ang ilang Senador na uupong Sen. Judge.
05:44Tinaluhan niya ng walong majority Senators at dalawa mula sa minoriya.
05:53Riders sa Pampanga, muntik magulungan ng truck.
05:57Sa Bacolod City naman, isang motosiklo ang binaga at tinakbuhan ng tricycle.
06:01Ang mga diskrasya sa probinsya sa report ni Katrina Son.
06:08Biglang natumba ang isang motosiklong nakuhana ng CCTV sa isang kalsada sa barangay Takuling, Bacolod City.
06:15Binangga pala ito ng humaharurot na tricycle.
06:27Sa halip na huminto, dumiretsyo ang tricycle.
06:31Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang nagmaneho ng motosiklo.
06:35Ang nobya naman niyang nakaangkas.
06:37Nagtamo ng fractures sa likod.
06:39Hawak na raw ng polisya ang kopya ng CCTV.
06:43At tinutukoy na ang driver ng nakabanggang tricycle.
06:46Sa Lubaw, Pampanga, hagip ng CCTV sa barangay San Roque Arbol,
06:51ang isang rider na muntik ng magulungan ng truck.
06:55Sa ulat ng polisya, nasagi ng rider ang isang nakahintong jeep.
06:59Dahil sa impact, tumalbog ang rider hanggang sa masagiri ng kasabay na trailer truck.
07:05Unang sasakyan ay isang jeepney.
07:08Nung si Sabato turn right, huminto muna siya.
07:12Ngayon na sideswipe siya nung incoming na motorcycle.
07:15So tumalbog siya hanggang sa tumalbog din siya sa incoming naman na isang trailer truck.
07:22Ayon sa mga rumespundi, maswerte ang palabas ang direksyon ng pagtalbog ng biktima.
07:28Tumalbog siya doon sa ilalim po mismo ng truck ay talagang posibleng magulungan siya.
07:35Well in this case po ay tumalbog siya outward.
07:38Napakaswerte pa rin po at siya po ay ligtas.
07:41Nagtamo ng mga gasgas ang biktima na isang Indian national.
07:44Kinukuhanan pa namin siya ng pahayag.
07:48Katrinason, Jimmy News.
07:50Dalawang binatilyo ang tinamaan ng kidlat sa bayan ng Tuburan, Cebu.
07:55Ayon sa embesigasyon ng pulisya,
07:57naligo ang mga biktima sa dagat kasamang kanilang mga kaibigan
08:00nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.
08:05Patay ang 16-anyos na lalaki na nagtamo ng mga pasu sa katawan.
08:10Nagpapagaling naman sa ospital ang 14-anyos na kaibigan niya na nagtamo rin ng mga sugat.
08:19Patay sa pamamaril ang isang babae sa Maguindano del Norte.
08:24Batay sa embesigasyon, nakatayod sa tabing kalsada ang biktima ng lapitan at itumba ng gunman.
08:30Dead on arrival siya sa ospital.
08:32Na-recover sa crime scene ang isang basyon ng caliber .45 na baril.
08:36Tinutukoy pa ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin.
08:41Dating guro ang biktima at nagtatrabaho na sa LGU ng Datu Odin Sinsuat bago ang pamamaril.
08:50Naaresto ang dalawa sa walang sospek sa magkahiwalay ng panaloob sa ilang gadget store sa Davao City at Tagum City.
08:58Nahuli ang dalawa matapos maharang sa checkpoint ang van na ginamit ng grupo bilang getaway vehicle.
09:05Tagapasay City umano ang dalawa at tranche sa Marawi City.
09:09Na-recover ng mga polis ang mga tinangay na cellphone sa isang tindahan sa Marawi.
09:13Dito raw ibinibenta ang mga ninakaw na gadget.
09:16Bukod sa dalawa, arestado rin ang isang bumibili ng mga ninakaw na cellphone.
09:21Patuloy na tinutugis ang alim pang sospek.
09:24Aminado ang isa sa mga naaresto na kanya ang getaway vehicle pero ginit niyang wala siyang kinalaman sa krimen.
09:31Free Trade Agreement ang isa sa mga pinaplansyang mabuo sa pag-level up ng ugnayan ng Pilipinas at Canada sa
09:38tinatawag na Strategic Partnership.
09:41Lihag ito sa pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at Canadian Prime Minister Mark Carney.
09:46Ayon sa pahayag ng Prime Minister's Office, target mapirmahan sa taong ito ang Free Trade Agreement.
09:53Magre-resulta ito sa pag-triple ng kalakalan pagsapit ng taong 2035
09:58at magbubukas ng opportunities sa agriculture at forest products ng Canada.
10:03Bukod sa Free Trade Agreement, may mga napirmahang kasunduan sa energy at natural resources, pati sa kultura, turismo at labor
10:12and migration.
10:14Pakikipagpulong ang Pangulo sa mga negosyante at mga kumpanya sa pagmimina at enerhiya, information technology at business process management
10:22para hikayatin silang mamuhunan sa Pilipinas.
10:25Nagpahayag ulit ang Canada ng suporta sa posisyon ng Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea
10:31at sinariwa ang pinalakas na ugnayan sa depensa gaya ng paglagda
10:36ng Canada sa Visiting Forces Agreement at Mutual Logistics Support Agreement
10:41at paglahok ng Canada sa balikatan ngayong taon.
10:50Sensitibong balita mula sa Thailand.
10:52Nasa gasa ng humaharurot na sasakyan ng mga monghing nagsasagawa ng posisyon.
10:57Tita si CTTV ang pila ng mga monghe sa tabing kalsada patungo sa isang templo.
11:03Maya-maya dumating ang isang pickup truck.
11:06May mga monghing nakatalon sa bangketa pero ang mga hindi nakaiwas sinuyod ng kotse.
11:12Sampu ang patay.
11:14Sampu pa ang nasa ospital kabilang ang dalawang kritikat.
11:17Batay sa imbesigasyon, ang kotse ay minamaneho ng lalaking edad labing isa at may special needs.
11:25Tumalabas na itinakas ng bata ang kotse mula sa mga magulang.
11:29Ayon sa polisya, hindi makapagbigay sa kanila ng pahayag ang bata
11:33ay sinailalim sa assessment ng child welfare authorities.
11:37Sa Thailand, walang criminal liability ang mga batang wala pang edad labing dalawa.
11:48Daang daang libong Pilipino nakakalat sa buong mundo.
11:51Narito na ang programang magpapakita ng tunay na drama ng buhay.
11:55Kakaibang nostalgia ang hatid ni na Ivan Mayrina at dating kapuso anchor Reyes Santos
12:01nang muling magkita sa Canada.
12:03Silipin natin ang buhay ng mga Pinoy abroad.
12:06Ni-recreate ng dalawa ang kanilang opening spills mula sa kanilang programa noong early 2000s na Pinoy abroad.
12:14Kwento ni Ivan, dalawang take lang bago nila na-deliver ang mga linya like it was 2005 all over again.
12:212019, nang mag-migrate sa Canada si Reya kasama ang kanyang pamilya.
12:26Nasa Canada naman si Ivan para iulat ang official visit ni Pangulong Bongbong Marcos.
12:32From farmers carried to carrying shopping bags in Vietnam.
12:37Pabirok i-filex ni Kapuso Hawk Derek Monasterio ang tila real-life application ng kanyang workout
12:43kasama ang girlfriend na si El Villanueva.
12:46Apoy sa dugo co-star Ashley Ortega at sparkle star Roxy Smith.
12:52Enjoy ang apat sa beautiful sceneries sa Ho Chi Minh.
12:57Animated documentary film na 58th ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.
13:03Wagi sa 2026 Dock Edge Festival sa New Zealand.
13:09Taylor Swift at Travis Kelsey kasal na?
13:12Ayon sa ulat ng page 6, ang entertainment section ng US newspaper na The New York Post ikinasalang dalawa sa
13:20isang private ceremony.
13:22Wala pang kumpirmasyon si na Taylor at Travis.
13:25Pero kapansin-pansin ang puspusang preparasyon sa Madison Square Garden sa New York
13:30ang napaulat na venue ng kanilang wedding celebration.
13:34Athena Imperial, GMA News.
13:39Walang awang kinaladkad ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang isang aso sa Sorsogon City.
13:45Sa ako na lang! Sa ako na lang! Mamamatayo!
13:50Lupay-pay na ang asong yan nang maabutan ang isang concerned citizen.
13:54Ayon sa grupong Sorsogon Animal Rescue and Adoption,
13:57wala silang informasyon kung buhay pa ang aso o kung nasaan na ito.
14:01May lead na raw sila sa pagkakilanla ng mga kumaladkad sa aso.
14:05Umapila ng tulong sa publiko ang grupo para matuntun sila.
14:10Matatayog na pine trees, tanawing balot na mga ulap,
14:13at bahagi ng tuktok ng tinatawag na carrot peak.
14:17Yan ang hatib ng isang sikat na hiking destination sa Northern New Zone
14:20na susubok daw sa tibay ng mga umakit nito.
14:23Sige tayo dyan kasama si Sandra Aguinaldo.
14:29Kung bundok nasusubok sa lakas ng binti, tibay ng katawan,
14:33at pasensya ng hikers ang usapan,
14:36hindi magpapahuli ang mountain lawan sa Bakon Benguet.
14:40Sa taas ng 1,943 meters above sea level,
14:44kilala ang bundok sa matarik nitong trail,
14:47malalawak na damuan, at matatayog na pine trees.
14:50Ang hiker na si Romel, challenge accepted nang sumukan niya nitong linggo
14:56ang sikat na hiking destination sa Northern Luzon.
15:00Mula sa paana ng bundok, apat na oras ang lakaran.
15:04Ito yung nature na maririnig na yung tanog ng pine trees
15:09na parang umuulan, pero hindi naman.
15:14Diba? Ganda sa pahingan.
15:15Bawat akbang, kapalit ang tanawing unti-unting nagbabago
15:20mula sa lunti ang kabundukan
15:23hanggang sa malalawak na rolling hills
15:25na bumabalot sa Bakon.
15:28Sampung minuto ang layo mula sa summit,
15:30makikita ang tinatawag na carrot peak.
15:32Ang matarik at matulis na rock formation na ito,
15:36hawig daw ang isang higanting carrot.
15:39Mula sa impapawid, mas lalong lumilitaw ang lawak ng kabundukan.
15:44As you can see, walang clearing.
15:46Pero okay lang.
15:49At isarating natin siya.
15:53Okay.
15:54So, thank you Lord for having me here.
15:59Bagamat hindi ibinigay ng panahon ang inaasahang view,
16:02para kay Rommel, sulit pa rin ang pagod.
16:05Dahil may mga bundok na hindi lang inaakyat para sa tanawin,
16:09kundi para sa karanasang hindi kayang takpan ng mga ulap.
16:15Sandra Aguinaldo, GMA News.
16:19At yan ang mga balita ang dapat niyong malaman.
16:22Ito ang GMA News.
16:23Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
16:26Noon at ngayon, servisyong totoo.
16:27Ako po si Atom Raulio at ito ang State of Indonesia.
Comments

Recommended