00:00Nakatulong ang mga kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:05kontrakatiwarihan sa pagangat ng Pilipinas sa upper middle income status.
00:09Ang detali niyan sa report ni Carlo Candelaria.
00:14Official ng kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pasok sa upper middle income country category
00:20matapos i-anunsyo ng World Bank ang pagangat ng bansa sa naturang kategorya.
00:24Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DEFDEV,
00:28na abot ito matapos lumampas ang average income ng bansa kada Pilipino
00:32sa minimum na kinakailangan upang mayangat ang Pilipinas sa upper middle income status
00:37batay sa sukatan ng World Bank.
00:39Batay sa pinakahuling income assessment ng World Bank,
00:42umabot sa US$4,850 ang gross national income per capita ng bansa noong 2025
00:48na mas mataas sa itinakdang US$4,636 na threshold para mapasama sa upper middle income category.
00:56Sinabi ni DEFDEV Secretary Arsenio Balisaca na patunay ito ng katatagan ng ekonomiya
01:01sa kabila ng iba't ibang hamon sa loob at labas ng bansa.
01:04Inaasahan ding magbibigay ang bagong status ng mas mataas na kumpiyansa
01:08mula sa mga local at foreign investors,
01:10mas magandang credit standing ng bansa,
01:12at mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
01:15Para kay RCBC Chief Economist Mike Ricofort,
01:18matagal nang inaasahan ang pagangat ng Pilipinas sa upper middle income status,
01:22ngunit naantala ito dahil sa epekto ng pandemya.
01:26Sumabay pa dyan ng iba pang pandaigdigang hamon sa ekonomiya
01:29gaya ng pagpataw ng mataas na taripa ng Amerika
01:31at ang yera sa Middle East na nagdulot ng pagsipa ng presyo ng langis.
01:35Dito sa Pilipinas,
01:36naka-apekto rin ang umanoy underspending ng gobyerno noong 2025
01:40dahil sa mga nadeskubring anomalya sa mga flood control projects.
01:44Dagdag pa ni Ricofort,
01:46nakatulong ang mga hakbang kontra-korupsyon ng pamahalaan
01:48para mahitaas ang kumpiyansa ng mga investors na mamuhunan sa bansa.
01:52Yung mga reporma ngayon going forward, tinitignan din yan.
01:55Yung mga anti-corruption, yung mga reporma,
02:00especially that would require legislation.
02:02Lahat kasi yun para i-improve yung governance standards,
02:07anti-corruption measures,
02:09at pag na-level up yung governance standards,
02:13that would further improve the sentiment and the confidence of investors
02:18to put money here in the country, both local and foreign.
02:21Gayun man, sinabi rin ni Ricofort na hindi agad mararamdaman
02:25ng lahat ng Pilipino ang benepisyon ng bagong status
02:27dahil nananatili pa rin ang mga hamon gaya ng inflation,
02:31mataas na importation costs,
02:33paglakas ng dolyar at epekto ng El Niño sa produksyon ng pagkain.
02:37Malaking bagay naman anya sa pagtaas ng kita ng bansa
02:40ang wage hike sa Metro Manila
02:41at ang patuloy na pagpasok ng remittances mula sa mga OFW.
02:45Maraming nakatulong din yun na yung per capita income ng bansa natin,
02:50medyo umangat at yung OFW remittances natin,
02:54more than $40 billion per year yan.
02:56We're the fourth biggest in the world.
02:58Kahit tumakas yung dolyar,
03:00may mga dollar earners naman tayong nakikinapang.
03:03Well, it's not all bad news.
03:04Sa kabila ng pagkilala ng World Bank sa pagangat ng ekonomiya ng bansa,
03:08tiniyak naman ng pamahalaan na hindi rito nagtatapos ang trabaho.
03:11Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto,
03:14nakatoon pa rin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:18sa pagpapababa ng inflation,
03:20paglikha ng mas maraming trabaho,
03:22paghikayat ng mas maraming mamumuhunan
03:24at pagpapatupad ng mga programang magpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino.
03:29Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.
Comments