Skip to playerSkip to main content
Humarap sa Senado ang tiyahing pulis ng 14 taong gulang na namaril sa isang paaralan sa Tacloban.


Ang giit niya, walang paalam na kinuha ng pamangkin ang kaniyang baril sa nakakandadong taguan sa loob ng naka-lock niyang bahay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kumarap sa Senado ang kiyahing polis ng 14 na taong gulang na namaril sa isang paaralan sa Tacloban.
00:08Ang giit niya, walang paalam na kinuha ng pamangki ng kanyang baril sa nakakandadong taguan sa loob ng nakalaknyang bahay.
00:18Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:24Ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban ay nakagigimbal di lamang dahil tatlong bata ang nasawi at
00:31maraming iba pa ang nasaktan.
00:33Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kanina,
00:40tila sariwa pa sa ina ng nasawing si Joyan Sisepara ang nangyari.
00:45Hiling niya, babaan ang edad na pwedeng makasuhad ang bata at sana raw mapatawan ng mas mabigat na parusa.
00:54Sa ilalim ng batas, ang 14 anyos na namaril na si alias Nash, walang pananagutang kriminal base na rin sa
01:02kanyang edad.
01:03So paano yan? Isa sa ano lang yan sa bahay? Pag-asa? Pwede naman siguro. I agree.
01:12Yung sinabi ni Tolfo, I agree po. Yung sinabi niya, pwede naman siyang makulong doon sa ibang pasilidad na pwede
01:24sa kanilang edad
01:25para di nila maramdaman yung sakit, yung parusa na karapat-dapat sa kanila eh.
01:33Disiplinahin din sila. E yung bata na yan, nakamatay yan eh. Nakamatay yan. Nakamatay yan ang tao. So ano? Ibababahay
01:41pag-asa lang yun? Ha?
01:45Humarap sa publiko sa unang pagkakataon ang tiyahing pulis ni alias Nash.
01:50Siya ang may-ari ng Glock 17 pistol na pinaputok ni alias Nash ng mahigit 30 beses ayon sa mga
01:58pulis.
01:59Kwento ng kanyang tiyahin, kinuha raw ni Nash ang baril nang walang paalam sa nakakandadong taguan niya.
02:06Dumaan umano si Nash sa bintana para mapasok ang nakalak daw niyang bahay.
02:12Nash unlawfully entered my own house. It's not a room po, it's my own house.
02:19It's a house?
02:20Yes po. He forcibly damaged my locker. It was locked. And my house was locked as well po, ma'am.
02:34Pero yung locker ay plastic locker.
02:36Plastic locker and my firearm was inside a gun box. The locker was as well locked po.
02:42And I'm only the one who had possession of the keys to my house.
02:49Tinanong din siya tungkol sa napabalita na dinala niya sa firing range ang batang pamangkit.
02:55I only bring him once.
03:00You brought him just once?
03:01Just once.
03:02Bakit? Anong reason? Ba't niyo siya dinala sa firing range para turuan na mag-firing? Anong dahilan?
03:09He usually told me that he wanted to be a police officer like me.
03:17He looked up on me. Yun po. He wanted to be a police officer and he was asking if I
03:27could bring him sa firing range.
03:31Kwento rin ang tiyahin. Napansin daw niya na nag-iba ang kanyang pamangkin ng magbinatana.
03:37Yung napapansin ko po kay Nash is masyadong haba ang oras niya sa cellphone.
03:43He is introvert more or most of the time hindi siya nakikipag-usap.
03:49Gusto lang niyang mapag-isa.
03:51Nung siguro nag-pu-puberty na po siya, doon siya nag-start na magkaroon ng sarili niyang mundo.
03:58Naasampahan na ng reklamang murder ang pangalawang suspect na si Alias Rod.
04:02Sinubukan daw ng Senate Committee na imbitahin din ang kanyang pamilya sa pagdinig pero hindi sila matuntun.
04:09Panukala ni Sen. Rafi Tulfo, amyandahan ng batas para magkaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga minorityedad na nakagawa
04:17ng karumaldumal na krimen.
04:19Bagamat hindi sila dapat isama sa regular na kulungan, hindi rin daw sila dapat nakahalo sa ibang bata sa bahay
04:27pag-asa.
04:28What I saw in the US, juvenile detention center na talagang kulungan. May mga selda.
04:36Bawat bata pagdating sa gabi, nandun sila sa kanilang selda to make them feel na sila ay nasa facility na
04:43para gampanan yung parusa na ipinataw sa kanila.
04:49Humarap din sa komite ang ilan pang magulang at kaanak na mga namatay at nasugatan sa pamamaril.
04:56Nagbabala naman si Komite Chair Riza Ontiveros, pati ang ilang eksperto tungkol sa 764,
05:03isang international network na nagsusulong umano ng karahasan at extremism sa social media at gaming platforms.
05:11Pusibling na-influensyahan daw nito ang mga suspect.
05:14May indikasyon din daw na may adult groomer ang mga suspect base sa pag-aanalisa sa Facebook account na pinaniniwalaan
05:22kay alias Nash.
05:23Pakay na mga groomer na makuha ang loob na mga bata online para ma-manipulate sila.
05:30Pagkatapos ng barilan, nagpost ng comments sa page na ito ang tila mga miyembro ng parehong grupo.
05:40Makikita ang sinasabi ng mga miyembro ng grupo na sumosuporta sa ginagawa niya.
05:47Sa comment ng isang Sedyk Riazanov, sinabi, na-edit na kita boy sa TikTok, make sure na delete mo ang
06:01Discord, Reddit, Telegram para walang evidence mahanap.
06:07Itong Sedyk Riazanov rin ang pinaghihinalaang adult groomer ng mga batang ito.
06:17Ayon sa ilang eksperto at advocates, may palatandaang may mga dayuhan na nagpapakalat sa Pilipinas ng nihilistic violent extremism
06:26o yung galit sa lipunan, pagsasagawa ng kaguluhan at iba pa.
06:31Nagiging daan daw ang online games at social media para makarecruit sila ng kabataan.
06:38Dumalo rin sa pagdinig ang kinatawa ng Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook na nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima
06:45ng Tacloban School Shooting
06:47at sinabing makikipagtulungan sila sa mga otoridad sa investigasyon.
06:51Peace, rest assured that protecting young people online is not just a policy position for Meta,
06:58but it is a responsibility that Meta take it seriously.
07:02Upon learning of the incident, Meta removed the perpetrator at Cal and took down content glorifying and supporting the attack.
07:13We also removed the perpetrator-generated content and any material that depicting the moment of violence against wishable victims.
07:21Meta also applied the disturbing content warning on the aftermath footage.
07:28And also shortly after the incident, we reached out to the law enforcement to press our support to assist in
07:35their investigation.
07:36Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.

Recommended