00:00Gagamitin daw ng Office of the Ombudsman ang mga testimonya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:06para sa binubuong kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay sa 2025 budget.
00:12Ayan kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, isa ito sa mga dahilan kung bakit gagawing state witness si Bonoan
00:17sa mga kaso kaugnay sa flood control projects.
00:20Eksklusibong nakuha ng GMA News ang mosyon ng Ombudsman para amyendahan ang case information
00:26sa mga kasong graft at plunder laban kay Bonoan.
00:29Hiniling nila sa Sandigan Bayan 2nd Division na humahawak sa graft case
00:33at sa 5th Division na humahawak sa plunder case na gawing state witness si Bonoan sa halip na akusado.
00:39Hawak na rao ng Ombudsman ang mga ebidensya kaugnay sa implementasyon at koleksyon umano ng mga kickback
00:45mula sa mga proyekto ng DPWH.
00:47Ang mahirap daw ipakita ay ang pagpapasya sa pinakamataas na antas ng gobyerno
00:52kaya nangyayari ang malawakang katiwalian.
00:55Ayon kay Clavano, maraming alam si Bonoan bilang dating DPWH Secretary
01:00at handa rao makipagtulungan sa investigasyon kaugnay sa 2025 budget.
01:05Si Bonoan daw kasi mismo ang kumakausap sa mga kongresista
01:09at iba pang kapwa matataas na opisyal ng gobyerno.
01:12Dagdag ni Clavano, posibleng may papel si Romualdez sa hatian ng kickback sa mga proyekto ng DPWH.
01:19Sinisikap ang puna ng bagong pahayag si Romualdez.
01:22Dati na niyang itinanggi na may kinalaman siya sa budget insertions
01:26kaugnay sa flood control projects.
01:30Yung grand case of conspiracy and plunder na ang pinaka-punot-dulo nun
01:38ay si former Speaker Martin Romualdez.
01:41Yung budget po ng DPWH, yung budget ni former Secretary Manny Bonoan,
01:47yun po ang kinalikot na budget ng House leadership at that time.
01:53The former House Speaker may have had a big role to play when we talk about percentages.