00:00Patinding trauma ang iniwan sa mga estudyante at langguro
00:03ng nangyaring pamamaril ng dalawang estudyante sa San Jose National High School
00:07sa Tacloban, Leyte.
00:09Para pag-usapan ng gagawing psychosocial intervention
00:12na pangunahan ng Department of Social Welfare and Development,
00:16mapanahin po natin si DSWD Secretary Rex Gatchalian.
00:20Secretary, magandang umaga.
00:21Ikan, magandang umaga.
00:23Magandang umaga rin sa lahat ng nanonood at nakikinig sa inyong programa.
00:26Again, thank you for having me.
00:27Paano ang gagawing psychosocial intervention sa mga estudyante at guro?
00:31Siyempre, na-trauma po sa Tacloban shooting.
00:34Anong proseso po rito, Secretary?
00:36Ikan, actually, ang nagsispearhead neto dahil nasa loob siya ng school,
00:39sila Secretary Sani Angara sa pamumuno ng DepEd.
00:42So nag-organize sila ng mga multiple sessions kasama na doon ng DSWD
00:46pati na ng Department of Health.
00:48So it's a series, actually, nandun ako, nakita ko nga na ginagawa na,
00:52it's a series of psychosocial, parang, decompression.
00:57Kasama na doon yung trauma management.
01:00Ang importante kasi dito, Ikan, matulungan natin sila ma-process yung nangyari.
01:05Kasi bawat individual, iba-iba yung pagkaka-process na nangyari.
01:10Naukame sa DSWD, Ikan, bukod sa mga social worker namin,
01:14partner namin ng Ateneo School of Psychology.
01:19So kasi sila, may experience sila.
01:22Sa katunayan, nung pumunta ko doon noong Wednesday,
01:25kasama ko yung isang clinical psychologist nila
01:29who happens to also be a lecturer in Ateneo Department of Psychology.
01:34So sila yung ngayon nag-a-assist sa amin para makagawa ng maayos na programa
01:39para hindi lang ito short term, kundi long term.
01:43Paliwari po natin, Sekretary, dito naman sa Juvenile Justice and Welfare Act.
01:47Kung nakakalat kasi na pag minor de edad ang gumawa ng krimen,
01:51hindi sila makakasuhan.
01:53Ikan, may cut-off kasi yan.
01:56Pagdating po ang nakasaan sa batas,
01:58pag ikaw ay 15 years old plus one day hanggang sa 18 years old,
02:03meron kang criminal liability kapag may discernment ka.
02:07Ang ibig sabihin ng discernment, alam na alam mo yung ginagawa mo.
02:11Planuhan mo, sinubukan mo itago,
02:14alam mo ang konsepto ng right or wrong,
02:17or alam mo yung consequences.
02:18Ngayon, pag na-determine na may discernment ka,
02:21meron kang criminal liability sa sampahan ka ng kaso,
02:24pero kadalasan, Igan,
02:28nasususpend yung sentence na yun,
02:29pero in return, iniiwan siya sa rehabilitation center ng DSWD.
02:35Ngayon, sa period na yun, magkakaroon ng intervention,
02:39tapos nun, i-assess.
02:42Pag nakita nila na,
02:43nakita namin at sinabi ng social worker na hindi pa rin umubra,
02:47makukulong siya sa regular na kulungan pagdating niya ng 18 years old.
02:51Sa katunayan, may ganyan tayong mga cases na,
02:53i-muna sa amin, ni-rehabilitate, hindi na-rehabilitate,
02:57ikinulong pa rin sa regular na kulungan pagdating niya ng 18.
03:01Now, yung isa naman, yung 14 years old.
03:03Ang mangyayari sa kanya,
03:05akala kasi naman namin tao dahil walang criminal liability,
03:08yung below 15 years old,
03:10eh normal yung buhay niya, hindi ganun yun.
03:12Nasa amin rin siya, i-rehabilitate siya,
03:15hindi namin siya papakawalan hanggang nakita namin na nagbago siya,
03:20pero pag hindi, nasa amin siya, nakadating siya sa isang bahay pag-asa
03:24o sa isang center namin na para sa kabataan, in conflict with the law.
03:29At dito sa bahay pag-asa, magtatagal siya, depende sa korte?
03:36Depende sa korte at depende na rin sila sa finding ng mga social worker natin,
03:42pati na rin ng mga child psychologist natin.
03:44Meron kasing gagawing multidisciplinary team,
03:47kasama doon ng mga doctors, kasama doon ng child psychology,
03:51mga kasama doon na psychologists, kasama doon ng social worker.
03:55Malaki magiging gampanin na social worker
03:57kasi siya yung gagawa ng plano, ng intervention plan,
04:01pero at the same time, siya rin yung magbomonitor
04:03at magre-report sa korte regularly
04:05para masabi kung naging maayos ba yung plano na execution,
04:10nagbago ba, nakitaan ba natin ng remorse.
04:13Pag hindi, mananatili siya sa amin.
04:15In fact, yung doon sa below 15 years old,
04:18minimum of one year ang stay sa amin.
04:20Pero sa experience namin, tumatagal yan.
04:22Lalo na itong kaso na to, medyo karumaldumal.
04:26Kaya tatagal yan sa amin.
04:27So hindi magiging normal yung buhay niya.
04:30Hindi na rin niya kapiling yung kanyang mga magulang.
04:33Wala na siya sa komunidad.
04:35Aalisin namin siya doon.
04:36Okay, sakaling pumasa sila sa intervention ng DSWD
04:39sa Bahay Pag-asa,
04:41laya na siya, babalik na siya sa komunidad,
04:43sa kanyang mga magulang?
04:46Ang tinutukoy ba natin, yung 14 years old?
04:48Yung 14, oo.
04:49Yung 14, i-reintegrate siya pabalik sa kanyang komunidad.
04:53Pero again, Igan, gusto ko ulit-ulitin na matagal na proseso yun.
04:57At minsan, hindi pa nga nangyayari.
04:59Meron pa rin mga nasa Bahay Pag-asa
05:02o nasa Rehabilitation Centers namin.
05:05Kasi dalawa yan, Igan, merong Bahay Pag-asa
05:08tapos meron pa kami yung Regional Rehabilitation Centers for the Youth.
05:13Kamukha rin lang naman yun.
05:14Parehas na pasilidad yun.
05:15Meron kami na years na nasa amin pa rin.
05:18At di binabalik.
05:20Kasi nga, masalimungot yung ganyang pagkakakorek
05:24o yung interventions.
05:25Kailangan makitaan natin sila na na-achieve yung restorative justice.
05:28Yung para nakita ng social worker na nagbago,
05:32na unawaan niya yung ginawa niya,
05:34humingi ng tawad,
05:35nagkaroon ng struktura yung buhay
05:37para itama yung kanyang pananaw
05:40o yung kanyang buhay.
05:41Pero si 15 years old na may criminal liability na,
05:45pagkatapos niya sa intervention na ginagawa niya sa kanya,
05:50isasama na siya pagdating sa tamang idal
05:51sa mga hardened criminal o matatandang criminal.
05:54Tama ba?
05:55Depende sa korte yun.
05:57Merong pag nakitaan ng maganda yung kanyang ginawa
06:02o yung naging asal niya sa loob,
06:05ibabalik siya.
06:07Merong may tinatawag iga na diversion plan naman.
06:10Yan yung kumbaga,
06:11parang nakabalik ka na sa komunidad mo
06:13pero meron ka pang mga commitment na gagawin
06:16kung saan yung mga social worker,
06:19imomonitor ka
06:20at kung lumabag ka doon sa mga agreement natin,
06:24ibabalik ka ulit sa loob.
06:25Or this time,
06:26baka pag nasa age of majority ka na,
06:28sa kulungan na.
06:29Bigan-bigan kita ng example,
06:30yung Maguat Case,
06:32yung sa North Cotabato,
06:33kasi similarly situated,
06:35yun yung dalawa sila na minority edad
06:37na pinatay nila yung
06:38ang mga tunay na anak,
06:40nung adaptive,
06:41kasi inadapt yung isa doon,
06:42yung babae.
06:44Pinatay nila yung dalawa nilang kapatid
06:47na biological.
06:48When I say nila,
06:49kasi pati yung nobyo niya nakisama.
06:52So doon sa case na yun,
06:53nilagay muna siya sa
06:54regional rehabilitation center namin
06:56kasi suspended yung sentensya.
06:59Pero after three years,
07:01hindi namin nakitaan ng pagbabago.
07:04Ngayon, nakakulong na sila parehas
07:06sa regular na kulungan
07:08ng matatanda.
07:09Okay, sa ganito mga pagpaliwanag,
07:12wala sa edad itong Juvenile Justice
07:14ng Welfare Act,
07:15hindi kayo pa muna ibaba
07:16ang age ng criminal liability.
07:18Sekretary?
07:19Igan, at this point,
07:21yung personal kong opinion,
07:22isasang tabi ko at hindi na importante yun.
07:24Ang posisyon namin,
07:26katulad ng posisyon
07:27ng ating Pangulo,
07:28open tayo
07:30sa mangyayaring mga dialogo,
07:32sa mga pag-uusap
07:33at pag-revisita
07:34dito sa batas na to.
07:36Kung matatandaan nyo,
07:37itong last Monday,
07:38sinabi ni Yusec Claire Castro
07:40na open ang ating Pangulo,
07:42naribisitahin,
07:43makinig,
07:45sumali
07:46sa dialogo
07:47o sa mga debate
07:48na mangyayari
07:49tungkol sa pagbababa
07:50ng minimum age of criminal responsibility.
07:52At katulay,
07:54pinapatawag na kami
07:55sa Senado
07:55sa July 1.
07:56At alam ko,
07:57ito ang main topic.
07:58So,
07:59open kami.
08:00Makinig,
08:01lumahok
08:01at pakinggan
08:03yung mga data
08:03na lalabas
08:04o yung mga analisa
08:05tungkol sa issue na to
08:07at pati na rin sa issue
08:08kasi,
08:09Igan,
08:09nag-iba na yung mundo eh.
08:10Nung hinubog yung batas,
08:11iba na rin ngayon.
08:12Meron ng social media,
08:13may iba't iba ng mga aspeto
08:15pero,
08:15we're open to listening
08:16and to joining the dialogue.
08:19Maraming salamat,
08:20DSWD Secretary Rex Gatchalian.
08:22Ingat po.
08:23Maraming salamat, Igan.
08:24Magandang umaga.
08:28Maraming salamat, Igan.
Comments