00:00Samantala, naniniwala si Sen. Dante Marcoleta na planado ang nakatakdang pagsasampan ng kasong plunder laban sa kanya.
00:06Gagawin niya ito para pigilan ang pag-iimbestigan niya sa flood control scandal at ang paglahok niya sa impeachment trial
00:12ni Vice President Sara Duterte.
00:14Itinanggi naman ng ombudsman na namimili lang sila ng kakasuhan at pinag-iinitan nila si Marcoleta.
00:20May unang balita si Jonathan Andal.
00:39Nanindigan si Sen. Rodante Marcoleta, hindi siya mapatatahimik nang napipintong paghahain ng kasong plunder ng ombudsman laban sa kanya.
00:47Kaug na yan ang hindi diniklarang P75M na natanggap na regalo o donasyon nung kongresista pa siya bago tumakbo bilang
00:55Senador noong 2025.
00:57Ayon kay Marcoleta, gusto siyang ipakulong para pigilan ang investigasyon niya sa flood control scandal at para hindi siya makalahok
01:04sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
01:07Ang isa pa pong inaasahan nila ay hindi na po ako makakasali doon sa impeachment proceedings na nakatakda pong magsimula
01:16sa susunod na linggo.
01:17Sa mga tweed, dalawang ibon sa isang putok, mga kababayan.
01:20Tanong ni Marcoleta, bakit siya ang inuuna at hindi ang mga taong nasa likod anya ng nakawan?
01:26Yung taong nasa likod ng lahat ng kasalanan ito ng pagnanakaw, hanggang ngayon ay wala pa po silang ginagawang pag
01:34-uusig.
01:34Meron na pong isang demanda kay Martin Romualdez na nakabimbin pa April 2026.
01:44Yung isa na inakusahan na dating kalihim ng DPWH ay kinalang kinasangkapan upang siya din ay maging state witness.
01:56Ang promotor umano ng kaso laban sa kanya, si Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
02:02Noong kami po ay nagtatalo-talo sa bulwagan ng Senado, isa sa amin ang nagsabi na sometimes we have to
02:10bend the law.
02:11At sumagot po ang Ombudsman nang tinanong siya kung tama ang kanyang sinabi, alam na po ninyo kung yung sinagot
02:19niya.
02:20Ang tinutukoy ni Marcoleta ay itong September 23 Blue Ribbon Hearing tungkol sa flood control scandal.
02:27DOJ Sekretary pa noon si Remulia.
02:29Sometimes you have to bend the law to be able to please the people.
02:36Mas mataas po ang taong bayan sa mataas. Am I right, Sekretary Remulia?
02:41Yes, sir.
02:44Sa budget hearing ng Ombudsman noon, nagbigay ng paglilina ukol dyan si Remulia sa pamamagitan ng budget sponsor na si
02:50Sen. Sherwin Gachalian.
02:51He is expressing to this August body that he will abide by the rule of law and he will not
02:58bend the law.
03:00Bintang ngayon ni Marcoleta, planado ang plunder case laban sa kanya.
03:04Kasi dalawang linggo bago nagpahayag ang ating Ombudsman, sinabi na rin ni Ping Lakson na tila siyem pa na senador
03:14ang makukulong.
03:16Parang alam na niya ang mangyayari.
03:18Buwelta agad ni Lakson, nang gagaslight o nanlilin lang na naman si Marcoleta.
03:23Hypothetical o halimbawa lang daw ang sinabi niya noon tungkol sa siyem na senador na posibleng maaresto.
03:29Kino-compute niya kasi noon kung ilan ang matitirang aktibong senador at ilan ang kailangang two-thirds na boto para
03:35makapag-convict sa impeachment trial.
03:37Itinanggi naman ni Remulia na pinag-iinita nila si Marcoleta.
03:41There's a big rally or commotion in EDSA.
03:47And of course our friends from the INC are the ones who instigated it.
03:55Due to a feeling that they have, that Rodante Marcoleta was being singled out among other people.
04:06And we all know that that is not true.
04:08Hindi raw niya iniutos na hanapan ng kaso ang senador.
04:12Tuloy ang paghahain ng kaso ngayong linggo.
04:14I never instructed anybody to conduct that investigation.
04:17It was brought up by, I don't know what team, and the work was good.
04:23So, I said, we will find the case.
04:27Tama naman, di ba?
04:27When the evidence presents itself in front of you, you might as well bring it to court.
04:32Lalo-lalo nga, ito yung example na gusto ng tao.
04:37Mataas man o mababa, katamaan sa atin pag mali ang ginawa.
04:42Gate ng ombudsman, mismong kay Marcoleta galing ang ebidensya dahil sa pag-amin itong tumanggap siya ng 75 million pesos.
04:49It's hard to see kung saan po nanggagaling si Sen. Marcoleta dito dahil yung kaso mismo ay yung ebidensya mismo
04:58na ginamit ng ating mga investigador ay nanggaling din po sa kanya.
05:02Is it our mandate to stop cases?
05:05Perhaps not.
05:06It is our mandate to investigate and prosecute cases.
05:10And once the evidence is there, and in this case the evidence was amply supplied by the respondents themselves,
05:17we have, our hands are quite tied here.
05:20Hindi rin daw totoo na namimili lang sila ng kakasuhan.
05:24May preliminary investigation niya laban kay dating House Speaker Martin Romualdes.
05:28Yung kaso po ni former Speaker Martin Romualdes is getting stronger by the day.
05:33Nagpaliwanag din ang ombudsman kung bakit plunder ang ikakaso kay Marcoleta.
05:38Gayong hindi naman pera ng gobyerno ang tinanggap niyang 75 million pesos.
05:43Ayon kay assistant ombudsman, Mico Clavano, hindi lang pera ng gobyerno ang pwedeng sangkot sa kasong plunder,
05:48batay sa RA 7080 o Anti-Plunder Act.
05:52Katulad daw ito ng kasong plunder noon laban kay dating Pangulong Joseph Estrada,
05:56na dahil naman sa pagkamal ng yaman galing sa weting payola.
06:00Same.
06:01Circumstances?
06:02Yes, opo, opo.
06:03So, yung, I understand, no, naiintindihan ho namin yung argument na yun na kailangan public funds.
06:11Ngunit pag binasa mo talaga yung batas, nandyan ho yan na kahit private funds, pupwede.
06:18It's just that, kadalasan ang nafafile ho yung public funds.
06:23Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
Comments